CHAPTER 9: Loving Arms

93 8 0
                                    

Sa wakas! Naiapak ko din ang aking mga paa sa tapat ng bahay namin.

Sinalubong ako ng yakap ni nanay

“Nay! Kamusta na?”

“ito maayos naman sa awa ng diyos, ikaw? Parang...”

“parang ano? Gumanda lalo ako?” nakangiti kong sabi

“oo naman! Anak kita eh!”

“yan ang gusto ko sayo eh”

“pinagluto kita ng nilagang baboy”

“Wow! May favorate! Tara na ng mahigop ko na ang sabaw na pagkasarap sarap”

Halos walang pinagbago sa bahay naming maliban nalang sa mga picture frame na nalagay sa sala, nangingiti ako habang pinagmamasdam ko ang mga litrato ko habang nasa maynila ako, ang mga kuha namin ni gal sa party, mall, skul at kung saan saan pa. at syempre ang mga solo kong pictures.

“nay naman parang gallery na tong sala natin, sandamakmak na litrato ko ang nandito a, kulang nalang pati sahig me litrato ko”

“balak ko nga pati ung wall natin litrato mo nalang lagay natin kesa pintura”

“ay very wrong naman nay, ang korni!

“syempre di man kita nahahawakan atleast nakikita naman kita lage”

“asuz!, miss mo lang talaga ako”

Natapos ang buong araw na puno ng kwentohan at kamustahan, natutuwa ako na nakita ko ulit si nanay, Masaya ako na makita siyang malusog at Masaya sa buhay kahit na mag isa lang siya habang ako naman eh nasa ibang lugar. Naalala ko ng biglang tanungin niya ang tungkol sa pag aaral ko at kung ok naman ako kina tita pops syempre nag sinungaling ako, sinabi kong ok lang naman kami na kahit ang totoo ay hindi, sinabi ko na din yung disisyon ko na since malapit na kong grumadwet mas maganda siguro kung ako na lang mag papaaral sa sarili ko, tutal nakakahiya na din kina tita pops at the fact na were not in good terms mahirap na ipag siksikan ko yung sarili ko dun baka mas lalo pang lumala.

Haaay, nakaka lungkot na kelangan pang humantong sa ganito. Simula ng umeksina si anding talagang nag iba lahat L

Ang bilis ng panahon, kelangan ko na namang lumuwas ng maynila pag masyado ka talagang nag e enjoy saka naman mabilis na lumalipas ang mga araw at di ko maiwasang malungkot parang isang panaginip lang ang lahat parang bukas makalawa ay gigising na ako at kelangan nang harapin ang totoong buhay na dapat kong harapin.

“Mag iingat ka dun, mag aral kang mabuti” paalala sakin ni inay habang nag iimapake na ko ng damit.

“Yes naman” nakangiti kong tugon “saka dapat talaga akong mag aral ang dami ko pa atang pangarap no”

Ngumiti naman ito

“o, ikaw na bahala mag paliwanag kina Ma’am Flor tungkol diyan sa disisyon mo huh, sigurado ka ba diyan? Baka yan pa ang maging problema mo para di ka maka graduate”

“Nay, pinag isipan ko po itong mabuti, wag po kayong mag alala kahit papano eh me naipon ako”

“Ikaw bahala basta mag iingat ka dun”

Missyrie:

Sorry naman kung masyadong maikli lang ang partisipasyon dito ng ina ni sathya. Kelangan daw mag double time eh hahaha, kelangan makabalik na agad si ateng sa maynila para balikan ang mga me atraso sa kanya  ^__________^

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon