Chapter Eleven:She's Back

332 7 0
                                    

Jhake's Pov:


"Grabe, ang yaman niyo talaga pareng Mark. Ang lawak ng lupain na pag-aari ninyo."turan ni Hideaki habang nangangabayo kami.



Actually, dapat magkakarera kami ngayon. Ang kaso, ayaw naman nitong si Aj.




Masakit daw kasi ang ulo.



Ayaw pa kasing aminin na ayaw lang maparusahan dahil nakakatitiyak naman kami na siya ang mahuhuli.



Hindi kasi siya ganun kagaling mangabayo.



"Punta na lang tayo sa burol. Maganda ang view doon."-Mark





"Mabuti pa nga."-ako





Yaahh!



Binilisan na namin ang pangangabayo at tinahak ang daan patungong burol.






Pagdating namin sa burol ay bumaba na kami ng kabayo at itinali sa puno.





"Ang sarap ng sariwang hangin!"sabi ko na nakangiti habang dinadamdam ang simoy ng hangin.



"Sinabi mo pa."sang-ayon ni Aj.


"Ito kasing si pareng Mark, ngayon lang tayo dinala dito."-Hideaki




"Hahahaha! Sensya na mga pare...! Humanap lang ako ng tyempo na wala dito si lolo."turan naman ni Mark.




"Kunsabagay, saksakan talaga ng sungit ang lolo mo. Manang-mana sa pinsan mong nuknukan din ng kasungitan."-Hideaki





Parang f4 lang ang peg namin.



Naka-upo sa damuhan at nakatanaw sa magandang tanawin mula dito




Ito ang pwesto namin.



Hideaki-Mark-ako-Aj




"Haahahaha! Baliw ka talaga Aki, kunsabagay tama ka naman na masungit si lolo. Pero kay pinsan, hmmmm... Kunti lang."-Mark




"Ayos ahh! Parang tinanong lang ng ganito,"humarap ng bahagya kay Mark si Hideaki. "Kumusta crush mo?"sabay tanong sa akin.



Baliw talaga ang isang 'to.




"Ayun, missing pa rin!"sagot ni Aj na talagang ginaya pa ang mannerism sa commercial na Mcdo.



"Ipagpatuloy mo pa ba ang paghahanap?"-Aki



"Oo."sagot ko. "Pero-"




"Kunti lang!"sabay na turan ng tatlo na nagsimula na naman akong pagkaisahan.





Sinabayan pa ng tawa ng mga kumag.




"Ayos ahhh, ako talaga ang tampok ng asaran ehh."-ako na kunwari ay nagtatampo.



"Hayaan mo pareng Jhake,"si Mark sabay akbay sa akin. "Kapag yang mga yan naman ang nainlove... Asahan mong aasarin din natin... Lalo na kapag dumaldal si Aj."




"At manahimik yang si Hideaki."-ako






"Matagal-tagal pa bago mangyari yun...!"
Turan ng dalawa.





"Hihintayin namin yun!"sagot namin ni Mark.




"Ang sarap matulog dito!"-Mark, sabay higa sa damuhan.




Dahil gaya-gaya kami ay nahiga na rin kami sa damuhan.





At ang braso namin ang ginawang unan.




Nakangiti habang nakatingin sa ulap.




"Ang ganda ng ulap!"-ako




Na-iniimagine ang mukha niya.



Ang mukha ni Ms. Destiny.




Kailan ko siya makikita ulit?



Sana malapit na.





=================



"Ano ba?"inis na singhal ni Hideaki nang pagtulingan naming sabayan ng tubig.




Nandito kami ngayon sa tabing ilog..






Nagkatuwaang maligo...




"Bwahahahahahaha!"tawa namin.




Priceless kasi ang pagmumukha ni Aki ngayon...



Hahahahaha!




Nakakatawa...!





Gumanti na rin ito...



Ay sus!




Para kaming mga batang nagsasabuyan ng tubig...!




Masaya kaming naliligo sa ilog...




Para ngang ayaw pa naming matapos ang mga sandaling iyon.





At ilang sandali pa ay umahon na kami.




Saglit na umupo sa malaking batuhan...



"What if kung iukit natin yung mga name natin sa puno."sugest ni Mark habang nakatingin sa puno ng mangga na nasa malapit lang sa amin.



"That is a good idea."-Aki




"Kaibigang walang iwanan."-ako




"Forever barkada!"-Aj



At ayon na nga lumakad na kami palapit sa malaking puno ng mangga.





Na ngayon lang namin nalaman na si Mark pala ang nagtanim....





"Game na?"-Mark




Tumango kami.



Si Mark ang unang umukit.



Sumunod ako...



Follow by Aj...




And last for Hideaki...




Ito yung naka-ukit sa puno.


Forever Barkada
Mark Neumann
Jhake Vargas
Aj Muhlach
Hideaki Torio
Walang Iwanan!




"O ayan! Ang gandang tingnan diba..!"-Mark



"Naman!"sagot namin.




============================================================================


Hindi ako makatulog ng gabing iyon.




Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko ang lahat ng pangyayari ng gabing iyon, sa gitna ng ulan kung saan una ko siyang nakita at nakausap. At unang naganap ang halik na hindi ko inaasahan.


Napabangon na ako sa pagkakahiga.




Buti pa tong si Aj, mahimbing na natutulog.



Napailing na lang ako.




Hayyy!




Haist!




Lagi na lang niyang ginugulo ang isipan ko...!




Lumabas na ako ng silid.




Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naman tumungo na ako ng kusina.





Pagbukas ko ng ref....




Ay bigla na lang ba namang sumigaw....





"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"



Sa lakas ng sigaw halos mabingi na ako...




"MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!"




Anak ng?



May magnanakaw?




⊙⊙






"Aray ko! Aray!"ako naman ngayon ang napahiyaw sa sakit.




E, kasi.....





Hinampas ba naman ako ng walis sa braso...




Takte!




Ang sakit nun...!




"MAGNANAKAW KA!"sigaw ng babae na bigla na lang humampas sa akin...





"NABABALIW KA NA BA? HINDI AKO MAGNANAKAW!"sabi ko na hinihimas pa rin ang left arm ko.





Ang sakit kaya nun...!




Dahil sa dilim ng paligid ay hindi ko masyadong makita ang mukha ng babae.




Pero, parang pamilyar sa akin ang boses niya.




As in, ang boses niya...!




Pamilyar talag...




Parang...

Tama!



Hindi ako pwedeng magkamali...!




Kaboses niya si Ms. Destiny.



Di kaya ang babaeng nasa harapan ko ngayon ng ko masyadong makita ang mukha ay ang babaeng matagal ko ng hinahanap.



"MAGNANAKA-"Hindi na natuloy ang pagsigaw nito dahil biglang bumukas ang ilaw...




"Ano ba namang kaguluhan 'to?"narinig kong tanong ni Mark.




Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kaniya.




As in, sa kaniya talaga...



Sa babaeng kaharap ko ngayon...




"You're here!"-Mark





"Grabe ka kung makasigaw!"-Hideaki




"Teka, nasaan na yung magnanakaw?"-manang.



"Siya!"sabay turo niya sa akin.




"Nagkakamali ka Bea, hindi siya magnanakaw, eh kaibigan namin yan ehh."-Aj



"Hoy Beanca, sinaktam mo si pareng Jhake, grabe kadarating mo lang nananakit ka na agad."-Hideaki





><


Yan ang hitsura niya..





Napayuko at nahiyang humarap sa akin.





"Sorry, hindi ko alam ehhh."sabi niya with pouting lips pa talaga.




Dubdubdubdubdubdub



Eto na naman ang tibok ng puso ko...



Yeah...!



She's Back!!!

You're My Destiny (Jhabea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon