a/n: its been a year guyth! haha pasensya na kung ngayon lang ulit nakapag ud . Sana may nagbabasa pa rin nito kahit papano. Haha. Well, naging super busy ako sa school pub namin at studies so di ako makapagsulat.
Pero eto na . Okay start na tayo? Enjoy reading.Chapter 16
Ang sakit... para akong tinutusok... ngayon na ang huling araw ko dito sa winston academy tapos eto pa ang makikita ko... silang dalawa, magkasama... hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito..
"Mahal mo talaga sya?" Pinahid ko ang luha ko sa mga mata ko na nakatutok lang kay alesena at cedric na masayang nagkekwentuhan sa garden.. umiling ako sa sinabi ni van.
"Ewan..siguro.. maging ako di ko maamin sa sarili ko eh.. basta ang alam ko.. gusto kong lagi syang makita, makasama"
"Bakit ba sya Alex? Nandito lang naman ako ah?" Tiningnan ko sya na may halong pagkabigla sa sinabi nya.
"Huh?"
"Malabo pa ba Alex? Mahal kita... kahit ano kaya kong gawin para sayo. Gawin mo kong panakip butas, okay lang sa akin."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo van. Nakikita mo lang sa akin si Sena kaya ka nagkakaganyan!"
Tinalikuran ko sya pero hinila nya ako at niyakap.
"Alex, please give me a chance to prove to you that I really love you."
"Van, we're too young to decide for our feelings. Ikaw ang bahala sa nararamdaman mo, kargo ko rin ang nararamdaman ko. Atsaka.."
"Si cedric na naman?!"
"..aalis na ako. Hindi na ako mag aaral dito sa academy. Ngayong araw na ang alis ko."
"Tell me, that you're just joking. Right?"
"Im not." WAlang emosyong lumakad ako palayo. Hindi ako sigurado pero yung mga mata nya.. yung magtama ang mga mata namin. Kinabahan ako. kaparehas yung nung matang nakita ko.
****
Lumakad ako papunta sa Belliza Dormitory at nagulat ako ng makita sa loob ng room ko si Blake,Seb at Cass.
"Anong ginagawa nyo rito?" -_-
"Wengya ka Alex! Kailan mo balak sabihin sa amin na aalis ka na? Kung di pa pumunta dito ang butler mo!" Pagngangawa ni Cass.
"Pumunta dito si butler?" Tumango sya.
"Eh nasaan na?"
"Babalikan ka daw nya mamayang gabi, kaya pumunta ako sa boys dormitory at sinabi kay blake at seb na magpunta dito para makapagbonding tayo bago ka man lang umalis." Okay-_- so that explains the foods and drinks na nasa table ko.
"Cass, pwede bang lumabas ka muna?" Sabi ni seb
"Ha? Ba--o okay" pft. DI sya makapalag kay seb
Tumayo agad si cass sa pagkakaupo sa kama ko at lumabas.
Sinarado naman ni blake ang pinto.
"Anong issue nyo?"
"nagkita tayo ulit alex." Saad ni seb. Binitukahan naman ni blake si seb. Nagtingingan lang sila ng masama.
"Wala yan alex. Di lang to nakakain si seb." Lumabas sila and i dont know' may hindi ba ko nalalaman? Tch.
Nagparty na nga at naisipan nilang tatlo na manggulo sa ibang rooms kasi raw kj ako maglaro ng uno cards. Gabi na rin kase. kailangan ko pang mag impake.
I was about to pack my things when somebody calls.
"Oh? Sino kang alagad ni poncio pilato?" WIthout even looking sa name nya sa screen ng phone ko. So ruuude i know.
"alex." My heartbeat skips for a second.
"C-cedric?"
"Let's talk. Pumunta ka sa garden."
"Who are you to--"
"I'm waiting."aba letsugas na judas yun. Pupunta ba ako o pupunta? Letche! Tumayo ako at lumabas ng dorm. Di ko alam but my stupid feet wants to go pero my fckin mind says dont go. Aish! And here I am... finding cedric. I roam around and there he is playing with my.
O_o
"Yah! That's my thing! Give it back to me!" Wengya. Smiling from ear to ear ang peg nya. Ang galing nya rin talagang magpafall eh. Considering na mukha ko ang mga type nya pero kay sena sya nainlo-- i d c.
"Here." Agad ko itong hinila at naglakad na pero..
"i'm warning you.. lumayo ka na kay van."
"And why should I? Diba dapat ikaw ang lumalayo sa akin?" Sabi ko ng di lumilingon sa kanya.
"I still dont have the proof yet. But .. sya yung nagkulong sayo nung party ng mga one of the boys."
"i dont believe you. You're a pscyho"
"HIndi kita ipapahamak alex, alam mo yan." Liningon ko si cedric pero nakalayo na sya'
I know. Parehas tayo ng nararamdan. Dahil sa mga mata nya' pero di ko pa sigurado kaya i'll just leave it there.
"Younglady, tara na po?" liningon ko si butler yagami na dala na ang mga gamit ko.
Tch' sya na pala ang nagpack. -_-Sumakay na ako sa van namin and for the last time sinulyapan ko ang school ko.
BINABASA MO ANG
One Of The Boys (on going)
Teen FictionAlexandria miyumi valeza,isang typical highschool student ay papasok sa isang boys academy at magiging isa sya sa one of the boys student o tawag sa mga babaeng nag aaral dito na kung saan..makikilala nya ang apat na lalaki na magpapabago ng takbo n...