First and For All (the beggining)

2 0 0
                                    

Nagkaroon ka na ba ng crush sa edad na 16?

Mga 4th year highschool na yata nyan.

Kagaya ko. 4th year highschool na ako.

Anyways... Naranasan nyo na ba? Yung first time mong nagkakacrush?...

Hmm... Ako? Oo eh. This 4th year lang.

Sabi kasi ng mga kaibigan and at the same time mga kaklase ko since first year eh, pag nakangiti at nakatulala ka daw sa isang tao, tapos naaadmire kana sa kagwapuhan o kagandahan nya. Crush mo na yun.

Yung tipong, gusto mong kilalanin kung ano pangalan nya, yung mga likes and dislikes nya, kung saan sya umuuwi. Blah blah blah! Basta. Madami silang description sa crush!

At ayun nga. Confirm ngang may crush na ako. At buti naman daw may damdaming tao na daw ako sabi ng mga kaklase ko.

Eh kasi daw, nung first year hanggang 3rd year ako eh, palagi nalang pag-aaral daw inaatupag ko. Palagi nalang ang kaharap ko eh puro libro at mga notes.

Eh di na nga daw ako namamansin sa mga kaklase ko. Paki ko ba? Ano naman kung di ko sila papansinin? May mawawala ba sa kanila? Wala naman eh. Hayy! Mga pabebe lang sila.

Pero napansin nyo na may kaibigan ako noh? Eh kasi nga, sila lagi yung lumalapit saken, tinitiis nilang makipagkaibigan saken kahit wala akong ganang kumausap sa kanila. Eh ayoko lng talaga iniistorbo ako pagbumabasa ako eh.

Kaya simula noon, naging kaibigan ko na sila.

Mabubuti naman silang kaibigan eh. Hindi naman sila mga BI (bad influence).

Syanga pala. Ipapakilala ko sila sa inyo.

Si Sheena Ann Bimas,

ang pagkakakilala ko sa kanya bilang kaibigan eh, matalino, mabait at minsan pag may nalamang kwento sa iba, chika agad samin. In short, madaldal. Kaya nga updated kmi lagi sa mga nagaganap sa school. Kahit nga yung tigyawat ng guro namin, chinichika na nya samin. Ganun ka mabusisi sa pag chismis tong babae na to.

Next. Si Mila Cruz. Sya naman yung tipong pag tinanong mo lng saka lng sya magsasalita.

Sunod. Si Francis Sintilla. Nerdy boy sya. Sunod ko na pinakamatalino sa klase. May suot syang eyeglases. May diperensya daw mata nya. Malabo paningin nya pag wala syang salamin.

At lastly. Si Camille Sonero. Happy go lucky lng to. Palaging masaya. Di mo kita lagi na malungkot. Palaging nakangiti. Haha!

Yan ang mga kaibigan ko. Teka. Ako pa pala ang hindi nagpapakilala.

Ako nga pala si Neline Lastimosa. "Nel" nalang for short. Hihi!

Masipag akong mag-aral. Lahat nalang ng ginagawa ko puro basa ng libro at notes. Maliban nalang kung naiihi o natatae at kumakain lang di ako nagbabasa.

Pagsisimula ko palang to. Sana sa first chapter na to, suportahan nyo. Hihi!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Turn OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon