Chapter 1

33 1 0
                                    

"I love you" sinabi nya sa akin na syang kinabigla ko. Lumingon ako sa kinatatayuan nya. "Ha?" yan lang ang tanging naapuhap kong salita. Ikaw ba naman masabihan ng crush mo nyan, ewan ko na lang.

"I said, I love you and that's true" may pagka-sinseridad na sabi nya. Unti-unti syang naglakad papalapit sa akin. Still I'm on a state of shock.

"Matagal ko ng gustong sabihin 'to sayo. And I'm glad I have the courage to say this to you now". Dagdag pa nya. He lean close to me. Nate-tense ako, eto na ba? Hahalikan na ba nya ko?! Emerged! Gusto kong tumalon kaso masisira ang moment. Tiis muna girl! Pagkatapos nito party-party tayo! Si malanding konsensya. Ang lantod mo po. Si mahinhing konsensya naman. Natawa ako ng mahina. Ay peste! Hahalikan na nga pala ako, space out ma'men.

Nadako ang paningin ko sa mga mata nya. Ang ganda. Yung tipong ginawa para titigan lang. And his lips.. Pakshet! B-bakit may lipstick?! And it hits me..

BAAAAAKLAAAA!!!

Napabangon ako. "Oh may gad!" I suddenly clutch my chest. "Lintik na bakla. Papatayin pa yata ako" hinihingal na sabi ko. Pisting bangungot yan. Kiss na! Naging bato pa! Ugh! "Pero kahit na, di ko maaatim na makipagleptolelang sa isang binabae no!" Naiinis na wika ko.

"Psyche Hena Mae Montelava! Bumangon ka na!" Si mama talaga umagang-umaga nakalamon na naman ng armalite tss. "Bilisan mo dyang bata ka. Papasok ka pa!" extra message pa nya -_-
"Opo. Lalabas na po!". Tatayo na sana ako ng maalala ko.. Sino kaya yun? Lagi na lang siya ang nasa panaginip ko.

I Love You Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon