"manong, pakilagay nalang po sa loob yung mga gamit mo namin, tas pakiingatan po baka may mabasag" si mama habang inaalalayan yung mga trabahador sa kung ano ang gagawin...
nakatingala ako ngayon sa malaking bahay na nasa harapan ko.. well malaki naman talaga yung bahay namin noon pero mas malaki talaga itong bahay na nasa harapan ko ngayon.
wala akong masyadong tulog nung gabi na sinabi ni mama na magmimigrate kami, hindi mawala sa utak ko ang posibleng madatnan ko o makita ko pagdating ko dito.. Andito kaya SIYA?
*lingon *lingon
eh ano naman ngayon?! as if naman na makilala niya ako, 11 years na ang lumipas simula ng lumipat sila dito sa maynila, pero hindi ko maiwasang isipin... KOMUSTA NA KAYA SIYA? OKAY BA SIYA? ANONG HITSURA NIYA? ISIP BATA PARIN BA SIYA? at higit sa lahat ... NAAALALA NIYA PA KAYA AKO?
*hayyy
napabuntong hininga nalang ako sa raming tanong ngayon sa utak ko, mga tanong na alam ko kung magkikita kami doon ko lang masasagot,
inayos ko na ang maletang hawak ko at lumakad na papasok, well kung ano mang mangyari bahala na... basta eh eenjoy ko nalang tung bago naming bahay.. and might as well iinjoy ko nalang ang araw nato :)
BINABASA MO ANG
Against all Odds
Teen FictionThis story tells us how love can be so painful, struggles than may cost you tears and sudden events than makes your heart break </3