-

Summer ng April 2008 kami nagkakilala by the help of my cousin, Shine Cuevas. Nanood kami ng liga nila. They won. I admired him for being an excellent basketball player.

"Nice game, Adrian." Sabi ni Shine sabay apir kay Adrian.

"Thanks." Sabi niya sabay kindat kay Shine. Bigla namang napadako ang tingin niya sa akin.

"Uhm, Adrian, this is Lyka, my cousin. Lyka, this is Adrian Nepomuceno. A good friend of mine" Agad naman siyang naglahad ng kamay sa akin at agad ko rin naman iyong tinanggap. I smiled bitterly.

Ang pagkikita naming iyon ay nasundan pa ulit. And poof! Friends na kami. We text, call, chat... Alam iyon ng pinsan kong si Shine kaya wala siyang ginawa kundi asarin ako.

"Uyy. Kayo na noh? Aminin." Sabi niya ng may pang-aasar na tono.

"H-hindi ah. Magkaibigan lang kami ni Adrian."

"Sus, in denial pa ang pinsan ko." Hindi nalang ako umimik.

Hindi ko namalayan na sa bawat pagkikitang iyon ay unti-unti na pala kong nahuhulog.

"Thanks." Ani ko nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang Toyota Fortuner.

"So, san tayo ngayon?" Tanong niya pagkaupo sa driver's seat.

"Ikaw bahala." Well, most often, nagpupunta kami sa mall, kumakain, naglalaro sa arcades...

"Do you wanna watch a movie?" Aniya.

"S-sure." Tumango ako at pinaandar niya na ang makina ng sasakyan.

Sobra akong nabulag sa pinapakita niyang kabutihan sa akin. Hindi ko napansing, hindi pala siya seryoso pagdating sa mga babae.

He's a player. Not only in basketball. If you know what I mean.

Lunes iyon ng hapon, nang mapagpasyahan kong bisitahin siya sa classroom nila. Wala nanaman akong klase noong mga oras na iyon.

At halos matumba ako sa kinatatayuan ko sa nadatnan ko. He was kissing another girl. And its... Shine.

Agaran akong umalis pagkatapos ng eksenang nadatnan ko sa loob ng classroom nila Adrian.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Bwiset na puso. Sana hindi nalang ako nahulog. Lalo na sa kanya.

Sana hindi nalang ako nagpadala sa nararamdaman ko. 'Isa kang malaking tanga, Maria Lyka Cuevas' iyan ang nasa isip ko noong mga panahong iyon.

Pero noon iyon...

I've changed. And I've moved on. At ipinapangako ko sa sarili kong hindi na basta-basta mahuhulog sa kahit sino. Hindi na...

PRESENT TIME

"Lyka!"

Agad naman akong hinagkan ng bestfriend kong si Jasmine.

"I missed you." Aniya. Ngumiti naman ako.

"So, kamusta ang London?" Tinulak ko na yung cart kong punong-puno ng mga bagahe.

Yes, I left the country. And that is to start a new life. May mga kamag-anak kami roon kaya hindi naging mahirap sakin ang tutuluyan ko. Simula noong umalis ako ay hindi na ulit kami nagkakita o nag-usap ni Shine. I bet she knows why.

"Ganun pa rin." Tumawa naman kami. Last month kasi nanggaling siya doon. Hindi ko nga alam na pupunta siya. Well, surprise 'daw'.

"Dito ka na ba mag-aaral ulit?" Excited niyang tanong. Sumakay na kami ng taxi papunta San Mariano.

"Uhm, depende."

"What? Depende? Psh. San mo ba idedepend ang pag-aaral mo?" Paanas niyang sabi.

"Well, it depends on my parents."

"Papayag yun." Sabi niya at itinaas baba ang kilay niya.

Agad akong niyakap ni mommy at daddy pagkapasok ko palang ng pinto namin.

"Welcome home anak..."

"Thanks Mom, Dad."

"Yaya Martha, pakiakyat naman po yung mga bagahe ni Lyka sa kwarto niya." Utos ni Mommy.

"So, did you enjoy your stay in London?" Tumango naman ako at kinwentuhan sila tungkol sa mga nangyari while I'm staying in London.

Pagkatapos ng kwentuhan namin nila Mommy ay umakyat na ko sa kwarto ko. Si Jas nauna nang umuwi. Madadaanan kasi yung bahay nila bago yung samin. Bibisita nalang daw siya bukas.

Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto ko. Ganun pa rin ang ayos. Siguro minentain nila ang kalinisan habang nasa London ako.

Inayos ko yung mga gamit ko at ginawa ang mga ritwal ko bago matulog.

I was about to sleep when my phone beeped.

From: Jasmine

Good night Ly. :*

Agad naman akong nagreply. Pagkatapos noon ay natulog na.

~

Pagkababa ko ay naamoy ko agad ang niluluto ni Mommy na bacon, egg, hotdog at fried rice.

"Good morning mom." Bati ko at umupo na sa usual kong upuan. Napansin ko namang wala pa si Daddy sa upuan niya. Kadalasan kasi nauuna siyang magising sakin.

"My, si Daddy?"

"Ah, kanina pa umalis. May maaga daw silang meeting sa kompanya. Oh kain na." Tumango nalang ako at kumain na.

"So what are your plans for today?" Tanong ni mommy. I swallowed the fried rice and bacon on my mouth before answering.

"Well, Jasmine will visit here later. So siguro po magmomovie marathon kami or kakain sa labas."

Mga before lunch dumating si Jasmine. Sabi niya pinaglaba pa daw kasi siya ni Tita Julie kaya siya natagalan. Napatawa naman ako. Madalas kasi siyang sinesermonan ni Tita Julie dahil sa katamaran niya.

"San tayo?" I looked at her sarcastically.

"Hello? Kakadating ko lang po after 3 years? Malay ko ba kung san magandang puntahan." Nagpeace sign naman siya.

Nagpunta kami sa EK. First time ko dito. But I'm used to amusement parks. Marami na kong napuntahan sa London.

"Sakay tayo dun!" Hinila naman niya ko papunta sa Space Shuttle.

At the end of the day, ayun pagod. Sa sobrang hyper ba naman ng kasama ko, eh nahawa tuloy ako.

"Ly, CR lang ako tapos uwi na tayo." Tumango naman ako at umupo muna sa isa sa mga sa mga benches doon malapit sa huli naming sinakyan, Wheel of Faith.

Nag-check muna ako ng FB ko habang nag-aantay kay Jas.

58 friend requests
10 messages
108 notifications

What? Kakabukas ko palang noong isang araw ah. Psh. Nagscroll nalang ako sa feed ko.

Halos mabitawan ko yung cellphone ko dahil sa nakita ko. As in 'What the Hell?!' Fck. Hindi sa affected ako pero hindi ko maiwasan mainis.

"Huy, ayos ka lang? Bakit parang hindi maipinta yang mukha mo?"

"Tara na." Hindi ko na sinagot yung tanong niya.

How can you be this rude to me, Fate?

Fall OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon