PART 1-CHAPTER 10 = Anthony's Chapter

60 1 1
                                    

PART 1 (SAM'S PART)

CHAPTER 10

= Anthony's Chapter =

(ting!ting!ting!Author'sSpeech: Anyeonghaseyo! Konnichiwa! Hello po!! Ang Chapter 10 po ay ginawa ko pong ANTHONY'S CHAPTER kaya.... ANTHONY FANATICS MAGDIWANG!! (Baka Meron?) Hahaha! Di Joke lang po! Basta.. Enjoyin niyo na lang po ang Anthony's Chapter! Salamat po! ^__^ )

ANTHONY'S P.O.V (YEY!!)

Hello sa inyo! Sa wakas! May solo P.O.V na rin ako!! 

*Ehem!Ehem!*

So... Eto ang simula ng kwento ko...

Isa uling araw sa magulo naming eskwelahan.

Dumiretso na ako sa classroom namin kasi baka makita nanaman ako ng mga 'MALALANDING BABAE' sa school namin! 

Binaba ko yung bag ko sa upuan ko at lumabas sa classroom at sumilip sa classroom nila Sam. Tinawag ko yung kaibigan ko dun na si Daniel at tinanong ko kung andun na ba siya pero sabi niya wala pa daw kaya bumalik na ako sa classroom namin at tumungo na lang sa armchair ko.

Mga ilang minuto ang lumipas at maya-maya may naririnig na akong nagtitiliang mga babae sa labas ng classroom namin.

' Siguradong sila Sage na yan ' sabi ko sa sarili ko at lumabas na ako sa classroom namin kasi alam ko na kapag andyan na yang dalawang yan siguradong andyan na rin si Sam.

Pero nakalimutan ko... Paglabas ko ng classroom namin...

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! SI ANTHONY!!!! GIRLS!!! AYUN SIYA OH!!!! KYAAAAAAAAAH!!!" narinig kong pagsigaw ng mga 'MALALANDING BABAE' ! 

Kainis naman oh!! Nakalimutan ko!! Ang Tanga ko naman talaga oh!! >__<

"Hoy! Pwede ba! Tama na yan! Sobrang LANDI niyo naman!" narinig kong may nagsabi sa bandang pinakalikod ng mga babae.

Isa-isa silang lumingon sa nagsabi at laking gulat ko na si Sam na pala yun! 

May isang babaeng lumapit sa kanya at bigla na lang hinawakan ang I.D lace niya. Lalapitan ko sana yung babae kaso pinigilan ako nang iba niyang kasamahan. Ganun na rin kela Sage at Sky.

PATAY... Yung lider pa ata ang lumapit sa kanya..

"HOY BABAE!! HINDI PORKET KAPATID KA NG DALAWANG PINAKAGWAPONG LALAKI DITO SA SCHOOL AT KAIBIGAN MO PA ANG ISA PANG KASAMA NILA.. WALA KANG KARAPATAN PARA SABIHAN KAMI NIYAN HA!!" sigaw niya.

"EXCUSE ME! Meron po! Kasi.. SUMUSOBRA NA KAYO EH!! KITA NIYO NA NGANG NAGTATAGO YUNG TAO! GUGULUHIN NIYO PA!! MAGSI-ARAL NGA MUNA KAYO BAGO KAYO LUMANDI PLEASE LANG HA! Please lang PO!!" sagot naman pabalik ni Sam.

Bago pa magsalita yung babae laking gulat naming lahat nang...

*PAK!*

Bigla niyang sinampal si Sam!! O___O

Pumipiglas kaming tatlo nila Sage para ilitgas si Sam pero.... 

Grabeh ah! Ang lalakas naman nitong mga babae na toh at kaya pa kaming pigilan!

"SAAAAM!!" pagsigaw ko.

kaya ko pang maaninag ang mukha niya at nakita ko na malapit na siyang umiyak.

Pero...

"ANO! TAMA AKO DIBA!? ANO PAPALAG KA!!!" sigaw niya. 

At bigla na lang siyang tinulak ng babae at napaupo siya.

Pagkatapos nun.. Binitawan na rin kami ng mga babae at nagsialisan na rin sila.

Tumakbo kaming tatlo nila Sage papunta kay Sam pero tumakbo na siya papasok sa classroom nila at nakita namin na umupo at tumungo na siya sa armchair niya.

CAPTURED in MY EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon