Pinapatay

53 1 3
                                    

"Liantt!" tawag ko sa kanya habang naglilinis siya sa labas ng room.

"Oh? Ano nanamang kailangan mo sakin?" sagot niya nang lumingon sa akin kasama ang iritadong mukha.

Kinilabutan nanaman ako, nanghina ang tuhod, at kinabahang sumagot. Siya lang talaga ang may kayang gumawa sakin ng lahat ng 'to. Sa simpleng pagtitig niya lamang sa aking mga mata ay naghuhuramentado nanaman ang puso ko.

Tatlong taon na akong umaasa, umaasang mapansin ako ng katulad niya. Hindi naman dahil sa hindi ko siya abot dahil sa estado sa buhay, kundi dahil sa kasikatang natatamo niya sa eskwelahan. Para siyang bituwin na mahirap abutin. Sabi pa nga ng iba, "So near yet so far".

Pumalakpak naman siya at nagsalita, "Ano ba!? Tinawag mo ba ako para tumunganga sa harap ko? Tanghaling tapat lakas mang-bwiset. Dyan ka na nga!", sigaw niya.

"H-hala. L-l-liantt!" nag-aalala ko sigaw.

Hay nako. Wala na tuloy, babalitaan ko lang naman siya na may nagkakagusto sa kanyang kaibigan ko. Si Mitch-maganda, matangkad, mabait, sikat, at kasama sa iba't ibang organization sa school. Siya yung pwedeng lagyan ng nickname na "Ideal Girl" ng bawat lalake. Lahat nahuhumaling sa kanya-natural na mapupulang labi, balingkinitang katawan at mahaba't direchong itim na buhok.

Samantalang ako, walang wala. Hindi maganda, matalino, mabait lang, hindi sikat at hindi sumasali sa iba't ibang org dahil sa kakapusan ng 'Self-Confidence'. Pandak, naglalakad na pader at buhaghag na buhok.

Tumunganga nalang ako sa aking upuan habang hinihintay matapos ang lunch break at dumating ang next teacher-in-charge. Hindi na ako kumain dahil hindi ako makaramdam ng gutom dahil lang sa nakausap ko si Liantt, kahit na tinarayan niya lang ako.

Gustong gusto, ay mali... Mahal ko talaga si Liantt Seth Zapanta-gwapo, matalino, masipag, sikat, maraming kaibigan at kasali sa Bandang Chemical Reaction bilang Vocalist. Alam ko naman na hindi lang ako ang may gusto sa kanya, sa laki ng populasyon ng Lardizabal High School sigurado akong 90% ng kababaihang nagaaral sa eskwelahan ay nagkakandarapa at hinihiling na maging girlfriend niya.

No Girlfriend Since Birth si Liantt dahil gusto niya ibigay ang buong pagmamahal at atensyon niya sa babaeng tatawagin ng lahat na "Liantt's Lucky Girl".

Hindi dumating ang English Teacher namin na si Sir Manuel dahil sa biglaang meeting ng English Department kasama si Ma'am Dela Vega-ang English Chairman ng school.

Nagulat ako ng kinalabit ako ni Hailey na nasa likuran ko at biglang may sinenyas na naghahanap sa akin sa back door ng room. Sinilip ko at nakita kong kumakaway sa akin si Mitch kasama ang mga dalawa niya pang kaibigang kasing ganda at sikat niya, Si Apple at Cherry.

Tumayo ako sa upuan at lumabas ng room upang magtungo sa kanila.

"Ivo! Kamusta kana?" paunang bati sa akin ni Mitch habang ngiting-ngiti, alam ko naman kung bakit niya ako pinuntahan sa room. Hindi para sa akin kundi para kay Liantt.

"Ayos lang naman," sagot ko at tumango upang ituon ang pansin ko sa aking kamay.

"Ayos ka ba talaga? Ah itatanong ko lang san-"

"Hindi ko pa nasasabi," direchong tingin ko sa kanyang mapupungay na mata, "Tinarayan niya kasi ako kanina nung tinawag ko siya. Sorry Mitch, wag ka mag-alala sasabihin ko mamaya. Sorry ulit." Sabat ko.

"Ano ka ba Ivo! Ayos lang yun 'no. Dapat nga hindi ikaw ang pinapakiusapan ko nito eh, kayo kasi ang magkaklase at ikaw lang ang kakilala ko sa section niyo kaya ikaw ang nilalapitan ko. Pasensya na Ivo." Aniya

Bridge BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon