Naniniwala kaba sa "True Love, Love at first sight or Love is blind?"
Puro about sa Love no?
Pero nasa tao rin yun kung ano ba ang paniniwala nila about sa pag mamahal.
Kasi maaring hindi pa nila nararanasan ang tunay na pag ibig o di kaya hindi pa sila handa sa mga ganyang bagay.
Mayroon naman na mga tao na sa una naniniwala talaga sila pero dumating ang time na nasaktan sila ng sobra, at yun ang naging dahilan kung bakit nag iiba ang paniniwala nila.
Sasabihin nila na ang pag mamahal ay sa una lang masarap o masaya. Pero alam nyo? Sa pag mamahal kasama ang masaktan at lumuha.
Hindi naman maaring maging masaya lagi. Kasi sa bawat relasyon na nabubuo ay may roong mga pag subok na kasama. At doon niyo mababase kung gaano nyo kamahal ang isa't isa..
Ito ang storya na ikwe-kwento ko sainyo..
Siguro hindi lang ako ang taong naniniwala sa "Happily Ever After" ..
Simula pag ka bata ko naniniwala ako na may "Happily Ever After" talaga sa tunay na buhay. Mahilig kasi ako sa mga Fairytales kaya ayan hangang pag laki ko yun parin ang aking paniniwala.
Pero before ng "Happily Ever After".. Ang "True Love" muna ang dapat dumating..
Kelan kayo nag simula na mag ka crush? Ako I remember I was 12 or 13 years old ako. But only crush doesn't mean I want to be his girlfriend. Hanga lang ako sakanya because his so cute :)
And First Love ko?? When I was 16 years old.
Grabe ang masasabi ko lang napaka sarap mag mahal lalo na kapag alam mo at ramdam mo kung gaano ka kamahal ng mahal mo :')
Para bang heaven ang feeling.. Haha!!
I always wish na sana makita ko na ang aking First Love. At natupad naman ang wish ko na yon.
December. 08, 2011
One day my friend text me para sumama sakanya na mag bowling kasama ang iba nya pang friends. And syempre excited ako kasi bago lang ako dito sa Rome nung time na yun. Wala pa ako gaanong kakilala kaya nung sinabi ng friend ko na kasama nya mga friend nya.. Bigla kong naramdaman ang kaba >.< (Medyo mahiyain kasi ako)
After ng sunduin nya ako sa bahay namen. I feel little bit excited kasi naman pano ko madadama na super excited, kung puro kaba ang nararamdaman ko Haha! .. So ayun pag pasok namen sa bowlingan I meet her friends.. And natatawa ako sa sarili ko kasi titig na titig ako sakanila :D (Para bang unag beses naka kita ng tao) Ahahaha I'm kidding!
And after namen mag bowling nag kayayaan na kumain sa Mcdonald...
At Mcdonald..
Katabi ko ang friend ko medyo nakaka "OP" sa umpisa kasi wala pa ako ka kilala kundi ang friend ko lang na si Elena. Kaya sakanya lang ako tabi ng tabi nung time na yun.
After kong maka uwe sa bahay, Tinabihan ko ang Mommy ko sa sofa para makipag chikahan about sa lakad ko with Elena. And kinuwento ko na nakakilala nako ng mga ibang pinoy sa Rome. And natuwa naman si Mommy kasi diko na ma fefeel and bored dahil kahit papano may mga kakilala na ako.
Pumunta akong room at binuksan ang facebook ko. Binisita ko ang wall ng friend ko na si Elena para i add ang mga friend na nakilala ko nung araw na yun.
December. 09, 2011
Facebook lang ng Facebook wala nmn magawa sa bahay. Hehehe kaya lagi kaharap ko ay computer :D
Habang nag fafacebook ako nakita ko yung mga picture namen na tinag saaken nung friend ko na nakilala ko dahil kay Elena...
Kinagabihan..
Inaccept na yung friend request ko nung isang guy na nakasama ko bowling .. Nag post sya sa wall ko na "THANKS FOR THE ACCEPT" .. And i hate it >.<" Pwede naman kasi i message hahaha..
So binura ko yung post nya sa wall ko and nag message ako sakanya na "Hello!! YOUR WELCOME" and dun na nag simula conversation namen...
Anyway his name is Jowen.. After the simple conversation nauwi na sa text and calls everyday :')
One night nag text saying "Anu po ginagawamo?"
My reply "Nag babalot ng mga gifts para sa mga inaanak ng Mommy ko"..
And sabi nya "Regalo ko nasaan?"
Ako naman na may crush na talaga sakanya bumanat kagad. Reply ko sakanya "Ayy teka babalot ko sarili ko. Ayun na ang regalo ko" Hahaha xD
And after that he always call me every night. Kahit di kami mag kasama lagi kaming sabay tinititigan ang mgandang mga stars at moon habang nag uusap sa phone.
One day my friend Elena invite me na mag simba sa church nila. And syempre dahil bago ako sa Rome diko pa alam mag punta kung saan saan.. So naisipan ko si Jowen na i text kasu I know na mag sisimba din sya and medyo malapit naman sya sa place kung saan kami sasakay ppnta sa church. So ayun sinundo nya ko and habang asa bus kami nakaupo mag katabi at first sobrang tahimik, pero diko na kinaya kaya ako na unang nag salita hanagang dinako tumigil haha :D And pasimpli akong tumitingin sakanya naka sunglass naman ako eh :'3 Kaya okay lang hindi naman nya siguro halata ..