Drake Sebastian Palma from Seducing Drake Palma(Book 1) and Dating Alys Perez(Book 2) by beeyotch
Sobra ko ding minahal kahit sobra ko din syang kinainisan kasi naawa ako kay Tripp. Si Drake ang taong mahirap mahulaan, masyado syang misteryoso, hindi sya palasalita at hindi din sya masyadong showy sa nararamdaman nya, tapos wala pa syang POV kaya sa story hindi ko sya gaanong naintindihan.
Nainis ako sa kanya dahil akala ko selfish sya, walang puso at padalos dalos sa mga bagay, but as I continue reading thw story, mas nakilala ko sya, mas naintindihan ko sya, mas naramdaman at humanga sa kanyang mga dahilan.
Hindi pala sya walang pusong tao, but instead, isa syang tao na grabe magmahal, sya yung taong kayang mag antay at kayang igive up ang lahat kung para sa babaeng mahal nya.
How I wish he's real!

BINABASA MO ANG
Characters, Lines And Stories Worth Remembering
RandomMatagal tagal na din akong fan ng Wattpad, sa dami na ng nabasa ko naging sobrang dami din ng stories, writers at characters na minahal ko. Lalo na yung mga stories na ang sakit sa heart, yun bang makakatulog ako sa gabi kasi umiyak ako ng bongga...