Chapter Three

7 0 0
                                    

[A/N: This chapter is dedicated to @wattpadislife. Thankyou sissy.]

Chapter 3
[Eloisa's POV]

"Anong oras na Eloisa. Bat andito ka pa din? May klase pa kayo bukas ah."
"Oo nga, Ma. Sabi ko sa kanyang ako na lang magbabantay sayo."
"Eh Mama. Siyempre, gusto kitang makita palagi."
"Sige na, umuwi ka na. Kiel, ihatid mo na nga 'tong babaeng to. May pasok pa kayo bukas."
"Pero kuya--"
"Aangal ka? Uwi!"
At talagang ipinagtulakan pa ko ako sa pinto ha! "Sige na neng, uwi ka na. Mag uusap pa kami ng Kuya mo." Parehas kaming napalingon kay Mama. Natahimik na lang kami. Naku! Eto na nga sinasabi ko. "At tsaka Eloisa, kamusta na pala ang utos ko sayo?" "Sinisimulan ko na po 'Ma." Saka ako nagpakawala ng matipid na ngiti at tuluyan nang isinara ang pinto. Naglakad na ko palabas ng ospital. Balak ko sanang humanap ng malapit na restaurant dahil nagugutom na ako. Wala na rin kasi akong time magluto pag uwi. Pagod at puyat ako. Matutulog na lang ako pag'uwi. Nagsimula na ko na maglakad, nang biglang may humintong motorsiklo sa harap ko. Tinanggal niya ang helmet niya at si Kiel iyon. Inabot niya sa akin ang helmet nang di tumitingin sa'kin. Kinuha ko iyon at naglakad uli. Kay kuya siguro to? Eh wala namang motor si kuya, bike lang. Regalo? Malayo pa birthday ko. Bahala na nga. Namalayan ko na lang na marahan akong sinusundan ni Kiel gamit ang motor niya.
"Oh? May kailangan ka pa?"
"Sakay."
Eh? O.O
"Sakay na."
May diin sa bawat pagbigkas niya kaya napilitan na talaga akong sumakay.
"Kumapit ka."
Kumapit ako sa mga balikat niya. Wag kang ano. Di ako fan ng abs!
"Tss."
At inilipat niya ang kamay ko sa --- O___O
"Nahiya ka pa. Hinawakan mo na nga kamay ko kanina. Eloisa, sumasama naman ako pag niyayaya. Sumisimple ka pa kasi. Pahila-hila pa. Isuot mo na nga yan." Bago pa mahalatang namula ako dun, isinuot ko na ang helmet. At bago pa ako makapag'react ay pinaandar na niya ang motorsiklo. Tama lang ang pagpapaandar niya kaya medyo kampante naman ako, pero hindi ako komportable sa posisyon at katahimikang ito. Sa wakas, may bumasag na din ng katahimikan.
"Pagkakaalam ko kasi, ang lahi nila Earl ay hindi bingi."
Ha? -.-
"At tsaka ang lahi nila, hindi slowpoke."
Oh tapos?
"U-uy Kiel! Doon ang daan papunta sa amin!"
"Alam ko."
Alam pala. Eh bakit sa iba kaming daan pumunta? Tangahin din ang isang to eh. "H-Hoy Kiel! S-san mo ko dadalhin? I-isumbong kita kay Kuya!" At mas pinabilis niya ang pagpapatakbo. Eto tuloy, kapit na kapit ako sa bewang niya.
"K-Kiel! Ihinto mo na 'to. S-sisigaw ako ng tulong pag di mo pa to tinigil!"
Bigla siyang pumreno pagkasabi ko nun. Nasubsob tuloy ako sa balikat niya. Lesson 101: Wag kang aangkas angkas kay Kiel Monteverde. Nakakanerbyos at nakakabadtrip.
"Bumaba ka na. At tsaka Eloisa, di kita type." Sabi niya na parang wala lang habang dire-diretsong naglakad.Letse ka Kiel, alam mo yun? Tumingin ako kung san kami huminto. Sweets all you can.
"Anong ginagawa natin dito?"
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Tuloy-tuloy na lang siyang pumasok sa loob. Tingnan mo 'to. Iiwan din pala ako dito. Umupo na lang ako sa gilid ng daan. Kainis! Gutom, inaantok at pagod na ko!!! Napayuko na lang ako. Bored at tsaka ewan. Naiinis inis inis na ako! Gusto ko na umuwi! Maya'maya pa'y may naramdaman akmg tumabi sa akin. Pagtingin ko'y si Kiel pala. May dala na siyang maliit na box. Box na lagayan ng cake.
"Pwede na  ba tayo umuwi?"
"Oh."
Kinuha ko ang box na inabot niya.
"Akin na nga. Bibili-bili, ako din pala pahahawakin. Bilis. Halika na!"
"Buksan mo. Para sayo yan. Tss."
"Ha? Talaga?! Waaaaah, salamat *O* Hulog ka talaga ng langit Kiel!"
Nawala bigla lahat ng inis ko kanina. Binuksan ko na ang box at sisimulan na sanang kumain ng nang'istorbo na naman siya.
"Seriously?"
Tumayo siya sabay lahad ng kamay niya. Manghihingi?
"Wait. Titirhan na lang kita."
"Tss. Hold my hand. Tutulungan kitang tumayo."Sinunod ko naman ang utos niya. Pagkatayo ko'y naglakad na naman siya. Ayan! Mang iiwan na naman /pout/
"Dont you dare stay there. Follow me."
Sinundan ko nga siya at napunta kami sa medyo mapunong lugar dito.
Hala? Pumunta siya sa may likod ng mga puno at woah. How can i describe this place?
A fountain, kitang kita ang mga stars, light na sapat lang para magkaliwanag dito at mangilan ngilang upuan at lamesang bato ang andito. Di nakakabagot ang katahimikan dito dahil mae'enjoy mo ang view.
Umupo na si Kiel sa pinakamalapit na bench sa amin.
"Kumain ka na."
Nadama ko tuloy ang sarap ng cake dahilsa katahimikan.
"Diba sabi ni Earl, ihahatid kita? Bat umalis ka?"
"Malay ko bang uto uto ka pala kay Kuya."
"May plano ka pang kumain sa gilid ng kalsada."
"Eh bakit ang daldal mo ngayon?"
Wala na kong narinig na sagot mula sa kanya. Narealize niya rin sigurong ang rami na niyang nasabi. Di naman kasi siya pala'imik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Missing MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon