Tila hindi ko na naiintindihan ang aking sarili.
Nababaliw na ba ako? Bakit hindi ako mapagalaw sa aking tinatayuan?
Bakit hindi parin mawari ng lubos sa aking isipan ang aking narinig?Mahal? Totoo ba ang aking naririnig? Hindi mo naman iyon isinadya diba?
Mahal mo naman ako diba?Hindi ko lubos maisip na ganito pala kasakit iyon, ang marinig na hindi ka na pala minamahal ng iyong mahal.
Ngayon lang pumasok sa isip ko na unti unti ka na palang lumalayo sa akin.
Ngayon ko lang napagtanto kung bakit wala ka ng gana'ng makipag usap sa akin. Hindi ka na gaanong tumatawag, hindi ka na nangungumusta, hindi ka na nagpapadala ng mga mensahe. Iyong pala, hindi mo na ako mahal.
"Bakit?"
Maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan ngunit isang munting salita lamang ang aking nasambit..
Limang letra at isang salita lamang
Pakiwariy hindi nagsisigaw ang aking isipan."Hindi ko na maibabalik, patawad, paalam"
Ngayon, alam ko na kung ano ang salitang sakit.
Mahal ko, sana mabasa mo ito. Wag mo akong iwan.
BINABASA MO ANG
Huling Halik (Elehiya)
Short Story~Iniwan mo akong nagdurusa, ngunit Iniwanan mo rin ako ng isang halik, ito'y hindi mawawala.~ Tulang Elehiya ay nasa pinakadulong bahagi ng kwento.