Suki

3.1K 39 25
                                    

Suki (Republished)

"Sorry, Janice." Shet lang. Pang ilan na ba ito? Pang lima? Ay hindi, pang pito na nga pala. Pang pitong break up. Oo, mga lalaki ang nakikipagbreak sa akin. Ewan ko rin ba!

"Oo na, Ken. Wag mo nang patagalin." Saad ko sabay walk out. Ayaw ko nang ipahiya pa sarili ko. Di ako katulad ng iba na maglulupasay at mag-iiiyak dahil sa isang break up. Sus! Break up lang eh. Iiwan ka lang naman ng taong mahal mo. Ano namang kaiyak-iyak dun? Masakit? Di 'no! Asa! Ang saya nga eh. I'm free again.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!! Bwisit na mga lalaki yan! Palagi na lang akong iniiwan! Ang pangit ko ba? Ang hirap ko bang mahalin? Ano bang mali sa akin??????" Sige na nga, nagwawala din ako at umiiyak. Matapang ako pero hindi ako bato.

"Bes naman eh.. Sagot sagot din." mangiyak-ngiyak kong sabi sa best friend ko na bukod tanging may alam na kahit taas noo akong nagwowalk out after a guy broke up with me, umiiyak din ako.

"Bes naman, din. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na maganda ka, hindi ka mahirap mahalin at lalong walang mali sa iyo. Tanga lang talaga lahat ng mga ex mo. Ikaw naman kasi eh. Lahat ng pinipili mo, palpak!" Sermon nitong manong na ito.

"Hoy, Louie! Ano akala mo sa mga ex ko, mga nakadisplay lang sa mall na napili ko lang bilhin? Para sabihin ko sa iyo, hindi napipili ang mga taong minamahal! Kasalanan ko ba na suki ako ng mga heart breaker?" Tumutulo na ang uhog ko at sobrang oa na nang pagbagsak ng mga luha ko, pero nakuha ko pang mangaral na akala mo expert sa love. But come to think of it, kumpara kay Louie, mas may karanasan nga naman ako. haha.

"Hindi nga napipili ang minamahal, pero pwede ka namang mag-ingat sa kung kanino mo ipagkakatiwala ang puso mo. Shonga lang, 'te?" Aniya na ikinalaki ng mata ko. Anak-ng-kabute-na-tumubo-sa puno-ng-aratilis-sa-tapat-ng-bahay-ng-kapitbahay-namin naman oh! Kailan pa naging beki itong best friend kong walang kasing gwapo?!

"Oh, ano namang klaseng mukha yan?" Sabi pa niya. I bet mukha akong di matae na ewan. Kagulat-gulat naman kasi yung naging pananalita niya eh!

"Umamin ka.." Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha niya, pero hindi pa ako tapos. "Bading ka ba bes?" Ayan na nga't mukha na din siyang hindi matae. Ang seryoso kasi ng tanong ko eh. haha. Alam ko naman na di yun totoo kaya natawa talaga ako sa naging reaksyon niya. Tawa ako nang tawa nang bigla na lang siyang tumayo at mukhang magwowalk out na. Di ko nga pala nabanggit na kung ako si "walk out queen," si bes naman si "walk out king."

"Oy teka, san ka pupunta?" Hinawakan ko siya sa pulso para mapigilan ang nagbabadyang pag-alis niya. Napalingon siya, pero wala pa ring imik at yung itsura niya ay sobrang seryoso na.

"Joke lang po 'yon, Louie-pot." Naupo na siya ulit, pero nanatiling tahimik. Sumiksik ako sa tabi niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Hindi pa ako nakuntento at yumakap pa ako sa bewang niya. Ang landi ko ba? Hindi kaya! Ganito lang talaga kami ng best friend ko. Naglalambing lang ako.

"Tantanan mo nga ako, Janice-walis. Matapos kitang pakinggan sa mga kabitteran mo, ganyan pa ang isusukli mo? Wala kang utang na loob. Napakalupit mo." Uyy, si bes nagdadrama. haha. Pero mas madrama ako kaya tumunghay ako sa mukha niya nang nakanguso este nakapout pala. Pa-awa effect pa daw. Ewan ko lang kung di pa makunsensya 'to.

"Tss. Oo na! Ang pangit mo talaga pag ganyan itsura mo. Mukha kang aso." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Mukhang aso daw eh ang cute ko nga. haha. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya at naramdaman ko rin namang humalik siya sa ulo ko. Sweet ng best friend ko di ba? Mahal na mahal ako niyan! At syempre mahal na mahal ko din yan. Kaya nga kahit pitong lalaki na ang bumasag sa puso ko, nagagawa ko pa ring makabangon.

SukiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon