Final

93 3 23
                                    

A/N: Keep in mind guys: Elementary School: Grade 1-4. Middle School: Grade 5-8. High School: Grade 9-12.

---

ALVI

Alam mo yung feeling na yung kababata mong dati uhugin lang, amoy araw, tapos uuwi sa bahay nila na puro dumi yung kamay at tuhod..

Na ngayon ay mas matangkad na sayo, ang bango-bango na tapos ang hot pa. Yung tipong marami ng nagkakagusto sakanya pero di naman to the point na pinagkakaguluhan sya.

Alam ko yung feeling, lalong-lalo na't lumaking hot and cold si Kiel De Vera.

Cold ang ugali. Hot ang itsura't katawan (well actually di ko pa talaga nako-confirm talaga yung sa katawan).

Hindi ba't yan naman ang pangkaraniwang tipo ng mga babae ngayon? Yung pa-mystery at sungit effect.

Sus. Kung alam lang nila kung ano ang tunay nitong ugali. Noong bata kami, lagi nya akong pinapaiyak. Mahilig kasi itong mang-asar habang ako naman, pikon.

But at the end of the day, every damn day, kahit na araw-araw nya akong pinapaiiyak noon, kami parin ang magkasama sa huli. Partners in crime. Bestfriends.

-

May '13

Nang nakatapos na kami ng Middle School, akala namin maghihiwalay na kami.

"K, saan ka magha-highschool?" tanong ko habang nakahiga sa kama nya, habang sya naman ay kasalukuyang nag-iimpake since sa Manila ata sya mag-aaral at dun narin sya magiis-stay sa campus dorm ng school na papasukan nya.

Tinignan at tinaasan na muna nya ako ng kilay bago nya ako tinanong, "Bakit? Mami-miss mo ako noh? Sus, aminin mo na kasing crush mo ako ever since pinahiran mo ako ng kulangot mo noong bata tayo." saad nito habang nakangiti ng nakakaloko.

Agad ko namang inaabot yung unan nya sa taas ng ulo ko. Umupo ako saka ko sya pinagpapalo gamit nito.

"Tinanong lang kita kung saan ka mag-aaral! Ang dami mo ng sinabi, bwisit ka!" saad ko habang paulit-ulit na hinahampas ang unan nya sakanya.

"Sa Fareford High! Tama na, ARAY!" agad naman akong napahinto sa sagot nya.

Napag-usapan kasi naming ise-secret nalang muna namin sa isa't-isa kung saan kami magha-highschool. Kaya di ko akalain na parehas pala kami ng school na papasukan.

"Fareford High? As in FAREFORD HIGH? YUNG FAREFORD HIGH NA FAREFORD HIGH!?" parang tanaga kong tanong kaya tinignan nya lang ako na para ba akong isang alien.

"OO SA FAREFORD HIGH NA FAREFORD HIGH. WAG MO AKONG SIGAWAN." madiin itong saad sakin habang inaalog ang balikat ko.

Siguro sa sobrang saya ko na makakasama ko parin ang bestfriend ko ngayong magha-highschool na kami, di ko napigilang yakapin sya habang tumatalon-talon kaya wala narin itong ibang ginawa kundi yakapin ako at makisabay sa pagtalon-talon ko.

"WE'RE GOING TO THE SAME SCHOOL, YOU IDIOT!"

After that I didn't stop talking about the school's clean dorms, the clubs and how they have a nice track field and music room. I kept on blabbering about everything and didn't notice how affectionate his gaze were while looking at me.

--

June '15

Grade nine and ten hindi kami magkaklase, kaya madalang lang kaming magkita since busy din kami sa kanya-kanya naming club/team.

Siya sa Music Club. Habang ako noong grade nine sa Editorial Club at nang mag grade ten, sumali din ako ng Track Team.

Pero kahit na ganun, nagbibigay parin kami ng time para sa isa't-isa. At least once a month nagkikita kami para kumain sa labas at maglaro sa arcade.

RUN : ALVITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon