Part 2

423 15 6
                                    

"This is the day that you would tour Mr. Alforte around the campus. I'm sure that you reviewed the description and history of every building.", sermon sa akin ni Mr. Montecalbo pagpasok ko pa lang ng Faculty Workroom. Eto na yung araw na itou-tour ko ang kumag na yun. Sa masamang palad, kinailangan kong mag-ayos para lang sa kanya dahil grabe siya kung makatitig, yun para bang wala nang bukas. Kaya kailangan kong magdamit at mag-ayos ng buhok dahil baka ano pa masabi ng kumag sa itsura ko.

"Okay lang man sa akin maging tour guide ng 100 na tao, wag lang sa kumag na yun.", pa-imik kong sinabi.

"Were you saying something, Ms. Samonte?", narinig pala ako ni Mr. Montecalbo. Medyo malakas pala ang pagkasabi ko nun.

“Ay! Wala po yun Sir. Uhhh, matanong ko lang po. Saan po pala si Joaquin?”, gusto ko na sanang simulan na ang tour para matapos agad ang pinapagawa sa akin at di ko na makita ang kumag na yun.

“I think he’s on his way here. We just have to give him a few more minutes.”, kaya naman naghintay kame ni Mr. Montecalbo.

*lumipas ang 30 minutes…*

“Sir, wala pa po siya? Gusto ko sana i-attend ang afternoon classes ko kahit excused ako. Bakit kasi ang tagal niya? O baka gusto niyo Sir, iba na lang mag tour sa kanya?", di ko na kayang hintayin ang kumag na yun! Siya na nga tong hinihintay, siya pa may ganang ma-late. Once a kumag, always a kumag nga talaga!

"No! You are going to be his tour guide. I am now giving you the responsibility to also be his aid here in our school. He doesn't know the school rules and protocols yet so it is your task to guide him. Now, go find him!", sabi ni Mr. Montecalbo. Teka, inatasan ako bilang tour guide pero ngayon gagawin na akong yaya ng kumag na yun? Sobra na ang paghihirap na to.

"But, sir!", protesta ko.

"Would you want to be dropped from my Humanities class, Ms. Samonte?", NO SIR! AYOKO MA-DROP!

"No, sir.", kailangan kong gawin to, tiisin ko na lang.

"Good, now go find him!", pasigaw na sinabi ni Sir.

Pumunta ako sa cafeteria kasi baka dun siya tumambay pero pagpunta ko dun, walang tao dahil lahat ng estudyante, may klase. Pumunta rin akong court pero andun lang yung mga may practice para sa Foundation Day namin. Pumunta ako sa mga silid na kung saan may klase siya dahil may copy ako ng schedule niya. Pero wala talaga siya, di ko siya mahanap. Halos nilibot ko na lahat ng buildings pero di ko talaga mahanap si Joaquin. Saang lupalop ng mundo kaya nagtago ang kumag na yun??!!

Bigla kong naisip na magpahangin muna sa Library. Tutal, nandun naman si Rafael, at least napapagaan niya loob ko at baka alam niya rin kung saan  ang kumag. Pagpasok ko sa library, nakita ko agad si Paeng, wala siya kasama dahil tour guide nga ako.

"Oy, Liz! Bakit ka nandito? Akala ko ba kasama mo si Joaquin?", ani ni Rafael.

"Di ko nga mahanap kung nasaan siya! Hindi siya sumipot sa Workroom. Ilang minuto namin siya hinintay ni Mr. Montecalbo!", hinihingal ako sa pagod kaya di ko alam kung naintindihan ba ako ni Paeng.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAAHAHA!", tinawanan lang ako ni Paeng, yung tawa niyang parang singot ng isang biik na sobrang nakakainis pero nakakatuwa naman.

"At may gana ka pang tumawa uh? Nanloloko ka ba?"

"Sorry, cute mo kasi kapag naiinis ka na at napapagod, di ko na maintindihan kung ano sinasabi mo. HAHAHAHA!", sabi ni Paeng na tumatawa pa rin.

"Whatever, Ricardo Rafael! Oh sya, hanapin ko muna kung saang lungga nagtatago si Alforte.", dahil malilintikan ako kay Mr. Montecalbo pag di ko siya mahanap.

"O sige. Sabay tayo lunch ha? Dun na tayo magkita sa Peace Garden pag lunch break na.", sabi ni Paeng, Sa Peace Garden niya kasi ako tinututor dati, dun kame nagkakilala at naging close.

"Sige!", madalian kong sinabi dahil paalis na akong Library. 

Pababa na ako sa Xavier Building at dumaan ako sa hidden stairs para mas mabilis. Bigla ko na lang narinig na may nagsisigawan.

"Ilang apak ka pa lang dito sa teritoryo namin, eh umaasta ka na parang pagmamay-ari mo na tong lahat uh?!"

"Wag mahangin 'tol. Di bagay sayo, mukhang scared ka naman eh! HAHAHAHAHAHHAHA"

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan para naman makita ko kung sinong naninimula ng kaguluhang to. Pagbaba ko, nakita ko si Rex, ang siga ng school namin, isang taekwando varsity na inakala kong expelled na at mga kasamahan niya.

"Wala akong ginagawa, naglalakad lang ako pero bigla niyo akong cinorner. Ano ba talaga ang problema niyo sa akin? Wala ba kayong mga klase?", sabi ni Joaquin. Kumag na to, andito na lang pala! Saan-saan pa ako napadpad sa kakahanap. Pero ano ba yan, wala pa siya 1 week dito sa school eh nagsisimula na ng gulo. 

Susuntukin na sana ni Rex si Joaquin ng bigla na lang ako napasigaw.

"Rex, waaaaaaaag! Ang babaw lang ng rason na pinag-aawayan ninyo. Ang tanda-tanda niyo na! Mag isip-isip rin kayo!", sigaw ko. Lahat sila nagulat at tiningnan lang ako. Wala na akong paki dahil pawis at mukhang ewan na ako dahil sa pagod basta napatigil ko ang gulo nila.

"Joaquin, tara na!", hinila ko si Joaquin, palayo na sana sa grupo ng bigla niyang binitawan ang hawak ko.

"Teka, may gawin pa ako.", bigla niyang binitawan ang kamay ko at binigyan ng isang mabilisang suntok sa kanang pisngi si Rex, sa sobrang bilis ng pangyayari, di ko nakita ang reaksyon ni Rex. 

Hinila ni Joaquin ang kamay ko sabay sigaw ng, "TAKBOOOOOO!!"

Tumakbo kame palayo kina Rex. Sa sobrang kaba ko, di ko na napansin na hawak-hawak ni Joaquin ang kamay ko at maraming lalake at sa masamang palad, mga babae ang nakakita sa amin. Di ko na sila pinansin, ang akin lang, ay kailangan hindi kame mahaol ni Rex at ang barkada niya.

Pagod na ako sa kakatakbo kaya sabi ko, tumigil muna kame. Nakita ni Joaquin ang Janitor's Closet kaya dun kame nagpahinga. Di ko na napigilan galit ko kaya sumabog ako.

"Paki-explain sa akin kung bakit mo sinuntok si Rex? Okay na yun eh! Tinulungan na kita, makakaalis na sana tayo ng walang nasasaktan at walang gulo pero hinde eh, kinailangan mo pa talagang suntukin siya. Hello? Okay ka lang ba? Ikalawang araw mo pa lang dito, nagpapakamatay ka na!", sinigaw ko na para bang pinapagalitan ko ang isang batang nahuli kong nangungupit ng mga bagay. At ang masaklap, tumawa lang si Joaquin.

"HAHAHAHHAHAHA! Nakita mo itsura nila? Eh mga takutin pala yun eh! Isang suntok lang, di na yun papalag.", tawang-tawa siya habang sinasabi niya to. At mas lalo akong nainis sa kumag.

"Ewan ko kung anong magawa ko sayo! Kailangan natin umalis dito dahil pagagalitan tayo.", dahan-dahan kong binukas ang pinto ng closet nang makita ko ang dami palang tao sa labas dahil lunch break na. 

Maraming mga estudyante ang nakatitig sa amin. Bigla akong nanigas at natakot, di dahil kina Rex na hinahabol kame kundi dahil baka ano na iniisip ng mga estudyanteng nakita kame. 

AKO. JOAQUIN. KAMENG DALAWA. SA LOOB NG JANITOR'S CLOSET.

Lumabas na si Joaquin sa closet at di na ako nag-iisa. Lahat pa rin nakatitig sa akin. Di ko mahanap si Paeng kaya wala sinong makatulong sa akin ngayon. Nakita ko kina Nina at ang barkada, lahat nakatitig sa akin. Napapahiya na talaga ako. Nang bigla na lang dumating si Mr. Montecalbo.

"Ms. Samonte, Mr. Alforte, in my office. NOW!", sigaw ni Mr. Montecalbo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Nerd at ang SigaWhere stories live. Discover now