Chapter 1

17 0 0
                                    

Tsk natulala na naman ako.  

Dumaan kasi si Kaira. 

Kaira's a campus beauty.  Brainy pa. 

Ni hindi man lang ako napansin samantalang kanina pa ako nakatingin sa kanya.

Para na naman akong estatwa.

Sa dami ba naman ng nakapaligid sa kanya, makukuha pa ba niyang tingnan ang ordinaryong estudyante kagaya ko? I doubt it. 

Hayz.  Ang ganda mo talaga Kaira.  Sa isang sulyap mo lang, tumitigil ang mundo ko.  

By the way I'm Nikko.

Wag niyo ng isuggest na lapitan ko si Kaira or magpakilala dahil hindi ako ang tipo ng lalaking magugustuhan niya.

MInsan tinatawag nila akong geek, weirdo, baduy at kung anu-ano pa.

Nasanay na lang ako.  Totoo naman ei.

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito..."

Teka pamilyar sa akin ang tunog na yun ah.

Ay cellphone ko pala nagriring.

Pati ringtone ng cellphone ko nakikisali.

Di naman to yung ringtone ko dati ah.

Hmm... si Ivan pinalitan na naman ang ringing tone ko.

Hello. 

Oh Ma. Napatawag po kayo?

Ha? Sige po dadaanan kita mamaya after my class.

Si Mama talaga nagpapasundo na naman sa bahay ng kanyang amiga.

Makapunta na nga sa next class ko.

Graduating na ako next year. 

Computer Engineering ang course ko.

Si Kaira naman Marketing ang major niya.

Nung first year kami classmate ko siya sa ibang subjects.

Minsan nakatabi ko siya sa upuan.  Di ako nakasagot sa tanong ng teacher kahit napakasimple ng tanong.  Di na ulit ako tumabi sa kanya after that.  Di naman sa natatakot akong hindi pumasa dahil kayang-kaya ko namang bumawi sa mga exams.  Kaya lang napahiya kasi ako sa kanya at sa buong klase.

Tawanan ang buong klase.  

So weird.  Narinig kong sabi ni Kaira.

Second year at hanggang ngayon di ko na ulit siya naging classmate.

Hanggang sulyap na lang ako.

Ma, saan po kita susunduin?  Text mo na lang po sa akin yung address.

Alas diyes na ng gabi dederetso pa ako sa santa Mesa.  

Medyo madilim sa may parking lot.   Wala na ding gaanong estudyante.

Palabas na ako ng campus sakay ng kotse ng hinarang ako ng dalawang babae.

"Tulong. Tulungan mo kami." Sabi ng mga ito.

"Bakit anong nangyari."Tanong ko.

"Nasnatch kasi yung bag ko." Umiiyak na sabi nito.

"Ha? Saan nagpunta yung snatcher."

"Lumiko dun.  Hinabol siya ng kaibigan namin.  Please tulungan mo naman kami baka kung anong mangyari dun sa kaibigan namin." 

Bumaba ako ng sasakyan at tumakbo sa direksyong itinuro nung babae.

Nakita kong pilit na inaagaw nung babae ang bag sa lalaki.

Sinampal nung lalaki ang babae. 

Naglabas ng kutsilyo ang snatcher.  Akmang sasaksakin ang babae pero bago pa man niya magawa yun nawalan na ito ng malay marahil sa sobrang takot ng makita ang kutsilyo.

"Hoy.  Ako ang harapin mo!"

"At sino ka naman?"

Hindi na ako sumagot. ginamitan ko ng karate ang lalaki.  Blackbelter yata to.

Dalawang sipa. Tumba.

Dumating yung dalawang babaeng humingi sa akin ng tulong na may kasamang 2 guwardya.

Dinampot ng mga guard ang snatcher.  

"Maraming maraming salamat ha."

Itinayo ng dalawa ang babae.  Dun ko pa lang narealize na si Kaira pala yun.

"Thank you so much.  We'll take it from here.  Kami na ang bahala sa kanya."Sabi nung isang babae.

Wala na akong nagawa kundi ang ihatid sila ng tingin papalayo. 

HIndi ko matatanggap kung may masamang nangyari kay Kaira.

HIndi man lang niya nakitang ipinagtanggol ko siya sa tiyak na kamatayan.

 KInabukasan pumunta ako sa bahay nina Kaira upang kamustahin ang kalagayan niya.  Nagdala din ako ng bulaklak.

Today's the day, magpapakilala na ako kay Kaira.

Pero sa gate pa lang ako hinarang na ako ng maid nila.

"Bawal pong tumanggap ng bisita si Mam Kaira.  Masama pa po ang kanyang pakiramdam." Sabi ng kumausap na maid sa kanya.  

Äh ganun po ba.  Pwede po bang pakibigay na lang nitong roses sa kanya. Peach roses yun.  

Kinuha naman ng maid ang roses at inamoy-amoy pa ito.  Tiningnan muli ako ng maid.  Taas-baba itong tumingin sa akin na parang nanghuhusga.

Kinausap nito ang guard. 

"Oi alam mo ba, narinig ko si Sir, ipapadala daw sa Amerika si Mam Kaira pagkagraduation." Sabi nito sa guard na tila bagang pinaririnig din sa akin.

Para akong binagsakan ng langit at lupa.

Teka... Hindi naman din pala ako kilala ni Kaira kaya malamang di din niya malalaman ang mga hinagpis ko.

Ay ang hirap naman ng kalagayan ko.

Umalis na ako sa bahay nina Kaira.

Dumeretso ako sa bahay. Pumasok sa kwarto ko at nagmukmok.

"Bro open the door." Sigaw ni Ivan.

Binuksan ko na ang pinto dahil di din naman ako patatahimikin nito.

"Bakit?"

"Chill man. Anjan si Robin hinahanap ka." pagkasabi nito sabay alis.

Bumaba ako sa sala at pinuntahan si Robin. 

"Nikko okay na ba yung presentation natin for Ms. Tapyas bukas?" tanong nito.

Oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Bukas na yung presentation namin.  Finals na naman tapos graduation na.  Nakakalungkot naman di man lang nalaman ni Kaira ang feelings ko sa kanya.

"Oh natahimik ka na diyan. Tapusin na natin or else di tayo gagraduate." Lumakad na si Robin papuntang kwarto ko.

Hatinggabi na ng natapos namin ang presentation.  Doon ko na sa bahay pinatulog si Robin dahil late na din.

Kinuha ko ang ballpen at isang papel. Nagsimula akong gumawa ng love letter para kay Kaira. Pagkatapos kong isulat lahat ng nilalaman ng puso ko, inilagay ko ito sa box na punong-puno na ng sulat para kay Kaira.  Itinabi ko na ang box at kinandado ko ang pinto.  Tama na.  Last love letter na yun. Kailangan ko ng isantabi ang nilalaman ng puso ko.  Pupunta na siyang states.  Ako naman kailangang magfocus sa career.  Saka ako nahimbing sa pagkakatulog

THE BEAUTY AND THE GEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon