1

10K 91 21
                                    

1

ALAS-SIYETE pa lang ng umaga ng magsimula ng maglitanya ang boss ng Padilla Corporations.

"How can you let this happen?!"

Dumagundong ang boses ni Daniel sa kabuuan ng kanyang office. Hindi na niya mapigilan pang magalit habang pinapaliwanag ng assistant niya ang nangyari sa loob ng dalawang araw na lumiban siya para asikasuhin ang kasal nila ng fiancée niyang si Michelle.

"I'm sorry Daniel. Sinubukan naman naming ayusin ang problema habang wala ka pero –"

"Pero ano!?" sigaw muli ng binata. "Nagpabaya kayo?"

Nanlaki ang mga mata ni Sam habang nakikinig sa litanya ng kanyang boss. Hindi lang niya boss si Daniel kundi pinsan na rin. Kahit siya at hindi nito binibigyan ng chance para magpaliwanag sa mga nangyari sa kumpanya. And he had enough. His cousin needs to hear him out before shouting at him.

"Pwede bang makinig ka muna!?" bulyaw ni Sam sa pinsan.

Napatigil naman si Daniel sa pangsesermon dahil sa sigaw ni Sam. Hindi niya maitago ang pagkabigla sa inakto ng kanyang pinsan.

"Ako muna magsasalita, ok?" panimula ni Sam. "Ang nangyari ho kasi, boss noong dalawang araw na wala ka ay may nang-hack sa system natin at nag-iwan ng virus. Black Jack ang pangalan ng virus. And sa programming world, isang tao lang ang may kayang i-decode ang virus –"

"Eh bakit hindi –"

"Shut up Daniel o ihahagis kita sa bintana."

Tumahimik naman si Daniel at sinenyasan na ipagpatuloy ni Sam ang pagpapaliwanag niya.

Inihagis ni Sam ang isang folder.

Binuksan naman ni Daniel iyon at tumambad sa kanya ang larawan ng isang babae. Maganda, morena, at tuwid na tuwid ang itim nitong buhok. She's the definition of exotic beauty na sa Pilipinas mo lang talaga makikita.

"Kathryn Bernardo. MA graduate of Computer Engineering in Harvard at a young age of 19. She's basically a computer genius at siya lang ay may kayang i-decode ang virus dahil siya ang may gawa."

"Are you saying that she's the culprit behind all of this?!" asik ni Daniel. Nanginig ang kamay nito sa galit. Malapit na siyang ikasal tapos may mangyayaring ganito sa kumpanya niya.

Papaano siya maikakasal ng tahimik at walang gulo?

"That's very unlikely sir," sagot naman ni Sam.

Kumunot ang noo ni Daniel at dahil dito nagpatuloy si Sam sa pagpapaliwanag, "Kathryn Bernardo is currently missing boss. She's been missing for three years already. Walang may alam kung nasaan siya, kung anong nangyari sa kanya. Kaya imposible na siya ang mga gawa."

Inilagay ni Daniel ang kamay sa sentido at ipinikit ang mga mata. Parang biglang sumakit ang ulo niya sa lahat ng impormasyon na nalaman niya. "So ano ang plano? Isang buwan na lang ay magpepresent na tayo para sa isang deal sa isang kumpanya. It's a multimillion dollar deal. At nandoon lahat ng files na pinaghirapan natin for the past three months."

"I don't know sir. I suggest we start from scratch."

Napadilat si Daniel at napasigaw, "From scratch?! Are you out of your mind?!"

"Sir, we can't do anything about the virus. Hanggang hindi nadedecode yun, hindi natin mareretrieve ang mga files. It's up to you sir. I guess we just have to forget about the deal."

"No!" wika ni Daniel. "Alright. We're going to start again. Take charge, Sam. Lalabas muna ako ng building na ito para magpalamig ng ulo."

"Yeah. I think you need that, boss."

The Isolated Maiden (Maiden #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon