BH2

94 7 2
                                    

  3 years. Fourth year high school na kami. 3rd year anniversary na namin. Matagal na ano? Tatlong taon. Tatlong taon na ang pagbabakasakali ko na sana kahit minsan, kahit isang beses masuklian niya rin na pagmamahal niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang pagmamahal na tatlong taon ka ring hinintay, na kahit kailan, hindi niya naibigay.


  Tatlong taon na akong umaasa. Umaasa parin na kahit sinabi ko na sa sarili ko na maging magkaibigan o hanggang kaibigan lang talaga kami, hindi ko parin maiwasang umasa. Kahit matagal ko ng alam na, wala naman talaga.


  Mr. Blue,

     Hey there!  Hindi mo ba ako babatiin? 3rd year anniversary na natin. Kahit hi o hello, okay na, masaya na ako. Pero bakit mo nga ba ako babatiin, e hindi mo naman alam na nag-eexist iyang anniversary na iyan. Pasensya na ha. Pasensya na talaga, kasi umaasa pa rin ako.

     Tatlong taon na e. Tatlong taon na, sabi nga ng iba, pagpapakatanga. Masakit pakinggan. Masakit masabihan. Pero, mas masakit kapag naranasan.

     Matalino naman ako e, tanga lang talaga pagdating sa iyo. Yung katangahan na sa iyo ko lang, naranasan.

  Cassy


  Tatlong taon. Tatlong taon ng pagbibigay ko sa kanya ng pagmamahal na hindi niya man lang masuklian. Learning to love yourself is the greatest love of all. Simula ng marinig ko ang kanta na iyan ay saka ko lang nalaman ang sinasabi nila. Wala na ba akong itinira para sa sarili ko?


  Tatlong taon ang nasayang sa paghihintay ko sa kanya. Nonsense. Tatlong taong pagiging manhid. Ngayon ko lang naunawaan na lahat pala ng ginawa ko sa tatlong taon na iyon, nasayang lang. Napunta sa wala.


  This time, sigurado na ako. Sigurado na ako na kaya ko na, na hindi ka isipin. Kaya ko na, na hindi ka makita. Kaya ko na, na hindi ka mahalin. Kaya ko na. Kakayanin ko.


  Mr. Blue,

     Tapos na. Tinapos ko na. Tama na. Hindi ko na kaya.

     Maraming salamat. Salamat doon sa times na sumaya ako dahil sa iyo. Salamat sa mga maliliit na bagay  na ginagawa mo na nakakapagpangiti sa akin. Salamat sa time na naging kaibigan kita, kahit na mas pa doon ang gusto ko. Salamat kasi nandiyan ka.

     Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Dahil sa iyo, natuto ako. Natuto ako kung paano maghintay. You made an impatient person wait patiently. Natuto ako na mahanap ang totoong meaning ng LOVE.

     Salamat.

Ps. Hindi ka naman mawawala sa puso ko, napagod na nga lang tumibok para sa iyo.

  Cassy


  LOST TIME IS NEVER FOUND AGAIN.


  Hindi naman lahat ng bagay kailangan mong maranasan. Hindi rin lahat ng bagay maaari mong makuha. Natututo ang tao sa mga pagkakamali niya. Minsan din naman, sa sobrang dami na ng mga nagawa niyang akala niya ay tama, hindi na niya alam kung paano tapusin. Kung paano tapusin ang nasimulan niyang laban. Ang laban na minsan kahit saang anggulo tingnan, wala siyang kakayahang manalo.


  Hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo.

My Mr. BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon