Chapter 1

8 0 0
                                    

Charlotte POV

*Kringgggggggggggggggggg*

Tunog yan ng bell. Meaning lunch na!! YESSS! Ano kayang ulam ngayon sa fastfood? Nagulat nalang ako ng biglang may humablot ng braso ko.

"HOY SHARL DALIAN MO! TARA SA BABA MAY BAGONG TRANSFEREE DAW! TARA TIGNAN NATIN!" Sigaw sakin netong kaibigan kong si Clint, hindi naman siya excited no? May pagka chismosa kasi tong si Clint. Alam nyo na.. beki? Kung ano ikinagwapo ng pangalan ay ikinalambot naman ng katawan.. pero wag ka! Mahal na mahal ko yang kaibigan kong yan kahit na ganyan yan. Sayang nga lang naging beki siya kasi kung tutuusin napaka gwapo nya para maging bakla.

*Toink!*

"ARAY KO NAMAN!" sabi ko ng hinihimas ulo ko. Binatukan ba naman nya ako e!

"Dali na kasi! Wag kana tumunganga! Sana lalaki ano? Kakaunti lang kasi mga papabols dito sa campus e at para madagdagan naman!" Sabi ni clint. Grabe naman to kahit papano naman may gwapo parin sa campus namin karamihan nga beki katulad nya hahahaha!

Hinatak nako ng bruha grabe maka hatak tong bff ko parang mauubusan sya?! E makikita at makikita parin namin yung transferee sa campus kahit hindi sya humangos ng ganitong kabilis! Bumaba kaming hagdanan papuntang presidents office dahil nga paliko siya at di inaasahan may mabangga ako.

"Ah shit!" Sabi nung lalaki. Tumapon sakanya yung juice na hawak nya naku kawawa naman! Itong si Clint kasi makahatak e!

"Naku! Pasensya n-" naputol ang sasabihin ko ng sumigaw ito.

"SHIT NAMAN! How can you be so clumsy! Nakita mo namang may hawak akong juice pero binangga mo parin ako!" Sabi nito. Nag so-sorry na nga ako sakanya e ano bang gusto nya? Saka aksidente yun hindi ko naman sinadya!

"Pasensya na talaga!" Akmang pupunasan ko pa yung shirt nyang nag ala-walking dead sa dami nang natapon. Red tea pa naman yun! Nagulat ako ng hinigit nya ang kamay ko at piniga.

"Hindi ako tumatanggap ng sorry! I'll report this to the principal! Kaka transfer ko pa nga lang dito ganto na dinanas ko!" Singhal nito sakin.

"Hah! Nag so-sorry na nga yung tao ayaw mo pa tanggapin! At saka aksidente yung nangyari hindi ko naman sinadya yun!" Sigaw ko dito. Madami dami na palang nakapaligid samin. Naku naman dito pako gumawa ng gulo. At teka siya yung transferee?

"Kahit na! Akala mo palalagpasin ko ito? Magkikita tayo sa principal's office!" Sigaw nito sakin habang nagmamadaling umalis. Shit naman! Baka matanggal ako sa pagiging scholar nito!

"Oh?! Ano pang ginagawa ninyo dyan?? Tapos na ang palabas diba? Shoo! Bumalik na kayo sa mga room nyo!" Sabi naman nitong si Clint. Teka? Bat hindi man lang ako tinulungan ng lukaret na'to kanina! Kung tutuusin ay kasalanan nya nga iyon dahil sa pagmamadali nya.

"Huy bessy okay ka lang?" Tanong nya sakin. Sinamaan ko lang ng tingin.

"Bwisit ka! Bakit moko pinabayaan dun! Di mo man lang ako pinagtanggol e kung tutuusin nga kasalanan mo yun kung bat ko natabig yung juice nya!" Sigaw ko kay clint.

"Syori na bessy! Napanganga ako the whole time ang gwapo kasi hihi! Yun pala yung transferee ano?" Sabi pa niya.

"Oo yun yung transferee at lagot ako nito! Grr!" Sabi ko sabay walk-out.

***

Tapos na ang lunch at bumalik na kami sa kanya kanyang rooms namin. Kasama ko parin si Clint pero hindi ko siya gaanong pinapansin, nagtatampo parin ako dahil pinili nyang tumulo ang laway nya sa pagkakasagutan namin nung transferee noon kesa ipagtanggol ako! Nakakaasar lang diba?

Nagsisimula na ang klase ng may dumating na estudyante at inexcuse si ma'am Delos Reyes.
Pumasok siya sa loob at sinabing.. "Miss Charlotte De Jesus pinapatawag ka sa disciplines office" kumalabog naman ang puso ko kasi never pakong pinatawag sa D.O! Ngayon palang! Naku katapusan na nga ata ng scholarship ko huhuhu!

"Ma'am!" Bigla naman nagtaas ng kamay nitong si Clint. "Sasama po ako..may kasalanan din po ako"

Sabay kaming pumuntang D.O at nakitang nandun na itong si mr. sumbongero sa tapat pinto ng office.

Ugh nakakainis talaga ang pagmumukha nitong pangisi-ngisi pa, kinagwapo na nya yan?!
Pumasok kami sa D.O nang bumukas ito at naupo.

Nakakatakot talaga dito sa d.o idagdag mo pa yung discipline coordinator na si Ms. Hidalgo na kamukha ni miss minchin. Nangunot ang noo nito at bahagyang napatingin saming dalawa ni Clint. "Ms. De Jesus, aware ka naman na dahil sa ginawa mo maaring matanggal ang scholarship mo?" Tanong nito sakin habang naka kunot ang noo. Tumango naman ako bilang sagot.

"Ma'am-" magsasalita sana si Clint kaso biglang nagsalita si miss minchin este miss hidalgo.

"Hep! Ikaw ba si miss De jesus? Bat nga pala nandito ka mr. Ellis? Hindi ba't may klase ka ngayon? Si miss de jesus lang ang inexcuse ko!"
Grabe naman tong d.c namin walang akong masabe woo!

"Ma'am may kasalanan din po kasi ako sa nangyari.." mahina nitong sabi. Buti naman at inamin nya rin naku kung pinabayaan nya ako e magkalimutan nalang kami!

"Maari mo bang sabihin ang nangyari kung bat ka na involve dito?" Sabi ni miss minchin

Napatingin naman ako sa kabilang side namin ang prenteng nakaupong si mr. sumbungero.. hah! Nakuha nya pa tlga umupo ng ganyan porque transferee siya?!

Ikinuwento naman ni Clint ang buong pangyayari at ang naging hatol nalang sakin ay 1 week suspension. Grabehan! Pero okay na'to kesa naman mawalan ng scholarship hindi ba?

"Tch pasalamat ka yan lang ang hatol sayo dahil pwedeng pwede kita ipatanggal sa eskwelahang ito.." sabi ni transferee. Bat ba ang init ng dugo nito sakin? Samantalang natapunan ko lang naman sya ng juice..-sa harap ng madaming estudyante.

"Hoy ang o.a mo! Natapunan lang ipatatanggal agad! Hayaan mo at iiwas ako sayo naiirita narin ako sa mukha mo e!" Sabi ko dito sabay takbo. Bwahaha.

Dismissal na pala at nagayos nako ng gamit nakakabadtrip talaga tong araw na to. Malapit pa naman mag 2nd quarter at mag ffocus nanaman ako sa pag rereview saka ako na suspend! Buhay nga naman..

- - - - - -
A/N: Hello! Medyo boring update! Sana na enjoy nyo yung story. Hayaan nyo uunti untiin ko yan ;) yan muna sa ngayon! Vote and comment!❤😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon