Chapter 1

14 0 0
                                    

"Cresias Academy."
Banggit ko sa nakasulat sa isang mataas at marangyang gusali na nasa harap ko ngayon.Kinakabahan ako kung anong mangyayari sa akin sa loob ng malaking gate na pinapasukan ng mga estudyanteng masayang naglalakad at nag-uusap habang kasama ang mga kaibigan nila.


Panibagong buhay,iyan ang dapat kong itanim sa aking isipan.Kalimutan ang nakaraan at mamuhay ng normal gaya ng iba.Kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumasok at nagtungo sa Principal's Office.


"Good Morning Ms.Salvador.I'm Mr.Giovanni Montero,Cresias Academy's Principal"


Bungad sa akin ng isang matipunong lalaking sa tingin ko'y nasa mid 40's na.Bakas sa kaniyang postura ang pagiging seryoso.


"Magandang umaga rin po"magalang na bati ko,nang biglang pumasok ang isang magandang babae.Matangkad ito at maputi.Maiksi ang kulay kayumanggi nitong buhok na umaabot lamang hanggang sa baba nito.

"She's Donna Perez,President of Supreme Student Council."Tumango lamang siya bilang sagot.


"She will tour you in this academy and guide you in your room."Paliwanag ni Mr.Montero.



******

Habang nililibot ako ni Donna dito sa academy,hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar.Pero ang pinakanagustuhan ko rito ay ang garden,dahil payapa dito.Maraming puno't iba't-ibang kulay ng mga bulaklak.Pero may isang nakapukaw ng interes ko.Isang gubat na nasa loob nitong academy.Nababalutan ito ng nakakakilabot na aura,at sinisigaw ng paligid nito ang kapahamakan.Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid,wala akong ibang marinig rito maliban sa agos ng ilog,at mga ingay na gawa ng mga hayop.
Nabalik ako sa realidad ng hawakan ni Donna ang balikat ko.


"Are you alright?"seryosong sabi ni Donna.

"Oo,medyo masakit lang ang ulo ko dahil sa kakulangan ng tulog."paliwanag ko.Tumango lamang siya.

"Cresias Woods"banggit ko sa nakasulat sa tapat ng gubat.


"That place is dangerous.Do you see that sign"turo niya sa akin sa isang karatulang nakalagay ang 'DO NOT ENTER'.
Tumango na lamang ako.




Nag-usap lang kami ni Donna habang nililibot niya ako sa academy at sinabi niya sa akin ang mga rules and regulations dito.Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng silid ko.



"Welcome to Cresias Academy Maura"



"Maraming salamat Donna"masiglang sabi ko at ngumiti lamang siya at nagpaalam.


Kumatok ako sa pinto at pinagbuksan ako ng isang babaeng nakangiti sa akin.


"Ikaw na siguro si Maura Salvador"tumango lamang ako.

"I'm Ms.Leona,your class adviser."hinawakan niya ang kamay ko at inakay papasok sa loob.



Pinakilala ko ang sarili ko sa harapan,at pinaupo ako ni Ms.Leona sa bakanteng upuan sa dulo,katabi ng lalaking nakayuko sa kaniyang desk.Buti hindi siya pinapagalitan dahil sa ginagawa niya.Maya-maya'y bumangon ito,kaya napalingon ako.Moreno ito at makinis ang mukha.Matangos ang ilong nito at mapula ang mga labi.Sa tingin ko'y may ibang lahi ito.


"Staring is rude,bitch"sabi niya.Ang ganda ng boses niya.
Kaya lang anong sabi niya!!!


"Excuse me!anong sabi mo"guwapo sana,masama naman ang ugali.
Pero hindi niya ako pinansin at lumabas ng room,kahit may nagtuturo.Ang nakakapagtaka hindi man lang tumutol si Ms.Leona

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost FightersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon