1. Ang simula ng lahat.

10 0 0
                                    

ALLY's POV.
Nagaaral ako sa West University, Second year High school. Malapit lang naman kasi samin yon, Isang jeep lang. Ayoko na muna magpakilala, Makikilala nyo din naman ako eh.

"Jaja!" Narinig kong sigaw ng isang babae habang naglalakad ako sa Hallway. Tinignan ko sya at ngumiti. "Namiss kita, Kaloka! Walang paramdam nung summer ah. Anyare te?" Pasunod na sabi ni Jean. Si Jean ang bestfriend ko. Simula Grade 3, Kasama ko na yan sa lahat ng kagagahan ko. Maarte din yan, Parehas lang kami. HAHAHA.

"Ikaw nga jan, Busy-ing- Busy kay Mon eh." Si mon yung boyfriend nya, Mabait naman yun, Mukha nga lang gangster pero may itsura naman.

"Hoy ano ka jan, Iniintay kita magmessage no. Kamusta na kayo ni Jabes?" Sabi nya.

"Jabes? Sino yon? HA-HA." Bitter kong sabi sakanya na para kong nakakain ng sampong ampalaya.

"Hala si ate. Wala na ba kayo? Grabe ka ha. Wala man lang kwento."

Si jabes.. Sino nga ba sya.. AH. Yung lalaking ginamit ako para layuan sya ng babaeng patay na patay sa kanya. Malamang dahil ayaw nya dun sa babae at ako ang naisip nya gamitin kasi ang ganda ko nga naman.

"Huy! Nakatulala ka na naman jan! Tinatanong kita, Sumagot ka." Sabi ni Jean.

"Tara na malelate na tayo. Baka ma-"What's good in the morning if you're late" pa tayo ni sir Eds." Sabi ko.

"Basta mamayang Break time, Ikekwento mo sakin ha!" Sabi ni jean. Di ko pa alam kung kaya ko na ikwento pero pipilitin at pipilitin din ako nito kaya Um-oo nalang ako. Para namang may magagawa pa ko.

~ Break time ~

"Huy ano na! Kwento mo na. Wag na tayo bumaba sa canteen, May baon akong crackers. We have soooo much to talk about, bes."

" Oo na, Eto na. Kase nga diba, Pumayag ako na magpanggap na girlfriend nya para tigilan na sya meg. Edi ayun, Nagpanggap kami. Di ko naman alam na magiging sobrang sweet nya pala saken so inakala ko na gusto nya na talaga ko. Napaka assuming ko naman kase. Edi ayun nga, Akala ko. Hindi naman pala. Pero tinuloy namin pagpapanggap. Tapos umamin sakin ang loko na nafall na nga sya. Pero ewan ko ba parang ayaw ko na sakanya. Iniiwasan ko sya pero kinukulit nya ko. Hanggang sa namalayan ko na gusto ko na ulit sya. Parang mahal ko na din.. Kaso ayun nga. Netong summer parang iwas na din sya saken. Minemessage ko sya pero walang sagot. Nakita ko nalang pinrofile picture nya yung silang dalawa ng bestfriend nya. Nagsorry sya saken pero tinanggap ko nalang. Para namang may magagawa pa ako." Sabi ko.

"Aw, Okay lang yan bes. Andito lang ako, wag ka magalala." Nagthankyou ako at di ko namalayan na nandito na pala mga kaklase namin.

Nagpaalam ako para magcr. Magaayos na muna ko ng sarili. Baka mamaya mukha akong zombie dito.

Pagdaan ko sa pavilion, Nakita kong sineset up na yung malaking inflatable dome. Ewan ko kung ano meron.

Fast forward.
Uwian na pero pagkakita ko sa pavilion, Nagaayos pa din sila. Siguro may program bukas.

Paguwi ko sa bahay nagpahinga nalang muna ko. Nagonline pero saglit lang. Ayoko makita pagmumukha ng jabes na yon. Hayaan na nga...

Zzzzz

~Kinabukasan~
Nasa room ako at inaya ko yung dalawang kaklase ko na sa labas muna kami para makita kung ano ginagawa sa pavilion. Paglabas ko ay may nakita akong bagong mukha. Transferee siguro to at mukhang naliligaw.

Section two ata to. Papasok na sya sa kwarto na katabi ng room namin pero natigilan sya kasi wala yung mga kaklase nya dun.
Hm, Dun ang room nila pero mukhang nilipat muna ang section nila dahil gagamitin ang room nila para sa film showing.

Tumingin sya sakin na parang nagtatanong.. Ang ganda ng mata nya.
TEKA ALLY WAG MALANDI OKAY.

Tumingin ako sa paligid, Nakita ko yung isang kaibigan ko na tiga section two, Kumakaway sakin. Dun siguro ang room nila.

"Ayun room nyo oh." Sabay turo sa room na papasukan nung kaibigan ko.

Ngumiti lang sya at para akong natunaw... Oh God, Sya na ba? OmO

-----

Uy boom panes haha ❤️😂

Still into him..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon