Pagkatapos nang mga sinabi niya, sa tingin ko hinding-hindi ko na siya mapapatawad.Sa bawat masasakit na mga salita na nanggaling sa bunganga niya, hindi ko alam kun simpleng mga salita lang ba iyun para sa kanya.
"Ginamit lang kita Francine! Hindi mo ba naiintindihan?! Ginamit lang kita para malaman nang lahat na kaya kung paibigin ang lahat nang mga babae dito sa school. Especially you!",sigaw ni BJ.
Paulit-ulit na nagre-recall sa isip ko ang sinabi ni BJ kanina.
"Ahhhh! I hate this freaking life!",sigaw ko.
Andito ako ngayon sa school garden kun saan nag-usap kami ni BJ. Feeling ko hindi ko na kayang bumalik pa dito. Ito kasi ang pinaka-malungkot na lugar na napuntahan ko.
February 15 itinuun niya talaga, pagkatapos nang Valentines no? Ang ganda nang timing mo BJ! Kahapon ang saya-saya pa natin, may subuan, harana, selfie, at halikan. Pero ngayon ano? Iyakan, sampalan, at pagsisisi.
Sana nakinig nalang ako kay Kuya, sana sinunud ko nalang ang sabi niyang huwag muna mag boyfriend hanggat hindi pa ako nag e-eighteen. Eh ako kasi tong nagmamadali eh! Kaya tingnan mo ngayon, mukhang tanga ka! Ang tanga mo Francine! Ang tanga mo! Promise!
*bzzzt
From: Rina (Lorina)
I heard the news, I feel bad for you Best. Nasan ka ngayon? Okay ka lang ba? Do you need my super powers?
Tong' best friend ko talaga kahit kailan palabiro.
To: Rina (Lorina)
Andito ako sa school garden best. Okay lang ako, uuwi narin naman ako ngayon eh.
From: Rina (Lorina)
Okay best! Basta pag you need me just call me ha. Sorry nga pala kun hindi kita madamayan ngayon ah, alam mo namang busy ako para sa pageant. May photoshoot pa kasi ako ngayon para sa online voting namin.
To: Rina (Lorina)
Don't you' worry best! I'm fine, huwag ka na dyan mag-alala baka mamaya panget pa dyan ang kinalabasan nang picture mo para sa online voting.
From: Rina (Lorina)
Okay best! Thankies! Punta nalang ako dyan mamaya sa mansion niyo. Okay?
To: Rina (Lorina)
Okay best!
Tinago ko na ang phone ko sa bag ko at lumabas nang garden. Maka-uwi na nga.
JB tatandaan ko tong araw na to' dahil ito ang araw na babalik ako para guluhin ang magandang mundo mo.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
YOU ARE READING
I Swear
FanfictionAkala ko siya na ang true love ko. Pero I was wrong, ginamit niya lang pala ako para mapa-tunayan sa lahat nang tao na kahit sinong babae sa school kaya nyang mapa-fall sa kanya. He promised me na hindi niya ako sasaktan. Pero mali pala ako, lahat p...