Evidence I.

8 0 0
                                    

Evidence I.

Kakatapos lang ng isa nanamang interview ni Nigel at ang gusto na lang niyang gawin ay makapagpahinga. Ilang araw na siya puro trabaho at ang hinihiling niya lang sa ngayon ay ang buong araw na walang istorbo.

Pumasok siya sa kanyang bahay at nilagay ang jacket sa pinakamalapit na lalagyan (sa ibang salita, ang sahig) at umupo sa sofa sabay nilagay ang ulo sa sandalan ng upuan. Huminga siya ng malamin at nagbabakasakaling mababawasan ang kanyang pagod. Pero mali ang inaakala niya, dahil nung tumayo siya para kumuha ng maiinom, mas lalo pang nadagdagan ang sakit ng ulo niyo na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis.

Kaya mas pinili na lang niya na humiga sa sofa at matulog dahil masyado na siyang napagod sa araw na ito para kumilos pa.

Noong napipikit-pikit na niya ang mga mata niya at handang mapunta sa mahimbing na tulog, saka naman tumunog nang napakalakas ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon niya.

Siya ay huminga ng malalim para sabihin na siya'y pagod at sana tumigil na ang ingay pero naalala niya na wala pala siyang kasama sa bahay niya kaya napilitan siya damputin ang cellphone niya. Dinilat niya ng konti ang kaliwang mata para malaman kung sino ang tumatawag. Kumunot na lang ang noo niya nang makita ni ang pangalan ng kaibigan niya, Neal.

"Siguraduhin mo lang na importante 'to." Pagbabanta niya kay Neal kahit hindi naman siya naririnig nito.

"Bakit?!" Pasigaw na sagot ni Nigel.

"Hello, din sayo, Ni!" Sarcastic na sabi ni Neal dagdag ang nickname, at nai-imagine niya ang ngising nakakaasar na naglalaro sa labi ni Neal. "Ito naman! Aburido kagad? Tumatawag lang, eh."

"Sabihin mo na ang kailangan mong sabihin para makatulog na 'ko!" Sabi ni Nigel habang nakapikit parin ang mga mata at nagbabakasakali na dalawin muli ng antok.

"Sige na, sige na! Ito na! Ako nga dapat ang nagagalit at hindi ikaw!" Nagtatampong sabi ng best friend niya. Napakunot na lang ng kilay si Nigel at nag-iintay na magsalita si Neal at ipagpatuloy ang sasabihin. Narinig niya na huminga ng malamin si Neal at sinabi, "Buti na lang at hindi ka bakla, Ni!"

"Ha?! Ano bang pinagsasabi mo? At hindi ako bakla 'no!" Pagtatanggol niya sa sarili niya.

"Eh, simula kasi nang naging artista ka, hindi ka na nagkagirlfriend. Kaya ang akala ko, gusto mo sa mga lalaki." Nanlaki na lang ang mga mata ni Nigel dahil sa narinig, hindi niya alam kung saang lupalop ng daigdig nanaman ito nakuha ng kaibigan niya.

"Sira ka talaga! Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo mga walang kw*nt naman!" Galit na sabi niya. Ang datig pikit na mata dahil sa antok ay ngayong dilat na dilat na.

"Oo na, oo na. Hindi ka na bakla." Natatawang sagot ni Neal at saka dinagdag, "Pero bakit 'di mo sinabi na may girlfriend ka na pala? Ayos, pre, yung napili mo, ah! Ang ganda!"

"Teka, ano yung sinasabi mo? Ako? May girlfriend? Tambak nga ako ng trabaho, eh. Wala na nga akong oras para matulog, girlfriend pa?" Napakamot na lang ng ulo si Nigel. Hindi niya alam kung san napupulot ng media ang mga balita na ito at agad agad na lang nilang binabalita na hindi naman totoo.

"Sino pala si Valerie Martin?" Naguguluhang tanong ni Neal. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Neal, pero mas pinili niya na lang na wag pansinin.

"Wala akong ideya kung sino yun. Kaya pwede ba? Wag na lang natin pag-usapan." Walang expression ang mukha niya nung sinabi niya yun.

"Ah, hindi mo pa pala napapanood yung video niya."

"Anong video?" Tanong niya.

"Yung interview niya. Dun niya pa nga sinabi na totoo raw na girlfriend mo siya. Halos lahat na nga ng tao napanood yun, eh!"

Siguro sa sinabi ni Neal na yun, hindi mo maiisip kung gaano kapula ang buong mukha ni Nigel na halos may lumabas na, na usok sa magkabilang tenga niya.

-

Sa kasamaang palad, si Neal ay kasalukuyang naglalakad ngayon papunta sa manager niya. Nalaman din pala ni Sir Reyes ang tungkol sa Valerie Martin na yun.

Habang naglalakad, may mga nakasalubong siya na mga nakakakilala sa kanya at mga nagpapakuha ng litrato. Sino ba naman siya para tumanggi?

Pagkatapos ng mga sumalubong sa kanya, siinisipa na lang ni Nigel ang maliit na bato habang naglalakad at iniisip kung anong sermon nanaman ang sasabihin ng manager niya. Pero nang napalayo yung sipa niya at hinanap niya kung saan napunta, nagulat na lang siya ng may nagsabi, "Nigel, my baby!"

Lumingon siya hindi para hanapin ang bato kundi para malaman kung sino ang nagsabi nun kahit pa nanginig siya dahil sa sobrang ka-cornihan ng pagtawag sa kanya ng 'baby'.

"Teka, nakita ko na 'tong mukha na 'to, ah?" Tanong niya sa sarili niya. At bago pa man niya mapagtanto na si Valerie Martin ang tumawag sa kanya, niyakap siya nito na halos bumigay ang mga tuhod niya dahil sa impact.

Pinagtinginan sila ng mga tao, siguro dahil itong babae na 'to ay nagsusuot ng flower crown at nagmumukha siyang baliw o baka dahil siya ay si Nigel Grey na may babaeng nakayakap sa kanya.

"Who the hell are you?" Tanong na pasigaw ni Nigel sa babae pagkatapos niya siyang itulak palayo. "And what's that? You're wearing a flower crown? You just look stupid."

"Ang sungit naman ng boyfriend ko." Sabi ni Valerie na medyo natatawa.

"Don't call me that! Hindi mo 'ko boyfriend at hinding hindi magiging tayo!" Habang patagal ng patagal, mas lalong umiinit ang ulo niya at mas lalong tumataas ang nais niya na makapatay ng tao.

"Ay, sus! English-english pa! Nasa Pilipinas ka naman!" Pagkasabi ni Valerie nun, hinila niya na lang ang mga braso niya at sinabi, "Tara na nga! Naghihintay na si  Sir Reyes!"

"H-hey, how did you know where I was about to go?!" Hindi na nakakapagtaka kung isa lang sa mga fangirls 'tong si Valerie dahil pano niya nalaman kung saan dapat siya pupunta? Desperate talaga 'tong babae na 'to!

"I have my ways, Mr. Grey." Pangaasar ni Valerie.

-

Naka-upo si Nigel sa malambot na upuan sa loob ng opisina ng manager niya. Kung hindi lang sa maingay na katabi niya, hinihintay na niya lang sana si Sir Reyes ng tahimik at hindi lagi nakakarinig ng, "Gusto mo ng kape, Ni?" at "Gutom na 'ko. Tara, lunch tayo." at "Maayos ba yung buhok ko, Ni? Wala kasing salamin dito, eh." Kahit gaano niya gustong pagsabihan ang babaeng 'to na wag na siyang tawaging Ni (dahil si Neal lang ang pwedeng tumawag sa kanya nun), wala pa rin siyang magagawa dahil sobrang makulit talaga si Valerie, eh.

Inaayos ni Valerie yung flower crown sa ulo niya nang biglang pumasok si Sir Reyes sa opisina.

"Sorry, I'm late—" Pero napatigil sa pagsasalita nang makita niya ang babaeng kasama ni Nigel. "So, it's true?" Tanong ni Sir Reyes.

Nagdalawang isip pa si Nigel kung ano ang tinutukoy ng boss niya pero bago pa siya makasagot na hindi totoo ang mga sabi-sabi; nang walang paalam, sumabat sa usapan si Valerie, "Yes, sir! The rumor is true and Nigel and I are definitely head over heels with each other."

"Hey! What are yo—" Sisingit pa sana sa usapan si Nigel pero pinutol siya ni Sir Reyes, "No, Nigel. It's fine for me."

At umungol na lang siya sa upuan niya habang nakangiti pa rin ng napakalaki si Valerie na nakakairita sa pangingin ni Nigel. "Just try to prevent doing naugthy things." Pagpapatuloy ni Sir Reyes sabay nag-wink.

"B-but—"

"Now, that's what I actually wanted to know, to be honest. I'm heading off now." Huling sabi ni Sir Reyes sabay binuksan ang pintuan at lumabas.

Natira na lang sina Valerie at Nigel sa office at siya ay sobrang init pa rin ng ulo. Idagdag pa ang antok niya. Lumingon siya kay Valerie at tinanong, "Why are you doing this? Why did I owe you?"

"Hmm..." Pagsisimula ni Valerie sabay ngumiti sa kanya, "Wala ka naman talagang utang sakin pero boyfriend naman talaga kita. Kaya, wala namang problema."

Nang marinig niya ang sagot, napakamot na lang siya ng ulo at pinangarap na sana ay matapos na ang lahat na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say It With EvidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon