Chapter 14

2.6K 57 18
                                    

Chapter 14


"You killed my husband?" sigaw ni Rachel. Husband? Asawa niya si Anton? Somehow, I felt betrayed. Not because I loved him more than a friend but because he was untrue even if I treated him as a friend.

"Why did you look disappointed, Andy? Is it because your beloved Robert is actually married? You slept together didn't you?" Amelia taunted. Napakunot ang noo ko. Una dahil andyan ang anak ko at kung makapagsalita sila ng mga ganyan ay tila nakakalimutan na nila.

Pangalawa, I never slept with Anton. I admit, nagpapalipad hangin si Anton pero hindi ko pinatulan. Simply because deep inside me, I thought Jake would be the only guy I want. But that's what I thought.

"That's not true. He was my friend. Don't make things complicated, Amelia. This war is between you. Leave me and my daughter out of this." Sigaw ko.

"I'll give you your daughter," ani Rachel. "If you kill her father." Saka ito tumawa na para bang nasisiraan ng bait.

Bigla akong natigilan ng may pumutok na baril. "No!" Sigaw ni Amelia at binaril si Rachel. Natumba si Rachel habang hawak hawak ang dibdib. Umubo ito ng dugo bago tuluyang nawalan ng buhay. Agad namang tumakbo si Cassy papunta sa amin.

"Mommy! Mommy!" Iyak na iyak si Cassy kaya't naluluha na rin ako. She doesn't deserve this life. If I survive this fight, ilalayo ko siya. Malayong malayo para hindi na kami masundan ng kahit sino. I'll change our names upang di matrace.

Agad kaming hinila ni Jake at kinarga niya si Cassy. Magpupumiglas pa sana si Cassy nang magsalita ako, "Stop Cassy. That's daddy." Napatingin rin si Jake sa akin. Namamasa ang kanyang mata at alam kong kahit hindi niya sabihin, natutuwa siyang ipinakilala ko siya sa anak namin.

Tumigil naman si Cassy pero stiff pa rin. After all, nasanay na siyang kami lang dalawa.

"Where do you think you're going, Andy?" Napaigik ako ng may tumama sa braso ko.

"Mommy!" Umiiyak na sigaw ni Cassy.

"Go, Jake! Go! Lumayo na kayo rito. Susunod ako! Alis na!" Sigaw ko.

"Hindi kita pwedeng iwan, Andy!" Sigaw ni Jake pabalik.

Nakita kong papalapit na si Franco kaya't itinulak ko na si Jake. "Alis na Jake!"

Nagulat ako ng hilahin niya rin ako kaya't tumatakbo na kami paalis. Lumiko kami at nakita ang exit. Agad kaming naghanap ng kotse pero may nagpaulan ng bala sa likod namin kaya't dali dali kaming humanap ng mapagsisilungan.

"Shh, baby girl." Pagpapatahan ni Jake kay Cassy. Bigla namang yumakap ang anak ko sa kanya.

"D-daddy?"

Nanigas kami pareho ni Jake. Si Anton ang tinatawag na daddy noon ni Cassy. May kung ano sa dibdib ko nang tawagin niya rin daddy si Jake. Natawa si Jake at may luhang tumulo sa mga mata niya. I didn't expect it. Hindi ko inakalang iiyak si Jake sa simpleng pagtawag ng daddy sa kanya ni Cassy.

"Yes baby, I'm daddy." Saka niya hinalikan ng paulit ulit si Cassy. Habang nakatingin sa kanila, I've decided. Tatapusin ko na ang lahat ngayon. They deserve to be with each other. Cassy needs a father and Jake needs love.

Isang putok ng baril ang pumutol sa moment ng mag-ama. I breathed out. Saglit kong nilibot ang paningin ko at nakita ang isang kotseng bukas. Sakto. Hinarap ko sila, "We'll go to that car. Ihahatid ko lang kayo at magpapaiwan ako. Pumunta kayo sa bahay namin nina Ales. Hahabol ako," huminga ako ng malalim, "If I'm not back after an hour, continue without me. Change your names and your looks. Now, let's go." Hindi ko na hinayaang makaangal pa si Jake at hinila ko na siya.

Buwis buhay ang pagtakbo naming ito dahil may nagliliparang bala sa paligid namin. Naririnig ko ang iyak ni Cassy at naaawa ako sa anak ko. Hindi niya dapat nararanasan ang ganito. This would be traumatic for her. Pagkarating sa kotse ay napansin ko agad na basag na ang bintana nito sa shotgun seat.

Iniupo ko doon si Cassy. Nakarinig ako ng putok ng baril at naramdaman agad iyon sa may binti ko. "Fuck!" Bulong ko.

"Andy!"
"Mommy!"

"Go!" Sigaw ko at nakipagpalitan ng bala. Hindi ko makita si Franco kaya alam kong nasa paligid lang siya.

Lumabas si Jake na siya namang ikinabwisit ko. "What the fuck?! Go inside!"

Bumaril siya ng bumaril at hindi ako pinansin. Nang patay na ang apat na humabol sa amin ay hinarap niya ako. "Come with us."

"I can't. I have to finish this."

Hindi siya sumagot dahil alam niyang totoo yung sinabi ko. Bumuntong hininga siya at hinila ako. Napapikit ako ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. It's been a while and I can't believe I tasted his soft lips again. Humiwalay kami at nagtitigan sa mata ng isa't isa. "I love you. Please live, Andy. For us. I love you and I'm a fool for using you." Saka siya sumakay sa sasakyan at nagdrive.

"How sweet." Ani Franco. Nilingon ko siya at dalawang metro lang ang distansya niya. Sinubukan ko siyang paputukan pero wala na pala akong bala. Fuck! Bakit ngayon pa!

"He loves you. And I think that's the best ending isn't it?" Ngumisi siya ng malademonyo at naglabas ng isang touch screen na phone.

"Ang lugar na ito ay puno ng bomba. Ikinabit iyon ng UGS upang kung maambush man ay mawala ang proof burrying everything." Ipinakita niya ang cellphone. "And this device is not a simple phone. This is the key to unlock the bombs."

Bigla akong kinabahan. Napatingin ako sa sasakyan nila Jake. Hindi pa ito nakakalabas ng compound. Please. Please. Please.

"Jake might be the best fighter Hunter has ever had. But he's soft and weak with his daughter around. And besides," lumapit siya at may pinindot sa device. "He's not God."

Masyadong mabilis ang pangyayari pero nakita ng dalawang mata ko kung paano sumabog ang pwesto nila Jake. Lumipad ang kotse pero nag-aapoy na rin.

"No!"

"I love you mommy!"

"To the park please, please, please?"

"Mommy!"

"Congrats, Andy."

"Do you even know who's the real enemy?"

"What did you say? Our child? Is she my daughter? Tell me!"

"Come with us."

"I love you. Please live, Andy. For us. I love you and I'm a fool for using you."

"No! Jake! Cassy! No!"

-----------------------------------

Last chapter na po ang susunod. No epilogue dahil may season three pa po. Oh my gulay. Ang sakit ng dibdib ko. Huhu. Eto talaga ang rason bakit ayoko pa mag-update. Kasi parang hindi ko sila kaya patayin. Pero kailangan kasi.

Maiksi lang siya kumpara sa season one at pero sadya po yun. Kasi magiging boring siya kung sakaling pahahabain ko.

Super violent reactions?

Andromeda 2: Her Retribution ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon