1st tear

12 0 0
                                    




"Abe!! Abegail!!" sigaw ng tatlong babae kong kaibigan na hinahabol ako habang paakyat ako sa floor namin


"Oh? Bakit? Ano meron?" tumigil ako at hinintay sila Lian, Ysabelle at Megan, para silang kinikilig na ewan.


"Abe, birthday ni Charles ngayon diba? Nung ex manliligaw mo yieeee. hahahahaha Baba ka daw later" sabi ni Ysabelle. bakit? Bakit kaya ako pinapababa nun? dumiretso na kami sa room ng sabay sabay


"Good morning Abs!" kanya-kanyang bati ng mga kaklase ko, will never get tired of these peeps. hindi rin katagalan ay nag-bell na signaling us na oras na para sa first subject namin.


"Class, settle down" ani ni adviser namin, sya kasi yung first subject namin.


Umupo na kami sa mga upuan namin, magkakatabi lang din kami ng mga upuan kaya hindi napigilang dumaldal ng mga kaibigan ko.


"Abe, feeling namin may ipakikilala sayo si Charles eh. Sabi nya kasi samin kanina kikiligin daw kami." ani ni Megan, napa-"wtf" nalang ako sa sinabi nila. Kilala ako ni Charles, alam nyang di pa ako ready sa ganyang rela-relasyon na yan.


Masisira lang yung studies ko dyan parang noong nagkaroon lang ako ng first boyfriend, as in bumagsak lahat ng grades ko.


Our morning classes ended and the bell has already rang signaling us that it's already first break. My friends pulled me out of our classroom as I was preparing for our next subjects.


"Hell peeps, where are we going? mag aayos pa ako ng locker!" sabi ko at nagpapabigat para hindi na nila ako mahatak.


"Abs! si Charles nga diba?" Oh, totally forgot that Charles wanted me to go to his room downstairs. The three continues to drag me.


"Stop Lian! Ayokong bumaba" sabi ko, ang kulit kulit.


"You stop, Abegail. Pabebe ka nanaman" sabi nya sakin with rolling eyes, hay this girl.


"Ano bayan, Abegail. Dakilang nene" sabi naman ni Ysa sakin habang inaayos nya yung uniform nya.


"Ayoko kasi ng mga ganyan, ano ba."


Pumalag ako ng pumalag pero wala, nahila parin nila ako hanggang sa room nila Charles


"Chaaaaaaaarles!!!" sigaw ni Lian sa corridor, kahit sobrang layo pa namin sa room mismo nila Charles


"Charles eto na si Abe!!" sabi ni Megan.


"Hi, Charles. Happy birthday!" sabi ko, sabay ngiti.


"Hi Abe. Thank you" natigilan sya at nakangiti lang sakin.


"Ay may papakilala nga pala ako sayo." Sambit nya ng mag snap ng fingers si Lian sa harap nya. Sabi na nga ba eh hayyy.


"Nako Charles kilala mo naman ako di ako mahi— aray!" hindi pa ko tapos sa sasabihin ko kinurot na ako ni Ysa. pagtingin ko sakanya nakangiti lang sya para bang sinasabihan ako na wag na ako pumalag.


"Abe, si Kail nga pala. Classmate ko. Kail, si Abegail. Kaibigan ko." Wika ni Charles sabay kindat sakin. Wala na akong nagawa kundi ngumiti sa Kail na to at nag offer ako ng shake hands.


Ngumiti lang si Kail sakin pero hindi nagrespond sa shake hands na inooffer ko, umalis na kaagad. tinignan ko lang sya hanggang mawala sya sa paningin ko. Ughhhh ang yabang!!


"Charles, happy birthday ulit ha? Akyat na kami kasi mag bebell na" sabi ko kay Charles na kinagulat nila Lian. Hinila ko na sila Lian at umakyat na kami.


Yesterday's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon