14

789 35 11
                                    

14

"ANONG sabi mo?" tanong ni Daniel kay Kathryn. Pakiramdam niya binuhusan siya ng isang balde ng malamig na tubig ng dalaga. Ikinuyom niya ang kanyang palad dahil nanginginid ito. "Sabihin mong nagbibiro ka lang."

"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong ni Kathryn. "Seryoso ako Daniel. Nakapag-desisyon na ako. Babalik na ako sa mansyon ko."

"Pero hindi ka pa nagtatagal dito! May usapan tayo babe!" sigaw ni Daniel. Humakbang siya palapit kay Kathryn at akmang hahawakan ng binata ang braso ng dalaga pero iniwas ito ng huli. Napatigil si Daniel at dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay. "Siguro pagod ka lang babe. Galing ka pang ospital, baka hindi ka lang nakapagpahinga ng maayos."

"Nasa tamang katinuan pa ako Daniel," rason ni Kathryn. "Gusto ko ng umuwi. Hindi ko gusto ang lugar na ito. Ayoko na. Wala akong pakialam kung ayaw mong pumayag. Sinabi ko lang sa'yo out of respect kasi dito ako nakikitira sa bahay mo."

Natahimik si Daniel at ipinikit ang mata. Ilang beses siyang bumuntong-hininga at sinusubukang kalmahin ang sarili. Pagkatapos ng ilang minuto ay idinilat na niya ang kanyang mga mata at dahan-dahang itinanong, "Paano tayo? Akala ko ba gusto mo ako?"

"Walang tayo Daniel," sagot ni Kathryn. "Akala ko gusto kita. Pero napag-isip isip ko na hindi pala. Tama ka, malungkot ako at mag-isa ako. Ikaw ang unang taong nakasama ko sa loob ng napakahabang panahon, kaya siguro naramdaman ko ito. Ngayon, umaliwalas na ang isipan ko nung nabagok ako, hindi pala talaga kita gusto."

"Nagbibiro ka lang hindi ba?" tumaas ang boses ni Daniel. "Sabihin mong nagbibiro ka lang! Hindi ako tanga Kathryn, alam kong may nararamdaman ka para sa akin. Ano ba talaga ang problema mo? Kung ano man iyon, handa akong makinig! Kung may ayaw ka sa akin, handa kong baguhin. Wag lang ganito, Kathryn, wag lang ganito. Parang awa mo na."

"Pasensya ka na," wika ni Kathryn. Hinawakan ng dalaga ang kamay ni Daniel at pinisil ito. "Patawad dahil nasaktan kita. Hindi ko sinasadya. Pero hindi na mababago ang desisyon ko. Hindi kita gusto, kahit lumuhod at magmakaawa ka pa sa akin."

Kita sa mga mata ni Daniel ang sakit. Binitawan ni Kathryn ang kanyang kamay. "Bukas na bukas din ay aalis na ako. Salamat sa pagpapatira sa akin dito."

Tumalikod si Kathryn at lumandas ang luha sa kanyang mga mata. Pinigilan niya ang paghikbi at kinagat ang kanyang labi. Paakyat na ulit siya sa kwarto kung saan siya natutulog ng marinig niyang magsalita ulit si Daniel.

"Kapag hindi ka lumingon ngayon sa akin, kapag hindi mo binawi ang sinabi mo, hindi na kita hahabulin. Bukas na bukas din, susubukan kong kalimutan ka. Ito na ang huling beses na magmamakaawa ako sa'yo. Ito na Kathryn," banta ni Daniel.

Ikinuyom ni Kathryn ang kanyang mga palad at umakyat na sa kanyang kwarto. Ginawa niya lahat ng kanyang makakaya para hindi lumingon kay Daniel. Halos dumugo na ang kanyang mga labi.

Si Daniel naman ay halos nawalan ng lakas at pabagsak na napaupo sa sahig. Galing siya sa kanyang kumpanya at ito ang isinalubong sa kanya ng dalaga. Bakit hindi niya kayang mapanatili sa kanyang mga bisig ang dalaga? Hanggang kailan ba siya dapat masaktan?

PAGKARATING ni Kathryn sa kanyang kwarto ay humikbi siya. Sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. Wala sa sariling tumungo siya sa harapan ng kanyang laptop at pinandilatan ito. "Masaya ka na? Ginawa ko na ang sinabi mo? Lulubayan mo na ba si Daniel."

Nag-flicker ang kanyang laptop at lumabas ang mga katagang: Hindi pa ako tapos. Sisiguraduhin kong magbabayad ka.

Pabalibag na isinara ni Kathryn ang kanyang laptop. Pinunasan niya ang kanyang luha. Hindi ako ang tipo ng tao na susuko basta-basta,. Mahuhuli rin kita! Humanda ka, sabi ni Kathryn sa kanyang isipan.

Tumingin si Kathryn kay Cola. Inilagay niya ang kanyang kamay sa tuktok ng ulo nito at nakapa niya ang sensor nito doon. Nakipag-usap siya sa kanyang robot gamit ang morse code. Gamit ang kanyang daliri, nag-tap siya sa ulo nito.

"There will be hell to pay," bulong ni Kathryn sa kawalan. "Mali ang babaeng kinakalaban mo."

"ATE hindi ka na ba talaga mapipigilan?" tanong ni Magui kay Kathryn.

Ngumiti si Kathryn at umiling. "Hindi na. Pasensya na talaga Magui."

Tumango na lang si Magui at pinunasan ang mga luha nito. "Pasensya na rin po Ate, kahit ano pong pagkatok ko sa pinto ni Kuya, ayaw niyang lumabas."

"Naiintindihan ko naman iyon Magui," sabi ni Kathryn. "Salamat. Pakisabi na lang sa kuya mo na umalis na ako at salamat sa lahat ng naitulong niya."

Tumango naman si Magui. Tumingin naman si Kathryn kay Carmella. "Aalis na ako."

Tumakbo ang bata at agad na niyakap ang dalaga. "Ate, wag ka ng umalis! Please. Malulungkot ako, malulungkot si Ate at si Kuya!"

Niyakap ni Kathryn si Carmella. "I'm sorry but I can't stay."

Nagtagal ng ilang minuto ang yakapan nila bago siya pinakawalan ni Carmella. Hinalikan niya isa-isa sa pisngi ang dalawang bata. Bago umalis ay nagpaalam na rin siya sa ina ni Daniel at halatang malungkot din ang ginang sa pag-alis niya. Ilang ulit din itong humingi ng tawad dahil hindi pa bumababa si Daniel. Naiintindihan naman niya. Sinaktan niya ang binata kagabi at sinabi pa nito na kakalimutan na siya.

Hindi na siya nagpahatid kahit kanino, kahit ginigiit na ng ina ni Daniel na ihahatid na lang siya ng family driver. Nagpatawag siya sa guard nina Daniel ng taxi at naghihintay na ito sa kanya sa labas ng gate. Nilingon niya sandali ang bahay ni Daniel, hinalikan ang kanyang kamay at itinapat iyon sa kwarto ni Daniel. Tumalikod na siya at hindi niya nakita ang marahang paggalaw ng kurtina sa kwarto ng binata.

HABANG nasa taxi, ni-tap niya ang ulo ni Cola. Biglang nabuksan ang tiyan nito at iniluwa ang isang keyboard. Naglagay siya ng usb sa tagiliran ng keyboard at ininat muna ang kamay bago nag-umpisa mag-type. Bumaba ang ulo ni Cola at napalitan iyon ng computer screen.

"Ang galing naman niyan ma'am," biro sa kanya ng taxi driver.

Ngumisi siya. "Salamat po kuya."

Mabilis siya nag-type sa kanyang keyboard, accessing all the security cameras around Daniel's house, building, office at kahit yung emergency stairs. Kung na-trace siya kagabi nung hacker na nagbabanta sa kanya, dahil iyon sa hindi niya paggamit kay Cola. Hindi naman kasi niya naisip na magaling din ang kalaban niya at may alam din ito sa pagha-hack.

Ni-review niya lahat ng mga cctv footages nung panahong itinulak siya. "Matalino talaga, nabura niya kaagad. Wala pang trace na na-hack. But..."

Mas mabilis na siya nag-type ngayon sa keyboard, "Yes you're good, but I'm the best."

Unti-unti ng lumitaw sa kanyang computer screen ang mga CCTV footages na nabura at pinalitan. Ni-play niya ang video sa oras na nahulog siya sa hagdan. Naningkit ang kanyang mga mata sa nakita. "So ikaw pala..."

"Grabe naman Ma'am, hinulog ka talaga," komento nung driver.

Umangat ang tingin niya mula sa kanyang computer screen papunta sa rear-view mirror ng taxi. Nanlaki ang kanyang mga mata at napasinghap siya, "Sam..."

The Isolated Maiden (Maiden #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon