Tula para sa aking kaibigan

131K 333 56
                                    

Sa bawat sandali ng ating buhay,

May mga tao tayong taong nakikilala.

Iba't ibang ugali,Iba't ibang katangian

May mga nakakasundo,mayroon ding hindi  

Pero noong una tayong nagkakilala

Sa apat na sulok ng ating silid aralan,

Di sinasadyang nagkatabi sa upuan,

At nagkakwentuhan na matagal.  

Kahit na ito ang una nating pagkikita

At ito rin ang una nating pag-uusap,

Bakit bawat salitang sabihin mo

ay aking pinakikingan kahit na minsan ay kakornihan.

  Sa bawat mga araw na nagdadaan,

Lalong gumagaan ang aking loob sa iyo.

Sa kwentohan at tawanang ating pinagsaluhan,

Lalong nagkakalapit ang atin loob.  

Halos hindi mapag-hiwalay sa isa't isa,

Laging magkasama san man magpunta.

Magkaramay sa lahat pagsubok at problema,

Nakahandang dumamay sa isat't isa

  Labis akong nagpapasalamat sa poong may kapal,

Dahil ako ay biniyayaan ng isang kaibigan.

Isang mabait,mabuti at isang tunay na kaibigan

Salamat sa iyo aking matalik na kaibigan.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula para sa aking kaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon