Cutie Minion

22 1 0
                                    

4

“Anicaa.”

“Yes kuya? May problema ka ba?”

"Wala. May ibibigay ako sayo. Tara dun sa kwarto ko.” Ehh, Bakit hindi niya pa dinala dito sa kwarto ko? Tsk. Sarap na ng higa ko dito oh. Aish.

“KUYA NAMAN!! BAKIT DI MO PA DINALA DITO?!!” Hehe. Maingay din ako. Sanay na yan sa malakas kong boses. Kaya lang, tinalikuran niya lang ako at sinabing “Sumunod ka nalang.”

Edi no choice, pumunta rin ako sa kwarto niya. Tska, hello. Minsan lang yan, at curious ako kung ano yung ibibigay niya ehh. Baka magbago ang isip at sa iba ibigay, diba? Kaya sumunod ako agad agad. Hihi.

Pumasok na ako ng kwarto niya. Ang bango, amoy ng pabango niya. Haha. Ako kasi pumili ng pabangong gamit niya ngayon eh. Ang baho kasi pag siya pumipili. Masakit sa ilong at sa ulo. Hahahaha.

“Kuya, asan na? Pwede ko na makuha?” Atat na tanong ko sakanya. Naka smile ako niyan. Hahahaha. Naeexcite kasi ako eh. Ano kaya yun? Hmm.

“Hahahaha, ang cute mo talagang bata ka. Tingnan mo dun sa may cabinet ko.” Tumawa naman siya. Well, cute talaga ako. Hahaha. Di nga ako cute eh. Lol. Maganda ako, joke lang. =))

“Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!” NAPASIGAW AKO NG WALA SA ORAS. GAHD! -_______- Hehe. Nagulantang ko ata sila mama. Kumatok agad agad sa kwarto ni kuya eh. Hahaha. Ang ingay ko pala.

“Anong nangyari, Anica?!!” Sabay sabay na tanong nila. Ngumiti lang ako sakanila. “Wala po.” Nakangiti kong sabi. “Eh bakit ka sumigaw ng napakalakas?” Tanong ni papa. Hahaha. Yung mga mukha nila nakakatuwa. Sarap nilang picture-an. Lol.

“Ah eh. Si kuya po kasi ehhh.”

“Anong ginawa ko?” Kuya Dom, na mukhang ewan. Hahahahahaha.

Inangat ko yung hawak ko na galing sa cabinet niya, isang cute na minion stuffed toy!!!!! Hihihi. Medyo malaki siya. Tapos ang cute cute talagaaaa. Di ko napigilan yung pagsigaw ko dahil sa kakyutan nung minion. Im so loud. Sorry. Hehehehehe.

“Oh? Anong meron jan sa hawak mo?” Tanong ni mama na nakakunot ang noo. “Cute po, ma.”

“Ano? Kaya ka sumigaw dahil cute yan?” Lalong kumunot yung noo niya. Hala. Yari ako. Sad. Sad. “Opo. Di ko po kasi napigilan eh. Hehehe.” Sagot ko kay mama. Lumabas na pala si papa ng kwarto ni kuya. Hindi na ata interesadong malaman yung nangyare. Hahahaha. Okaya itatanong niya nalang kay mama mamaya.

“ANICA NAMAN! Wag mo akong ma-hehe jan. Akala naming kung ano ng nangyari! Kontrolin mo naman yung sarili mo minsan. At tska anong oras na oh! Tulog na mga kapitbahay natin. Naiintindihan mo ba?!” Aw. Sermon nga. Hayayay. Sungit ni inang reyna. -__-

“Opo ma. Sorry po.” Tapos lumabas na siya ng kwarto. Di man lang nag-goodnight. Galit nga yata. Anong oras pa ako umuwi kanina, di nga ako napagalitan dun, dito naman. Baka dito niya na rin nilabas yung galit niya sakin kanina. Anyway, wala na akong magagawa. Nangyari na eh.

“Hahahahaha.” Narining kong tumatawa yung annoying person. “BAKIT KA TUMATAWA?!!” Ayan, ang ingay ko na naman. Haha. Kasi naman ehhh!!!

“Hahahahaha. Ang panget mo. Mas cute sayo yung minion. Bumalik ka na dun sa kwarto mo. You’re welcome.” Wow. Ayos to si kuya ah? Sarap batukan. UGH!! >.<

“Thanks annoying. Matutulog na ako. Good night!!” Hmp. Lagi talaga akong inaasar nun. Gahd. Bwiset. Pero okay lang, may minion naman ako. Yey! Ito yung first stuffed toy ko. I’ll treasure this. May ugali rin akong kinakausap ko sarili ko, ngayon, si minion na yung kakausapin kooo. May mapaglalabasan na ako mg sama ng loob o kaya may masheshare-an na ako. Ayos, thanks big bro.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon