The Second Time Around

240 12 15
                                    

Hello po! sinali ko po ito sa contest yung sa battle of stories, sa kasamaang palad hindi nasama sa susunod na round. Sa mga hindi po nakabasa, isshare ko lang po ulit.

------------------------------------------------------------

      This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used ficticiously, and any resemblance to actual persons, living, or dead, business establishments, events, or locales is/are coincidental.


No Proof reading done here. Errors Everywhere.


Hope you'll enjoy reading this one! 

-----------------------------------------------------------


Gaano ba talaga kalaki ang mundo? Sa dinami-dami  ng taong dito, mahahanap mo ba talaga ang taong para sa'yo? Lahat naman tayo naghahagad ng isang happily ever after di ba? Pero kung ASAN? KAILAN at kung SINO, yan ang napakalaking katanungan. Baka sa kahahanap mo ng SPECIAL SOMEONE hindi mo alam nasa tabi mo lang pala.


Ako si Alexis, ang naghahanap kay Prince Charming para sa happily ever after ko. Laki ako sa probinsya. Masaya sa probinsiya, may mga magagandang tanawin, malinis na tubig, masarap na simoy ng hangin, at walang problema.


Lumaki ako dito kasama ng lola ko at isa kong kapatid, samantalang sina mama, papa at kuya nasa maynila na dumadalaw din naman ng madalas. Hindi naman kami pinapabayaan, lagi din kaming may communication. Hindi ko naman sila sinisisi at hindi rin ako nagsisisi na pinadala nila kami dito.


Dito ko nakilala ang kababata kong si Mark. Simula nung mga bata pa lang kami magkaututang-dila na kami, kasama ng kapatid kong lalaki. Naglalaro, swimming sa ilog, sa dagat, at kung anu-ano pa. pumasok din kami sa iisang eskwelahan.

Kaya lang, isang araw kinailangan nilang umalis.

"Hindi na ba tayo magkikita ulit?" tanong ko kay Mark.

"Ano ka ba! Bakit naman hindi?" he assured me.

"Ma-mimiss ka namin" sabi ni Justin.

"Ako din, ma-mimiss ko kayo" sabay yakap samin ng kapatid ko.


Kinailangan nilang pumunta ng Maynila dahil sa trabaho ng papa niya. Hindi na nga niya natapos ang Elementary dito eh. Sayang, sana pinatapos man lang siya ng Elementary dito edi sana sabay kaming grumaduate.


Halos araw-araw nag-aabang ako sa may gate ng bahay namin o kaya naman ay dumudungaw sa bintana para lang makita kung nakabalik na sila. Pero wala. mukhang naibenta na ang bahay nila dahil may iba ng nakatira dito. Isa lang ang sigurado dun. Hindi na sila babalik.


Sinubukan ko na siyang hagilapin sa mga social networking sites, uso pa Friendster nun hanggang ngayong Facebook na, hindi ko pa rin siya makita. Wala akong nakitang Mark Bueneventura.Kaya parang nawawalan na ako ng pagasa,siguro nakalimutan na niya ako.  Sabagay, matagal na rin naman, siguro hindi na nga rin ako naaalala nun. Hayyy.

The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon