Fever

28 0 0
                                    

Patrick's POV

Ang saya saya ko ngayon. Kasi kasama ko siyang gumala ng kami lang. Ayoko yung ginawa niyang contract. Paano yung gagawin ko? Eh mukhang tinamaan na yata ako sa kanya. PAKIRAMDAM KO, ISA NA RIN AKONG GANAP NA BI. :3

Kasi yung nararamadaman ko sa kanya, iba eh. Hindi ito love as friends eh. Basta iba talaga. Ewan ko ba pero parang LOVE ito na nararamdaman mo kapag nasa isa kang relationship. But nevermind muna.

Mabuti naman at nasiyahan siya. Treat ko kasi lahat. Bumili na rin kami ng damit para sa kanya.

Niyaya niya kong bumisita sa bahay nila. Nagluto daw kasi ang Mama niya ng hapunan para sa'kin, bilang pasasalamat daw.

Nandito kami sa kotse. Medyo trapik kaya ang bagal ng usad ng sasakyan. Si Ron naman, nakatingin lang sa bintana. Wala masyadong kibo. Siguro pagod lang kakaikot namin dun.

"Oh nakatulala ka na naman. May problema ba?"tanong ko sa kanya.

"Wala. Iniisip ko lang yung mga mangyayari. Kasi kahit alam kong kunwari lang ito, nakakakaba no. Biruin mo sa edad nating ito, ikakasal na tayo. Parang kahapon lang kakakilala ko lang sa'yo haha."sagot nito sabay tingin ulit sa kawalan.

"Haha oo nga eh. Even ako kinakabahan din. Kung hindi lang ito nakalagay sa conditions ni Dad, siguro hindi kita ginugulo ngayon. Kaya salamat talaga Ron. Salamat kasi pumayag ka."sabay tingin sa kanya. Tumingin din naman siya sa'kin. Ngumiti. Shems! Kung wala lang talagang contract, baka nahalikan na kita for sure. Hahaha

"Ayan malapit na tayo. Excited ka na  bang makita yung magiging manugang mo?hahahaha"sabay tawa habang tinuturo yung daan.

"Oo naman. Hahahaha."sagot ko na lang.

"Ok. Dyan mo na lang ipark ito. Di naman ito kasya sa iskinita eh."sabay turo sa may bakanteng lote malapit sa iskinita papuntang bahay nila.

Pinark ko na yung kotse ko then pumunta na kami sa bahay nila. Medyo may kalumaan na ang bahay pero maayos yung labas. Malinis.

"Ma, Pa, andito na ko."sigaw niya.

"Oh andyan ka na pala. Ayy Patrick iho, buti pumunta ka. Halikayo pasok na."anyaya sa'min ng Mama ni Ron.

"Thank you po sa pag imbita."

"Ehh wala yun."

"Ito po. May dala akong cake. Pagsaluhan niyo na lang po mamaya."sabay abot ng cake na binili namin kanina.

"Ayy iho salamat. Halikayo kain na."

Medyo mahaba ang lamesa nila. Magkatabi kami ni Ron. Yung kapatid niya naman nasa tapat namin tapos nasa magkabilang dulo naman ang Mama at Papa ni Ron.

"Tito, kamusta na po kayo? Ok na po ba kayo?"tanong ko sa Papa ni Ron.

"Ok naman na. Sabi ng doktor, pwede naman ako dito sa bahay magpahinga. Kaya kanina, pinalabas na ko."sagot ni tito sa'kin.

"Uhm Patrick, Maraming salamat talaga sa ginawa mo. Tatanawin naming utang na loob ito sa iyo. Oh siya kumain ka pa."pasasalamat sa akin ng Mama ni Ron sabay abot ng ulam sa'kin.

"Welcome po always. Yun lang po kasi magagawa kong paraan para matulungan si tito."

After ng 2 hours na pagkukwentuhan, medyo gabi na. Kailangan ko nang umuwi. Nagpaalam na ko sa kanila.

"Sige po tita. Uwi na po ako. Medyo gabi na eh."pagkasabi ko nun, bigla akong nahilo. Dahil dun, bigla akong natumba. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Ronald's POV

Oh my!! Hinimatay si Pat. Dali dali ko siyang binuhat at dinala sa kwarto ko. Medyo mabigat siya ah. Kumuha agad si Mama ng e.fan at tinapat sa kanya para naman mahimasmasan siya. Napansin ko, medyo mainit pala si Pat.

Husband For HIRE (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon