Kakababa ko pa lang ng eroplano ng may makita akong banner na may nakasulat na Ms.Heiress Blair Athena Elisha Lee agad naman akong lumapit doon at laking gulat ko ng makita si Tatay Son.
"Tatay Son!"
"Aba! Ay Blair ikaw na ga iyan? Lalo kang gumanda iha!" Nahalata ko agad sa boses nya ang saya pagkakita sa akin at nagsimula na kami maglakad palabas ng NAIA Terminal 1
"Si Nanay Len po?" Tanong ko sa kanya. Asawa nya si nanay len at ito ang pinakapaborito kong yaya dahil ito ang nag alaga sakin simula nung bata pa ako.
"Ah ang nanay len mo?wala- hindi na naituloy ni tatay ang sasabihin nya ng sumigaw ako.
"Po?Kelan pa po?Bakit po?Ano pong sakit nya?San po sya nakalibing?" Paiyak na tanong ko kay tatay at mas lalo akong nagtaka ng bigla itong humagalpak ng tawa.
"Hahahahahaha! Ay juskong bata ere! Ang ibig kong sabihin nasa probinsya sya pero mamaya uuwi na un" Ay!yun pala un!akala ko naman kung ano!Mabilis naman kaming nakadating sa mansyon dahil hindi pa masyadong traffic.
"Nanay Len!" Tawag pansin ko sa aking yaya.
"Blair!kamusta ka na?Lalo kang gumanda iha!"
"Okay lang naman ako nay!kayo po?akala ko po mamaya pa kayo dadating?"
"Ayos lang naman ako..Talagang inagahan ko ang aking pag uwe para salubungin ka!alam mo namang miss na miss kita eh!" Halata sa boses nya ang sinseredad.
"Si nanay talaga oh!Akyat po muna ako!" Medyo pagod na sabi ko sa kanya
"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong nya sakin.
"Jetlag lang po" ngumiti ako sa kanya para hindi na sya mag alala..Pag kaakyat na pag kaakyat ko pa lang nakatulog na ako.
***Blake***
Kring!kring!kring!"What?!" Ke aga aga ng bubwisit.
(Hey!Relax Bro!) Aissh!Si lance lang pala!he's one of my gangmate
"What do you want?" May pagkairita na tanong ko
(Padi's Point, 9:00 p.m. don't be late) pinatay ko na agad ung tawag nya.
***
2:00 p.m.
Andito ako ngayon sa mall para maglibang libang masyado kasing boring sa mansion."Blair is that you?" Tanong ng tinig na nasa likod ko at kilalang kilala ko ang tinig na to.
"Lia!" Pabalik na sigaw ko sa kanya
"It's really you!I miss you Bruha!kelan ka dumating dito?" Aurelia Azalea Clemente bestfriend ko sya since kinder.
"Kanina lang umaga, kamusta ka na?"
"As usual! Maganda pa din!"
"Hahahaha!would you mind to have a coffee with me?" Pag aaya ko sa kanya
"Gusto ko sana kaso I really have to go."
"Sige!Okay lang" nginitian ko sya ng napakatamis
"By the way Padi's Point, 9:00 p.m. don't be late!" Paalala nya sakin lagi kasi akong late sa mga galaan na ganyan.
"Okay! I promise i won't be late"
BINABASA MO ANG
Just Had A Mistake With Ms.Gangster
General FictionI- it's just a mistake - Blair Athena