~Unang Landian~

103 3 3
                                    

"Okay class dismiss." 

Ayuun. Uwian na. Haha. Wednesday kasi ngayon at half-day lang kami. Wohoo. Gala na naman 'to. :D

"Oy, Shei! San tayo?" ^_^ 

Oops. Oo nga pala di pa ako nakakapagpakilala. Ehem! Ako nga pala ang pinakamagandang malandi dito. Joke! Kidding aside, I'm Sheila Marie Landy. Odiba, pati pangalan ko malandi. Hahaha. Okay, tama na. Masyado na kong masaya. xD

Anyway, yung babaeng atat ng gumala eh si Aria Abelarde. Twinnie ang tawagan namin nyan kasi magkamukha daw kami. Totoo ba? Haha.

(A/N: See picture at the side.  ^_^v)

Ay bongga! Magkamukha nga kami. Haha. XD

"Sheila baby!"

"Sheila!"

"Shiela Marie!"

-_- Anebey! Kelangan talaga iba-iba sila ng pagtawag sakin? Pwede namang Landy, di ba? Haha. Okay! Yung tatlong babae na yan ay mga kaibigan ko din, mga malalandi din. Wahaha.

Sila ay sina Loureign Tolentino, Princess Bayaua at Alex Lastimosa. 1st year college na kami. Course? BSPharmacy. Taray, di ba? Haha. Kahit naman ganito kami, nag-aaral padin. =D

"Yess? Oh, tara na? As usual? ;)"

Ayun nga, gumora na kami palabas ng school.

"Ay wait puntahan ko lang si Keith." Sabi ni Loureign.

"Samahan ka na namin." sabi naman ni Aria. Aysuus kasama lang ni Keith yung bofriend niya e. :P

Sa aming lima, sila Loureign, Aria, Princess ay may mga boyfriend na. Kaya kaming dalawa ni Alex ay medyo napagiiwanan. :3

"Aynako. Tara na kitdi. Samahan na lang natin 'tong si Loureign para mabilis" Hirit naman ni Alex. Gutom lang 'to e. :P

"Osha. Leggo." Nauna na kong naglakad.

"Shei! Alam mo ba kung saan?" Tanong ni Princess

"Hindi. San ba banda? Antagal niyo e." Sagot ko. Napapafacepalm nalang sila at inunahan akong maglakad. Sumunod nalang ako.

Nakarating na kami sa may parking lot. Mayaman kasi si Keith kaya may sasakyan. At yun na nga, nakita namin ang kumpulan ng mga lalake dun. Sigurado akong grupo na nila Keith yun.

"Keith may pupuntahan lang kami ah." Pagpapaalam ni Loureign sa boyfriend niya.

"Ah. Osige hatid ko na kayo." Pag-aalok ni Keith.

"Ay, wag na Keith. Okay na kami. Magcocommute nalang." Pagtanggi ko naman.

"Sige sige, ingat kayo." Sagot nalang ni Keith dahil wala na siyang magagawa. Hehe. :D

Napansin ko naman na nawala sa tabi ko si Aria. Hinanap ko siya at nakita kong kasama niya ang boyfriend niya, si Jonas. Napangiti nalang ako. Ang sweet talaga nila. 

Bigla ko namang naramdaman na may nakatingin sakin sa may left side ko. Agad kong nilingon kung sino yun at ang nakita ko ay isa mga kabarkada ni Keith. Medyo mataba, singkit din at maputi.

"Uy, Jonas. Sino yun?" Sanay turo dun sa lalaking yun na nakatingin.

"Ah, si Deki. Bakit?" Pag-uusyoso ni Jonas. 

"Oh. Wala naman. Kung makatingin kasi eh." walang gana kong sabi. Di ko nama kasi type. Kahit naman malandi ako,pinipili ko rin naman kung sino lalandiin ko. Huehue. xD

At dahil mukhang napasarap na naman ang usapan nung dalawang lovebirds, umupo nalang muna ako sa may gilid sa may damuhan. Nakalimutan na ata nila na may pupuntahan kami. Hinanap ko din sila Alex at Princess, at ayun nagchichikahan ang dalawa. Ayoko naman makisabat sa kanila kaya nanatili nalang akong nakaupo.

"Hayy. Ang boring naman." Pagmumukmok ko sa isang sulok.

Tsaka ko lang napansin yung lalake malapit sakin. Bakit kaya di siya nakikisama sa iba? Naka earphones siya na obviously nakikinig ng music. Nakasandal siya sa may dingding ng building, malapit sa amin. Malilim naman kaya maganda tumambay dito. Nakapikit siya. Baka natutulog?

Tinitigan ko siyang mabuti. Ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha, ang haba ng pilik mata at di gaanong kaputian pero makinis talaga siya.

Dahil sa masyado ko siya inoobserbahan, di ko napansin na gising na pala siya. Tsaka ko lang narealize nung nagkatitigan kami. Umiwas nalang ako ng tingin at agad tumayo. Mukhang tapos naman na atang mag-usap yung dalawang lovebirds.

"Girls, tara na. :) " sabi ko at naglakad na. Narinig ko naman na nagpaalam na sila at naramdaman ko ng sumusunod na sila. Tumabi sakin si Princess.

"Uy shei! Ano yun ha?" nangingiting sabi niya.

"Anong ano yun?" Nalilitong tanong ko.

"Yung kanina. Akala mo di ko nakita ah. Yung pagtitig mo dun sa wafung barkada nila Jonas." sabi niya habang kinikilig.

"Ay, yun? Oh bakit yun?" sabi ko ng hindi namamalayan na nangingiti na pala ako.

"Type mo noh? Yiiieee. Hahaha!" Pang-aasar niya sakin.

"Well, yeah. I like him. And you know na kung anong mangyayari. =) " sagot ko sa kanya habang nakangiti ng makahulugan sa kanya.

"Opkors! Haha. The operation, right? :D"

"Bingo. ;) "

"Oy! Shei! Princess! Bilisan niyo!" Sigaw ni Alex. Nahuhuli na pala kami kaya agad kaming tumakbo papunta sa kanila.

Hmm. Ano kayang pangalan niya?

~

Operation Landiii: Make Him Fall For Me (Onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon