The Dragon Spirit Keeper

55 5 3
                                    

Sa isang maliblib na kagubatan siya ay lumaki. Tanaw ang maliwanag na buwan sa madilim na kalangitang tunay na kaakit-akit. Sinanay at hinubog siya sa mahabang panahon ng tagasilbi ng yumao niyang mga magulang.
Ang tagapagligtas ng bayang Sarione ay muling magbabalik dala ang apoy ng kagitingan, tubig ng pagmamahal, masidhing tagumpay ng hangin at karunungang biyaya ng lupa.
Ang hanging pumapaligid sa kaniyang katawan ay unti-unting pumaitaas sabay sabi ng kaniyang amain “Ramdamin mo ang iyong kalaban kahit ito ay hindi mo nakikita.” utos nito sa kaniya.
Habang kinukumpas ni Xian ang kamay nito ay yun rin ang paglabas ng apoy. Sa saliw ng hangin ay sinabayanan niya ito at nang tumigil siya’y buong katawan niya na ang lumalagablab.
Hindi niya mapigilan ang apoy na lumalabas at bumabalot sa kaniyang katawan habang naririnig nito ang kaniyang amaing nagsasalita na tagos sa kaniyang puso. “Imulat mo ang iyong mga mata anak ng bayang Sarione! Subulin mo oh makamangyarihan at ipagtanggol ang sumakop sa ating karimlan!”
Kahit ang mga ibong nasa paligid nila’y dama ang takot dahil sa kapangyarihang meron siya at ang kaluluwang nagtatago sa mga nagkukumpulang damuhan ay napamangha sa kaniyang nakita “Katulad siya ng kaniyang amang si Alexander na makapangyarihan kaya kailangan ko ‘tong gawan ng paraan.” bulong nito sa kaniyang sarili.
At sa isang pag-sigaw ni Xian ay lumipat sa kaniyang kapaligiran ang apoy na mula sa katawan nito dahilan na matupok ang damuhang tinataguan ng kaluluwang matagal na nag-aabang sa kaniya “Sino ka?!” sigaw ng binata.
Agad na lumusob ang kaluluwang umaapoy kaya napatalon si Xian papalayo sa amain nito. “Mamamatay ka!” sabay hawi ng kaluluwa sa kapirasong sanga ng puno na hawak ni Xian na naging abo.
Lumusob na rin ang amain ni Xian “Kampon yan ni Teron! Ang masamang pinuno ng Orione!” hawak ang espadang kayang humiwa ng kahit anong bagay kaya nasugat nito ang braso ng kaluluwa.
Napatitig ang kaluluwang masama kay Lhur, ang amain ni Xian at siya na ang sinubol nito “Tingnan natin kung maabutan niyo pang buhay ang mga tao sa bayan ng Sarione!” at napatawa pa ang kaluluwa nang kay lakas dahilan kay nabulabog ang buong gubat. Namuo ang maitim na usok sa kalangitan kasabay nun ay kumulog at kumidlat. “Ang kapalaran niyo ay mamamatay sa kamay ni Teron!”
Napapikit mata si Lhur habang sabik na sabik siyang patayin ng kaluluwang kampon ni Teron. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay at sa pagtangkang sakmalin siya nito ay ganoon lang ang pagliwanag ng buong paligid. “Ang mamatay para sa kapakanan ng sariling bayan ay isang karangalan. At handa akong tanggapin ang kamatayang iyon magapi lang ang kasamaan!” pag-sisigaw ni Xian na dinig ng amain nito.
Kitang-kita ni Lhur na umaapoy sa galit si Xian at ang mga mata ng binata ay nagkulay pula. Pero ang nagpamangha sa kaniya ay ang matagal niya nang hinihintay “Rioby! Ang dragon spirit ni Claire!”
Ang pinakamalakas na dragon spirit ay nagpakita sa wakas. Ang dragong nagtataglay ng sampong buntot na kayang mag-anyong tao at kayang bumigay ng kapangyarihang higit kanino man “Magbabayad ka! Magbabayad ka!” huling dinig nila hanggang sa tuluyang mawala ang kaluluwang sumubol sa kanila.
Nang kumalma na ang paligid at bumalik na sa dati ay nagulat si Xian pagkalingon nito “Dambuhalang dragon!”
Nilapit ng dragon ang mukha nito kay Xian “Kailangan na nating bumalik sa Sarione dahil kasalukuyang nilulusob ng Orione ang inyong bayan!”
Hindi na nagdalawang isip na sumampa sa likod ng dragon ang amain niyang si Lhur “Halika na Xian.” sa pagtango ng binata ay agad na siyang nasa likod ng dragon.
“Huwag kayong mabahala dahil hindi kayo masusunog ng apoy na nasa katawan ko ang gawin niyo ay humawak ng mabuti.” sa pagpagaspas ng pakpak ng dragon ay ‘yun rin ang pagbukas ng isang lagusang papunta sa Sarione. Pabilis nang pabilis ang pagpagaspas ng dragon na nasipagliparan na rin ang mga puno at damo.
Nang pumasok na sila sa lagusan ay iyak at hinagpis ang bumabalot sa buong bayan ng Sarione “Sunugin niyo ang mga bahay sa bayang ito!” patawang sabi ni Teron.
Lumapit naman ang kaluluwang inutusan nitong mag-masid sa tagapagligtas ng bayan. “Pinuno, parating na sila.” saka pumasok ang kaluluwa sa katawan ni Teron. Lumiwanag ang pinuno ng Orione na parang bituin “Tagapagligtas? Kagaya nila ay papatayin ko rin siya.”
Napalingon ang lahat sa liwanag na humati sa kalangitan. Napatigil sa paglabas ng dambuhalang dragong gumawa nang ingay na yumanig sa lahat ng bagay “Ang ating tagapagligtas! Oo siya nga! Ang tagapagligtas ng Sarione!” sigaw ng punong babaylan ng Sarione.
Pagkalapag ng dragon ay mas umalab pa ang galit ni Teron “Subol! Patayin siya!” sabay takbo ng kaniyang mga kawal papalapit sa tagapagligtas na si Xian.
Dinig ng dragon ang sigaw ni Teron kaya bigla siyang nag-anyong tao “Hayaan mong ikaw ang aking maging amo at pag-isahin natin ang ating mithiin.”
Inangat ni Xian ang mga kamay nito sa kalangitan “Ibigay mo ang kapangyarihang kayang ipagtanggol ang aking bayan! Ibinibigay ko ang aking sarili kahit kamatayan pa ang kapalit!” Sa pagiging usok ng dragon ay agad ‘tong sumanib kay Xian at sa pagtakbo ng binata papalapit sa mga kalabang pinamumunuan ni Teron ay buong lakas niyang binuga ang apoy na galling sa bibig nito dahilan na masunog ang kaniyang kalaban “Ikaw na lang ang naiiwan, Teron” sambit niya pa.
“Magbabayad ka!” at kinuha nito ang espadang gawa sa kidlat.
Lumaban silang dalawa gamit ang kani-kanilang kapangyarihan at lakas laban sa lakas “Para ‘to sa mga magulang kong pinatay mo!” hiniwa niya ang kaliwang braso ni Teron “Sa bayan ng Sarione na pilit mong kinukuha” sa ngayon ay ang binti na ng pinuno ng Orione ang humiwalay sa katawan nito.
Nang napagtanto na ng lahat na wala nang buhay si Teron “Mabuhay ang ating tagapagligtas!” sigaw ng kaniyang amain.
“Mabuhay ang ating tagapagligtas!” sigawan ng mamayanan ng Sarione.
Pagkalabas ng araw ay napaiyak si Xian sabay titig at sabing “Malaya na ang Sarione.”

@aftermat
April 30, 2016
Prompt e

The Dragon Spirit KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon