0

3 0 0
                                    


Levin

"Kunin mo ang libro na sasagot sa lahat ng iyong katanungan. Ang librong magdadala sa inyo sa buhay na walang hanggan. Ang librong magdadala sa..."

PESTE naman oh! Ayun na eh! May sasabihin si Lolo na about sa libro eh! Peste naman. Patay na nga si lolo binibisita pa ako sa panaginip. Tsaka, ano bang pakialam ko sa libro na 'yan? Masasagot ba niyan ang mga katanungan about sa trigonometric functions? 'Di ba hindi? Haynako.

Dahil panibagong umaga na naman, papasok na ako sa school. Peste yung ka-dorm mate ko, hindi pa ako ginising. Male-late na naman ako nito. At dahil nga late na ako, naligo na ako ng mabilis at hindi na kumain, mamayang break ko na lang. Tinignan ko ang oras at alas otso na kaya naglakad na lang ako. What's the use of running kung alam mong late ka pa ring darating diba?

Kaya ayun 8:15 na ng makarating ako sa room at samu't saring talsik ng laway ang naabot ko sa teacher. Ayun, after niya mag litanya sa harap ay naupo na lang din ako. Matutulog na sana ako ng makarinig ako ng something interesting kay Madam Bertud—este sa teacher namin.

"This is the Book of Everything." Panimula niya. "Ang librong ito ay sinasabiing one of the most informative book, pero magulo. Walang nakakaalam kung nasan ang book na ito. Here's an example of a page in the book. A literal page, na walang laman, dahil sinasabi nila na makapangyarihan ang book na ito. So what I want you to do, as pair is to make a simple narrative about sa category I'll give to you. So bunutan muna tayo ng mga partners niyo." Isa-isa kaming tinawag at kung sino raw kaparehas ng nakasaulat sa papel ay siyang makakapareha mo. So ayun. Isa-isang tinawag ni ma'am ang mga pangalan. Eh ang nabunot ko is Romeo.

Sakto namang tinawag ni ma'am ang Romeo kaya tumayo ako, then tinawag niya rin ang tumawag ng Romeo, si Victor. Aba, sa lahat talaga siya pa?

"Uuuuuyyyy!" Parang timang na sabi ng ma kaklase ko kaya napakunot ako ng noo. Bakit?

"So ang category niyong dalawa is romance." Sabi ni ma'am. At napa-'uuuuyyy' muli ang mga peste naming kaklase. What the ef? What's there problem? Kaya ayun naupo agad ako. "Please, magtabi ang mga mag-partners so you can know what will you do. This will be passed on next week Monday. At 'wag na 'wag kayong magdadahilan na hindi kayo makakagawa, you have a week to do that." Hindi ako gumalaw sa upuan ko, at hinintay si victor na lumapit sa akin. Mga isang minute na at wala pa ring lumalapit. Ah basta. Bahala siya sa buhay niya.

"Mr. Paron and Mr. Bills, bakit di pa rin kayo nagtatabi?" Nagkatinginan naman kami. Dapat siya ang tumabi sa akin. "Ma'am, masakit po kasi paa ko. Hindi ako makalakad." Pagdadahilan ko at umakto pang masakit kaya napilitan si ma'am na utusan si Victor na umupo sa akin. Napangisi naman ako doon. Naupo siya sa tabi ko ng nakasimangot. Aba, baka gusto niya ako pa ang mag-approach sa kanya. Mukha mo!

"Hoy, anong gagawin natin?" Tanong niya sa akin. Napalingon naman ako sa kanya saka siya ngumiti. "Uupo?" Sumama tuloy ang tingin niya sa akin.

"Umayos ka nga. Pesteng bayaran 'to oh." Sabi pa sa akin. Sinong bayaran? Ah, bastos to ah. Dahil no choice, nakipag-cooperate na ako sa kanya at napagkasunduan naming gumawa na lang ng short story. You know.

Nag-bell na meaning, break na, kaya hindi pa man nakakaalis ang teacher eh nakatayo na ako at hinihintay na lang siyang umalis. Syempre, may kaunti pa naman akong respeto ano.

Habang naglalakad ako, naisipan kong pumunta sa library dahil feel kong tumingin sa mga books doon. Wala lang, hindi naman ako mahilig magbasa pero gusto ko lang talaga tumingin ng mga libro. Habang naglalakad ako papuntang fiction section, napansin ko ang isang librong parag pocket book, kukunin ko sana iyon ng may kumuha din doon, at kung minamalas ka nga naman, eh si Victor pa. Psh.

"Akin na 'yan." Sabi ko at inagaw sa kanya pero inagaw niya rin ito.

"Akin 'to." Pinagagawan namin ito hanggang sa mahulog at kusang bumuklat. Aba, may kababalaghan atang nangyayari sa librong ito. Bumuklat ito sa first page at walang laman—na biglang may sulat doon.

'For Levin and Victor'

Forever na ituu

Napakunot ako ng noo, okay na sana eh. 

Napatingin ako kay Victor at ganon din siya. 


Bigla muling lumipat sa ikalawang pahina ang book.


The Quest will begin as soon as possible. Good luck babies!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon