Mahirap talagang sabihin ang mga katagang "I love you" o "Mahal kita". Lalo na't sayo na mismo nanggaling na kayo na. Masakit. Pero pipilitin kong maging masaya. Ganun kita kamahal. Sana nga inamin ko sayo. Sana nirisk ko ang friendship natin. Kung ginawa ko yun at nabasted mo ako, siguro naka-move on na ako. Natatakot kasi ako dati na sabihin sayo ang lahat. Natatakot akong masira ang friendship natin. Ang tanga tanga ko nga eh. Tinulungan pa kitang umamin sa kanya. Ako pa yung nagsilbing tulay. Sobrang sakit ng naramdaman ko nung nakita kong nagyakapan kayo. "Bakit sya pa? Bakit hindi nalang ako?" Ganun lagi ang sumasagi sa isip ko kapag nakikita kitang masaya kasama sya. Minsan nga gusto ko syang agawin mula sa girlfriend nya eh. Kaso sapat na ba yung dahilan para sirain ko ang relasyon nila? I guess not! Kaya nandito ako ngayon sa bahay mo, tutuldukan ko na ang pagkakaibigang ito."Uy, bespren! Napadalaw ka?" Tanong nya sa akin
"Wala. May sasabihin ako" Matamlay kong sabi
Sinalat nya naman ang noo ko "May sakit ka ba? Gusto mo samahan kita sa inyo?" Sabi nya
Tinanggal ko ang kamay nya sa akin "Wala akong sakit. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi na tayo magkaibigan" Sabi ko
"T-teka? A-ano?" Sabi nya
I sighed "Hindi na tayo magkaibigan. Doon na kami maninirahan sa Italy. Di na kami babalik dito. Di na tayo magkikita" Sabi ko. Pero sa Chesire talaga kami titira.
"Ano naman? Edi pupuntahan kita dun! Simple naman pala ng problema mo!" Sabi nya at nakuha pang tumawa ng mahina.
"Wag kang tumawa. Seryoso ako. From now on, hindi mo na ako kaibigan. Tsaka hindi naman kiga gustong maging kaibigan eh. Dinare lang ako ng mga kabarkada ko nun" Sabi ko at umalis na.
Sya naman, nganga. Pasensya na. Ayoko mang saktan ka, ginawa ko parin. Alam kong di ka papayag eh. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan.
Bumalik ako sa bahay ng umiiyak. Natandaan ko kasi na nangako ako sa kanya na hindi ko sya sasaktan. At nangako rin sya. Hay nako! Ngayon langa ko di tumapad sa pangako.
"Oh, anak. Bakit ganyan ka? Ayaw mo na bang tumira sa Chesire?" Sabi ni Mama.
Umiling ako "Mama, gusto ko po sa Chesire. Nanduon ang bestfriend ko" Sabi ko. Half lie
Mama sighed "Umiyak ka na naman ba dahil ka--" Pinutol ko si Mama.
"Ayoko pong marinig ang pangalan nya. At opo, dahil sa kanya ang pag-iyak ko. Sila na kasi ni Ella. Akyat na po ako. Iimpake pa ako" Sabi ko sabay takbo sa taas. Alam ko kasing kukulitin ako ni Mama eh.
Nagsimula na akong mag-impake. Pagkatapos, bumaba na ako.
"Anak, halika na. Nanduon na sa labas ang Kuya mo" Sabi ni Mama. Tumango ako at lumabas na.
*after 3 years (Sorry kung mabilis)
Masaya na akong naninirahan dito sa Chesire. Sila Mama nasa Korea na. May business pa kasi kaya mag-isa ako dito sa bahay. Wala kaming pasok sa school ngayon kaya nakahilata lang ako dito sa kama ko. Nami-miss ko na sya. Iniisip ko lang yung mga panahong happy happy lang kami ng biglang nag-ring ang phone ko.
Secret Admirer
I answered the call...
"Hello?" I said. Naks naman! Umiimprove ang british accent ko!
"Uhm, is this Ms. Leila Valdez?" Sabi ng isang guy sa kabilang linya.
"Speaking. May I know your name, Admirer?" I asked
BINABASA MO ANG
I Love You
RandomOne shot lang. Bawal umasa. Masasaktan ka lang. Lol. Nag-umpisa sa memo, nag-end sa wattpad. Hahaha. Ano ba tong pinagsasasabi ko. Sige. Hala. Basa na. =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =) =)