PART 1-CHAPTER 1 = Get to know me first

446 14 7
                                    

PART 1 - SAM'S PART

CHAPTER ONE

= GET TO KNOW ME FIRST =

Hello! Ako nga pala si Samantha Nicole Hilario. Oo alam ko, medyo mahaba ang pangalan ko pero may nickname din naman  ako noh! :) Pero kailangan mo ng papel at bolpen sa dami!! Kung anu-ano kasi ang tawag sa akin ng mga kaklase saka mga kaibigan ko. 

*clears throat*

hmm.. Let's see... Minsan, tawag nila sa akin Nikki, minsan naman Niks lang, yung iba naman Sammer or Sammy. Yung dalawa ko namang kuya tawag nila sa akin Niknaks, sila nagimbento nun! Tapos yung iba naman Samsam, minsan naman Baby Sam (medyo may pagkachildish kasi ako kaya ganun, pero okay lang naman sa akin, siguro nasanay na ako na ganun ang tawag nila sa akin). Ang karamihan, tawag nila sa akin ay Sam.

Oh ano? Nakuha niyo ba? Hahaha! :D

Simple lang naman ang buhay ko, hindi naman ako mayaman at hindi rin naman ako ganun kahirap, katamtaman lang naman. Pero sinasabi ng mga kaibigan ko na mayaman daw ako...

ANO DAw?! Parang hindi ko feel... siguro nasasabi nila yun kasi palagi ko silang nililibre... Pero, hindi naman mga mamahaling bagay ang nililibre ko sa kanila ah... Sige... sabihin nalang nating may-kaya ako. 

Sa public school lang naman ako nag-aaral at nasa 3rd year High na ako ngayon.

Masaya naman ang buhay high school...

Maraming mga kaibigan, kausap, kabarkada o katropa. Marami kang magagawa, matatawa ka sa mga 'trip' ng mga loko-loko mong kaklase... At ang hindi mawawala sa high school life...

ANG LOVE LIFE!

Ay OPO! Number 1 yan sa listahan! Lalung-lalo na sa school na pinapasukan ko.

Look to the LEFT... look to the RIGHT... NAKU!! 

LOVERS EVERYWHERE!!!

Feeling ko kaunti nalang ang SINGLE sa eskwelahan namin eh.

P.S. KASAMA NA AKO DUN NOH!!!! 

Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa isang katulad ko?! 

Imaginin niyo ha...

Straight ang buhok ko at hindi naman ganun kahaba, ang ayus-ayos niya sa umaga... pero pag dating sa hapon ang GULO na niya parang sinabunutan ng sampung unggoy! Okay... so... yung mata ko naman.. Normal siya, 20-20 vision naman.. pero malalim naman ang EYEBAGS ko!! Palagi kasing puyat... Haysst... saka hindi naman ako gaanong kaputi. 

Sabi ng mga kaklase at friends ko, SMILE lang daw ako dahil CUTE naman daw ako pagnakangiti at nakatawa. BAIT NILA NOH?

Hayssst...

Balikan natin yung sinabi ko kanina... LOVE LIFE

Minsan naiinggit ako sa mga lovers na nakikita ko sa school... Pero pinipigilan ko ang sarili ko... Siyempre, STUDIES FIRST!

PERO HINDI KO TALAGA MAPIGILAN EH ! ! !

Siyempre... Tignan niyo naman yung dalawa kong kuya...

Yung panganay, si Sage Nikolai Hilario, may GF na siya...

Yung isa naman, si Skyler Noel Hilario, ay grabeh! SUPER sikat siya sa classroom nila at hindi lang doon! pati sa ibang sections na rin! 

GRABEH AH!!! HIYANG HIYA NAMAN AKO SA KANILA NOH!!!

Hayssst... Pero okay lang yun, sabi naman sa akin ni mama, maghintay lang ako at may darating din na nararapat sa akin.

Okay... edi maghintay... Pero sa kakahintay, may pangyayaring hinding-hindi ko talaga makakalimutan.

Gusto niyo ikwento ko sa inyo ang "One-sided" Love story ko? 

Hahaha! 

GAME!! 

CAPTURED in MY EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon