HB 1

209 12 7
  • Dedicated kay Lee Rae Sang
                                    

Ngayon, iiyakan kita. Bukas, basura ka na.


  Hindi naman magulo ang buhay ko. Gumulo lang ng dahil sa kanya. Masaya na rin ako noon. Pero mas sumaya ng dumating siya sa buhay ko. Maingay na rin ako noon. Pero mas umingay ang mundo ko ng siya rin ang dahilan. Puro tibok na lang kasi ng puso ko ang naririnig ko sa tuwing malapit siya sa akin. Suplada ako pero bumaet ng dahil sa kanya. Mahal ko ang mga kaibigan ko pero mas minahal ko siya. Noon, nasaktan na ako, pero sa kanya ko lang naranasan ang masaktan ng todo.


  Maraming nagbago simula ng pumasok siya sa mundo ko.


  Mr. Blue,

     Hindi ka naman kagwapuhan. Maliit pa ang mata mo na akala mo e, hindi na makakita. Ang itim mo pa. Tsaka, mukha kang dota. Ni hindi mo na nga nagagawa ang mga assignments mo dahil wala kang inisip kundi puro dota na lang. Ang yabang mo pa. In short, wala sayo ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Puro opposite. Pero ewan ko ba sa puso ko at sa iyo pa napiling ahhhmm, tumibok?? Ang bobo diba? Hindi ako, kundi ang puso ko. Dun pa siya nagpunta sa taong parang walang pakialam sa mundo. Puro na lang saya ang hanap.

     Pero ano pang magagawa ko? Siya na mismo namili. Hay lang. Sana at hindi sya nagkamali ng pinili. Pakita mo rin na tama ako sa iyo.

  Cassy


  OO. Wala sa kanya ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki pero, hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa kanya pa napili ni heart pumunta.

  

  Tama rin yung, "You'll find love when you least expect it." Hindi ko naman akalain na mahuhulog ako sa taong ni hindi ko alam kung nag-eexist ba sa mundong aking ginagalawan. Yung taong hindi ko napapansin, noon.


  Kontento na ako sa buhay ko noon dahil alam kong maraming nagmamahal sa akin. Nandyan si God na kahit sobrang pasaway ako, hindi nagsasawang mahalin ako. Nandyan ang mga magulang ko na kahit mahigpit pagdating sa paglalakwatsa ko at lagi na lang akong napapagalitan, alam ko na mahal nila ako. Nandyan ang mga kaibigan ko na kahit laging trip ako at lagi akong bugbog sarado dahil sa kakakotong at kakabatok sa akin e, alam ko na mahal din nila ang isang tulad kong dakilang pasaway sa buhay nila. Mga kaibigan ko nga ang mismong nagsabi na hindi makulay ang mundo nila kung walang "Cassandra Jaz" na dumating. Nandyan din ang mga kaaway ko- umaaway sa akin, alam ko din na mahal nila ako. Mahal nila ako in the way na, lagi nila akong isinasama sa mga prayers nila. Yung dasal na, "Sana mapuno ng pimples ang mukha niya". "Sana madapa siya sa harap ng crush niya." At higit sa lahat, yung dasal nila na, "Mabaet naman siya. Sana kunin na siya ni Lord.'' Ganyan ako kamahal ng mga kaaway ko. Kaya nga lalo ko silang minamahal at hindi inaaway. Ang baet e.


  Pero ng dumating si Sean Bryllie sa buhay ko, which i prefer to call Mr. Blue kasi naka color blue syang damit nung una ko syang makita. Nagkaroon ako ng blank space sa puso ko na I think siya lang ang makakapuno. Gusto ko na rin na mahalin niya ako. Pagmamahal na lang niya ang kulang para mabuo uli ang puso ko. Pagmamahal niya na kahit kailan, hindi ko naramdaman.


  Mr. Blue,

     Alam ko na kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Pero sana naman, kahit na malaman mo na mahal kita, wag kang lumayo. Wag mo akong layuan gaya ng dati na parang ilang ka. Yung tipong hindi pa tayo magkakilala. Kasi ngayon na lagi na tayong nag uusap at lagi na kitang katext, mahirap ng lumayo. Kahit na sinabi mo na hanggang kaibigan lang talaga tayo, mahirap.

     Hayaan mo, susubukan kong makuntento sa "kaibigan lang".

  Cassy


  Ngayon sinusubukan kong maging magkaibigan lang tayo. Pero mahirap pala. Kasi everytime na makikita kita kasama ang girlfriend mo, naiinggit ako. Tuwing tinitingnan ko kayo na masaya, di ko maiwasang isipin na sana ako na lang ang nasa pwesto niya. Na ako na lang ang nagpapangiti at nagpapasaya sa iyo. Na sana, ako na lang ang minahal mo.


  Pero, anong magagawa ko? Puso mo yan, hindi ko alam ang nilalaman.


  Heto ako at pinipili na lang na maging isang kaibigan na kahit minsan gusto ko na ring sumuko. Lumayo na lang kaya ako sayo? Mahirap kasing magpanggap na okay lang kahit na yung totoo ko namang nararamdaman ay kasalungat ng ipinapakita ko. Nagmumukha na nga akong tanga sa mga taong alam ang totoo, nagsisinungaling pa ako sa sarili ko.


  Mr. Blue,

     Hindi ko alam kung finally, nahanap ko na ang DAPAT kong gawin. Ewan ko, naguguluhan parin ako. Gusto kong maging kaibigan na lang pero, ang hirap. Mahirap pala talaga. Mahirap kasi lalo lang akong napapalapit sa iyo. Hindi ko talaga alam kung tama ang gagawin kong paglayo sa iyo.

     Hindi ko alam kung tama ito. Pero pipilitin ko.

  Cassy

My Mr. BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon