Ang aga aga ay pumuputak na naman ang bunganga ng tanglaw. Pag gising ko pa lang umaga ay putak ng putak ito. Ngunit ang mga ito ay sinyales na iyon ay pagbabago at paggising sa nakaraan. Ang tanglaw ay na ito ay mabagsik, mabangis at higit sa gusto niya siya ang nasusunod siya lahat ng gusto niya gawin. Mapanganib ang tanglaw na ito, ngunit may kaunting ginintong puso ang tanglaw na ito. Kadalasan pag siya ay nag iinip hindi niya maiwasan magalit sa mga alipin niya, minsan pa nga pag siya a sobrang inip na sa kanyang ginagawa ay pagsipsip sa mga parte na kanyang silid ang kanyang ginagawa. Habang ako'y naglalakbay sa langit, hindi ko namalayan na ang aking tanglaw ay abalang abala sa pag-aasikaso sa mga gawing bahay. Alas dose na ng umaga ng ako'y nagising, ang aking tanglaw ay abala sa pag aasikaso sa mga gawing bahay, tulad na lang sa paglalaba,paglilinis ng bahay at iba pa. Ang mabagsik kong tanglaw ay kumikinag na naman ang mga ginintong mong mga palad, na ang mga palad na puno ng pagod at paghihirap mo upang matulungan at maalagaan mo kami. Ikaw ang tanglaw ko na wala katumbas sa buhay ko at ikaw ang tunay kung pinagmamalaki bilang isang tunay na tanglaw. Ikaw "ang aking INA".
BINABASA MO ANG
Tanglaw(Paglalarawan)
RandomAng aga aga ay pumuputak na naman ang bunganga ng tanglaw. Pag gising ko pa lang umaga ay putak ng putak ito. Ngunit ang mga ito ay sinyales na iyon ay pagbabago at paggising sa nakaraan. Ang tanglaw ay na ito ay mabagsik, mabangis at higit sa gusto...