Ako kasi ung tipo ng lalaki na gusto ng perfect na babae. Bago kayo manghusga, pag usapan muna natin ang ibig sabihin ng perfect. Perfect means having it all. Yung pangit pero maganda, ung mabuti pero masama, basta lahat na meron.
Lahat naman tayo nakapag isip ng dream girl o prince charming nyo eto kasi ung sakin
kailangan
Blonde
Maputi
Blue Eyes
Virtuoso
Sweet
Masipag
Matalino
Humorousat higit sa lahat. Gusto ko palagi syang masya kahit anong mangyari. Ngayon eto naman ung gusto kong flaws nya :
Lampa
Tanga
Slow sa Jokes
Dugyot sa damit
ClumsyGusto ko mameet ko sya dahil isosoli ko ung naiwan nyang panyo.
wala lang. di naman pwede ung sobrang ganda ng katangian diba. Alam ko naman na wala sa wikang Pilipino ang ganyang babae kaya ayus na siguro kung madaming wala sya nyan. Kasi ang pinakamahalaga ay ang pagsasama. Hindi ba?
.................
Naglalakad ako papunta ng school ng may nasalubong ako panyong pink sa kalsada. Alam ko napakaobssessed (ano ba tagalog nun) ko sa mga panyong nalaglag pero malay mo eto na talaga. Kinuha ko tapos pinagpag ko sa pantalon ko kunwari akin tapos tinignan ko ng masama ung mga tao sa paligid ko. HAHAHA
Umakyat na ko sa 3rd floor kasi wala pa kong klase kaya tambay muna sa student activity center. Nakinig muna ko ng music habang nagtatap ng table kunwari pianista. Napansin ko ang kalat sa table tapos may na tapong melon shake sa may paanan at may Faber Castell na ballpen pa. Swerte ko naman 2, na ballpen ko. Nagdrawing na lang ako hanggang makatulog ako. Tinanggal ko muna salamin ko syempre.
2 HOURS AKO NAKATULOG, LANGYA NAMAN. Late na ko sa klase ko kaya nagmadali na ko umalis. Naiwan ko pa dinrawing ko. Pinaggalitan ako ng prof ko kaya nabadtrip ako. Sabi ng kaklase ko late din naman si Sir. Tinulugan ko na lang ulit si Sir kaso nagpaquiz kaya gising ulit.
Tinapos ko ng mabilis ung problem set ng acid-base rxn at titration. Nainis ung prof ko bat daw perfect ung score eh tulog naman ako. MAGIC. Napag-aralan na namin un nung highschool.Niyaya ako ng tropa ko maglunch. Di nanaman namin alam kung saan kakain kaya nag jack n poy kami. Panalo ung KFC sa McDo.
Punta kami ng KFC. Grabe na busog ako tas ung brownies ko tinabi ko para mamaya.
Wala next subject na prof, kaya punta kami sa library para mag-aral. Yung tropa ko amazed pano daw ako nakapagmultiply ng walang papel. Tinuruan ko sya ng ilang subject tapos nakita ko ng mga kaklase ko kaya nagpaturo na rin sila. Dahil tinatamad ako binigyan ko sila ng sasagutan good for 30 minutes. Kumuha ko ng librong gusto kong basahin at nataon na nakita ko ang mga libro ni Shakespeare. Kumuha ko ng 3 tas inuna ko ung Romeo and Juliet kasi ang corny nun. Astig kaya Old English ung gamit tapos may English din.
Natapos na mga klase at palubog na ung araw. Pinicturan ko ung sunset at inupload ko. Wala lang, cool lang. Bumili ako ng mais kasi paborito kong pagkain yun. Nakapila ako sa BGC bus tapos may ka schoolmate akong nakita, ang ganda nya kaso nadapa sya sa simula ng pila. Sinenyasan ko sya na sumingit na sya kunwari magkaklase kami. Grabe binati ko sya ng kamusta at ung exam ng Chemistry, tapos sinabi nya ung sagot. Galing umarte nito pang Dramatic Guild. Nakasakay na kami at since nauna ko sa pila ako unang nakaupo sabi nya kasi ayaw nya umupo kaya nakatayo sya, di nya naman abot ung rail. Kaya nung pumreno ung bus nasubsob sya sa upuan sa harap ko at nagalit ung matandang lalaking tulog. Sobrang galit napasigaw sya pero gulat ko isang sorry lang nung babae napatahimik ung matanda. Sabi ko umupo na sya ay wala na syang magawa kasi tumayo na ko. Kinain ko ung mais. Share lang gusto ko lang malaman nyo na may kinahinatnan ang mais ng isang kamay lang habang nakatayo sa malakas na prenong bus. Di ko inalok ung babae kasi paborito ko tong mais. Pinampahid ko ung panyong napulot ko nung umaga sa bibig ko. Walang hygenic sa diksynarong tagalog. Mas malupit si Ateng schoolmate, naglabas ng 2 inch na kapal na Anatomy and Physiology book, pinakamalupit eh nagkukulay sya ng reproductive system. Lupet ng kulay ang linis kahit na lumilipad kaming lahat sa preno ng bus. Hahah xD
Finally nasa Market Market na ko. Kasabay ko ulit si Ate kasi parehas kami ng sasakyan. Inasar ko sya ng umalis sa pila ko kasi sisingit na naman sya. Joke lang un pero muntik na syang makaalis ng tuluyan buti na lang sinigaw ko na malapit na mag 8. May curfew daw sya eh.
Magkatabi kami sa jeep at nanunuod sya sa phone nya at ako naman nagtatype ng drama ko sa wattpad ngayon. Medyo kanina pa ko nagtatype sa pila.
Nagbabye na ko kay Ate kasi kailangan ko na bumaba.
Pawisan ako kaya kuhain ko sana ung pink na panyo sa bulsa ko kaso nawawala.
Narealize kong walang laman ung bulsa ko.Pati ung wallet ko. Patay ka.
BINABASA MO ANG
Star-crossed Strangers
Short StoryThey were meant to be. If heavens created couples, they'd be the one for each other. Everything they wanted is what they both have. They're soulmates, destined for a great love story until one tragedy happened ; They never met.