Abot Langit (One Shot)

254 14 6
                                    

"Lumiwanag bagong araw

Dahan dahang natutunaw 

Ang aking damdamin

Ikaw na ngang para sakin"

Tuloy ang pagtugtog ko sa piano at pagkanta ng paborito kong kanta.

"Ayoko na munang umibig

Itutulak palayo ang sinuman 

Kalilimutan mag mahal

Dibaleng magisa ang puso'y ligtas naman

Kaytagal kong nagisa at ikaw ngay dumating"

"Ang galing mo tumugtog ng piano." Halos mapatalon na ako sa upuan at masira ko na ang piano dahil sa sobrang gulat ko dahil may nagsalita. "Anak ng! May dumating nga! Sino ba yun?" 

Dahan dahan akong tumingin sa likod ko para tingnan kung sino yung nagsalita at halos mapanganga ako dahil nandito sya... narinig nya akong tumugtog... at napakinggan nya pa ang mala-anghel kong boses. Syete! Otso! Nuwebe! 

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang namumula ako na sa tingin ko'y umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha ko. Kinakabahan ako dahil nakatingin siya sa akin.  Wahhh! 

"Uhm. Ahhh...." Syete. Ano gang nangyayari sa'yo Denise?! Nakakahiya ka. Sa harap ba naman ng crush mo? Bakeeeeet?! "A-Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko.

Hay sa wakas. May lumabas ring mga salita sa bibig ko. Grabe. Bahagya ko na 'yon mabigkas. 

"Nakalimutan ko kasi yung bow ng violin ko. Tapos ayun, may narinig akong tumutugtog ng piano dito sa music room. Tapos nakita kita." sabi nya habang nakangiti. "Ang galing mo pala ano." 

Woahhh. Yung feeling na pinupuri ka ni crush.... HEAVEN TEEEEH!!!!  ♥o♥ 

"Huh? Magaling? Sus. Nagkakamali mali pa nga ako ng pindot sa mga keys." sabi ko naman habang nilalabanan ko ang grabeng kilig. 

"Galing mo kaya! Turuan mo ako ha? Bukas!" 

"Ano?" Gulat na gulat kong tanong. Grabeeee. Tunay ba yung narinig ko? Nagpapaturo sya sa akin? Yieeeh! OXYGEN! OXYGEN! KAILANGAN KO NG OXYGEN! :"> 

"Sabi ko, turuan mo ako bukas ha? Sige. Una na ako! Babye!" sabi nya at kumaway sya with matching killer smile sa akin  para magpaalam.

"Ahh. Sige! Babye! Ingat!" kumaway na rin ako. At noong makalabas na sya ng music room, kulang na lang ay masira ko lahat ng instrumento doon dahil sa sobrang kilig ko.

Syete! Otso! Nuwebe! Anak ng alitaptap, TUNAY BA ITO?! Nakoooo. OXYGEN PLEASE!! Nginitian nya ako kanina! WAHHH! Alam kong OA ako, pero ganito talaga pag kinikilig ang isang babae, maaaring makapatay. Joke lang foe. Hahahaha. 

Kinuha ko na ang bag ko sa may sulok at umuwi na ng may mga ngiti sa aking mga labi. 

--

 Ito na yung araw na tuturuan ko sya magpiano. Yieeeeh! Kinikilig talaga ako! 

"Asan na ba yun? Kanina pa ako dito sa Music Room pero wala pa ni isang sign na paparating na sya. Sheeeesh."

Tumingin ako sa orasan at nakita kong lampas na sa oras ng tagpuan namin ngunit wala parin sya. Ba't kaya ang tagal nun? Baka busy. 

At dahil crush ko sya, I understand. Mehehehe. 

Lumapit na lang ako sa piano at nagsimulang tugtugin muli ang aking paboritong kanta. 

"Habang lumalalim akoy nahuhulog na

Ikay gustong laging kasama 

Dahil mananahimik na sana ewan ko ba 

Ng makilala kita abot langit ang saya"

Napatigil na lang ako bigla ng marinig ko ang tunog ng maraming violin. 

San kaya yun nanggagaling? 

Lumabas ako ng music room at sinundan ko ang musika. Nakarating ako sa gym, na katabi lamang ng music room. 

Sus. Paikot ikot pa ako kanina na wari mo'y parang luka tapos nasa tabi lang pala ng music room nanggagaling ang tunog na yun. 

At doon ko nakita na maraming decoration ang nakasabit sa mga pader, mga balloon na color red at pink na nakakalat sa sahig, mga petals ng roses na kasamang lumalangoy ng mga lobo sa sahig at mga members ng club na tumutugtog ng instruments na sabay sabay tinutugtog sa violin ang paborito kong kanta. 

BAKIT ANG KALAT?! 

De joke lang. Haha. 

ANONG OKASYON? 

At doon ko nakita...

doon ko SIYA nakita... 

Ang crush ko sa harap ko na may hawak na mga rosas. Binigay nya sa akin ang mga ito at...

...at kinanta niya ang paborito kong kanta. 

"Lahat ng kulang napuno

Binuhay mo ang natulog kong puso

Di akalain manunumbalik kung pano mag mahal

Kung pano masabik natuyo ang luha

Dahil na jan ka na."

"Denise, hindi mo man ako naturuan tumugtog ng piano, tinuruan mo naman ako kung paano magmahal." sabi nya. 

WOAHHHH, Tunay ba ito?!?! Or am I only dreaming? Kilegggggg! 

"Pshh. Hayaan mo't tuturuan rin kita balang araw kung paano tumugtog nun. HAHAHA" 

Niyakap nya ako ng mahigpit at niyakap ko rin sya pabalik. Sobrang sarap pala ng ganitong feeling. Na magkagusto sayo ang taong kaytagal tagal mo ng gustong makamtan. Masarap pala. 

Abot langit ang mga ngiti sa labi ko... abot langit rin ang sayang nadarama ko.  

--

Author's Note: Oii. Pagpasensyahan nyo na kung panget. Mehehe. :3 

Pero salamat kay Fiel Atienza Abrea/LittlePig_21 sa paggawa ng cover netooo. ♥ 

Abot Langit (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon