Chapter 1 : Dare

121 12 5
                                    


THIRD'S PERSON POV

"Sinong matapang dyan?" sigaw ni Peter na sya ring pinakamatapang sa klase.

"Bakit?" lakas loob na sigaw ni Michael isang semi-nerd student.

Nagsitawanan ang lahat dahil sa ginawang pagsagot ni Michael kay Peter.

"Since nagtanong ka na isasama na kita sa listahan" sabi ni Peter.

"Anong listahan?" nagmamaang na tanong ni Michael.

"Sleepover pare, dito sa school" sabi ni Anthon habang nakaharap kay Michael gamit ang nakakatakot na mukha.

Biglang nagsilapitan ang karamihan ng malaman na ang listahan pala ay sasama sa sleepover sa kanilang paaralan na pinlano ni Peter.

"Isama nyo ako, Ghost Hunting to" natatawang sabi naman ni Christhoper.

After a few minutes marami na ang nakalista sa listahan kung saan kinabibilangan ng labing tatlong lalake at walong babae.

"Di ba dapat kailangan ng permit nyan?" sabi naman ni Amara habang nakapamewang sa harapan ni Peter.

"Kung gusto mo ng permit pumunta ka dun kay Ma'am siguradong graduate na tayo di ka pa rin papayagan nun" sabat ni Christopher.

Nagsitawanan ang karamihan. Sa kalagitnaan ng pagkukulitan ay isang malakas na hangin ang syang biglang nagpasara ng mga bintana at pinto nila kasabay ang pagbagsak ng vase na nasa Teacher's table nila.

Natahimik ang lahat dahil sa nangyare, lahat sila kinalabutan sa nangyari.

"Hangin lang yun takot agad? baka naman magsiatrasan kayo nyan" pukaw ni Peter sa karamihan.

"I'm Still In" sabi ni Leah habang nakaupo sa taas ng desk nito.

"Who's still in?" tanong ni Christopher. 

Nagsitaasan ng kamay ang karamihan at mukhang dumami pa nga ang gustong sumama.

"I really like ghost hunting, since di naman talaga ako naniniwala dyan" natatawang sabi ni Alfred.

Biglang tumayo si Sheila sa kinauupuan at kinuha ang baga nito na syang umagaw sa atensyon ng lahat.

"Don't bother to ask me coz I'm not joining" sabi ni Sheila.

"Duwag ka lang kaya ayaw mong sumama" pangaalaska ng Mildred dito.

"You will definitely regret your decision, hindi nyo alam kung anong meron ang paaralan na to, hindi nyo alam ang tunay na dahilan kung bakit matagal na isinara ang paaralan na ito!" sigaw ni Sheila sa lahat.

Shiela's POV

"Kaya nga aalamin" pambabara ni Mildred sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa mga kokote ng mga kaklase ko at pinagplanuhan nila ang magsleepover sa paaralang ito. I know everything coz I saw them, nakikita ko silang sabay sabay na pumasok sa room namin at ibinagsak ang mga bintana at vase na nakalagay sa lamesa ni Ma'am. 

When I first came here I was shocked dahil sa mga nakikita ko, mga kaluluwang tila naghahanap ng hustisya sa pagkamatay nila. Mga estudyanteng tulad namin. Some are wounded na tila ba nilapnos ang buong katawan. Ang iba ay walang ulo kung saan sumisirit ang mga dugo nito sa leeg at tila hinahanap ang nawawalang ulo nito.

May iba namang wasak ang mukha habang napapalibutan ng dugo ang buong katawan. I don't need to join the ghost hunting dahil araw araw nakikita ko sila,araw araw nakakasalubong ko sila.

Aalis na sana ako ng biglang may sumulpot sa harapan ko, babaeng duguan at tila ba wala ng mga mata. Napatulala ako sa nakita parang tila hindi ko maigalawa ang katawan ko dahil sa pagkabigla.

"Shiela lahat sasama ikaw lang ang hindi, sumama ka na gagraduate na tayo next month wag ka namang kill joy" tila natauhan ako ng hinili ni Mhae ang braso ko para pigilan ang pagalis ko. Tumingin ako kay Mhae at ng muli akong tumingin sa harapan ko ay naglaho na ang babaeng nagpakita sa akin kanina.

Lahat sila nakatingin sa akin tila naghihintay ng sagot ko. Ngunit di lang sila ang nakatingin sa akin nakatingin din ang mga kaluluwang kanina'y pumasok sa room namin. They look angry, hindi ko alam kung bakit. Dahan dahan silang lumapit sa akin at ng tila ilang pulgada na ang layo ay mabilis akong tumalikod at tumakbo palabas ng room namin.

 Nagmadali akong bumaba sa hagdanan dahil nasa 2nd floor ng gusaling iyon ang classroom namin. Nagitla ako ng biglang sumulpot ang batang nakaputi sa harapan ko kung saan napakaputla ng pagkaputi nito. Mabilis ko iyong iniwasan na naging dahilan ng pagbagsa ko sa hagdanan. Buti na lamang at malapit na ito sa sahig.

Agad akong tumayo at tumakbo palayo sa lugar na yon. Ngayon ko lang nakitang nagalit sila, di ko alam kong ano ang gusto nila. I was afraid nung makita kong lumapit sila, Gusto ba nila akong patayin dahil sa nakikita ko sila or they want to tell me something? Hindi ko alam, walang nakakaalam.

Third's Person POV

"Napakaduwag talaga ng babaeng yun" natatawang sabi ni Peter.

"Basta lahat ng natira dito sasama di ba?" tanong ni Mildred.

Naghiyawan naman ang lahat bilang pagsangayon. Hindi nila alam ng may mga kaluluwang galit na galit na nakatingin sa kanila.

"So, mamayang gabi pagkalubog ng araw dapat nandito na tayo"sabi ni Christopher at agad na kinuha ang bag at tuluyan ng lumabas sa room nila. 

Sumunod naman ang iba at nagkanya kanyang labas sa gusali na iyon.

Ano kaya ang naghihintay sa kanila sa palanong pagsleep over sa kanilang paaralan? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Horror HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon