Chapter 1 - Julia
"Hindi mo ba alam kung gaano na kami katagal ng boyfriend ko?!" iyak ng isang eskandalosang babae sa harapan ko. "*huk* Hindi mo alam kung gaano ko siya kamahal pero dahil sayo! *huk* Nagbreak kami ng isang iglap lang."
"Ayan. Taya tuloy."
Pesteng mga tren oo! Nataya tuloy ako. 600k na score ko eh.
"Huh?"
"Sino ka miss? Am I talking to you?"
"Walanghya ka talaga Julia! Napakasama mo!"
Akma nang sasampalin niya ako pero napigilan ko kaagad siya.
"I know right." I said then I winked at her.
Naglalakad ako palayo sa kanya ng maramdaman ko na hinigit niya ang buhok ko.
"No way! Don't touch my hair!" I said irritated.
Kaya syempre, gantihan lang yan. Mas magaling ako sa kanya sa sabunutan. Eh halos araw-araw na yung scene na ganun eh.
"That's alright for you BITCH!"
Hinawakan ko ang kamay niya para hindi niya ako masabunutan. Di niya ba alam kung gaano ako katagal nagsuklay kanina na halos malate na ako?
"Dear, kahit ipagsigawan mo sa buong Pilipinas na bitch ako, hindi mo ikakalinis yun. Lahat ng tao nasa loob ang kulo. Eh ako, wala na. LABAS NA ANG BUONG PERSONALITY KO. Alam na nila na malandi ako at bitch ako. Dahil totoo naman eh."
"Pero bakit mas pinili ka ng boyfriend ko kesa sa akin?"
"Simple lang... Mas maganda kasi ako sayo." sabi ko at lumakad na palayo.
Humanap ako ng magandang pwesto para makapaglaro ng Subway Surf. At doon ako napaupo sa ilalim ng puno.
Ako nga pala si Julia Montes. Wag niyo na alamin kung ilang taon na ako. Ang dapat alam niyo lang ay dyosa ako.
Laging pinapagkaguluhan ang kagandahan ko dito sa school namin. Ang dami kong haters pero ano naman? La akompake.
Basta alam ko..
MAS MAGANDA AKO SA KANILA!
"Guys! Bumalik na si Daniel Padilla!"
Huh? Daniel Padilla? Pangalan pa lang, gwapo na. ;)
"Section 4B daw siya!" rinig kong sabi ng uchisera.
Hmm. Magkakaroon ata ako ng bagong kalandian ngayon ah. Wahahaha.
"Guys. Sinong Daniel Padilla?" tanong ko sa kanila.
"Ah.. Eh. Varsity po siya dati dito kaso nabalian siya kaya nagstop sya. Ayan, bumalik na po." sabi ng ultimate uto-uto kong kaklase na si Yanna.
"K."
Thank you? Minsan niyo lang yun maririnig sakin.
Kasi nga.. Maganda ako.
***
Lunch time
"Hi Julia!" sabi ng di ko kilalang gwapong nilalang at lumapit sakin.
Nakaupo kasi ako sa cafeteria at nakikiwifi lang ako.
"Hello." sabi ko na parang hindi interesado.
"Enrique nga pala." sabi niya at inilahad ang kamay niya para makipagshake hands.
"Kilala mo na ako." sabi ko na parang pinapakilala ko pa ang sarili ko.
"Yeah. Syempre, sikat ka eh!"
"Syempre. Maganda kasi."
Napatawa siya.
Hay buhay.
True love.
Alam ko nageexist yan. Pero wala eh. Ayaw ni kupido sakin. Ayaw niyang tamaan ang puso ko para magmahal. De bale, maganda naman ang single.
(to be continued..)
A/N: Hindi naman po magtatagal ang pagiging malands ni Julia dahil hindi ko matake. >___< Ang hirap pero gusto ko itry yung mga bitchy stories. Katulad na lang ng Break The Ice Prince's Heart Operation diba? Yun lang. Ge.
BINABASA MO ANG
Falling To Pieces [JulNiel]
FanfictionAko si Mara Julia Montes. Isang napakagandang babae. Isa akong BTCH. BAKIT? Kasalanan ko ba kung pagtaksilan ako ng PEKENG BEST FRIEND KO? At ayan, boyfriend ni PEKENG BEST FRIEND si DJ Padilla. Iseseduce ko lang si DJ hanggang sa iwanan niya si KAT...