Days passed by. Otw na ko sa meeting place namin para sa class reunion. I can't wait to see all of them again. Sana maging masaya ang 2 days reunion na to."Ahm. Hi guys. Sorry I'm late." nahihiya kong sabi. Well, late na late talaga ko. Lahat ata sila andito na.
"No worries Sammy. Ok lang. Highschool palang tayo lagi ka ng late sa mga meeting. Hindi ka parin nagbabago," sabi ng dati naming class president.
"So, let's go?" I said dahil parang wala pa silang balak umalis.
"Wala pa si Sam e. Bakit ba hindi kayo sabay? magkaaway kayo no?" tanong ng isa ko pang classmate dati. So hindi pa talaga nila alam? Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila kaso bago pa ko makapag salita ay dumating na ang taong hinihintay namin.
"Sorry tinanghali ako ng gising. Ako nalang ba hinihintay? Tara na!" sabi ng lalaking sumisira ng puso ko.
(At Balesin Island)
"Since 24 lang naman tayo at 12 rooms naman ang available, by pair nalang. Gumawa ako ng bunutan para kung sino ang magiging mag kasama sa bawat room." I don't like the idea nung bunutan but I have no choice. Class President namin yan dati at mataas ang respeto ko dyan. At kung minamalas ka nga naman, ang lalaking yun pa ang nabunot ko. Sana iba ang nabunot nya pero sadyang pinaglalaruan talaga kami ng tadhana dahil ako rin ang nabunot nya.
"Hey! Ang unfair naman. Lalaki kasama ko sa kwarto? Ulitan tayo dali!" sabi ko.
"Hahaha. Boyfriend mo naman kasama mo. May tiwala naman kayo sa isa't-isa e."
Wala nanaman akong magawa kasi hindi naman nila alam na break na kami. Lahat sila nagpunta na muna sa kanya kanya nilang kwarto. Ilabas mo nalang ang acting skills mo Samantha! 1 night mo lang naman makakasama sa iisang kwarto yang dakila mong ex e. Tiisin mo nalang.
Pumunta na kami sa kwarto namin. Well this is really awkward. Nabalot ng katahimikan ang kwarto. Nag aayos ako ng mga gamit ko. Sya naman nakahiga lang. Walang may gustong magsalita samin. Binilisan ko nalang ang pag aayos para makalabas na ko. Nung natapos na ko, napansin kong nakatulog na pala sya. He really looks innocent. Sana lagi nalang syang tulog.
"Sam!" tawag ko sa kanya pero mukhang mahimbing na ang tulog ng loko. Umupo ako sa tabi nya. Tatlong buwan ko rin syang hindi nalapitan ng ganitong kalapit. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Ang mga nakapikit nyang mata. Ang matangos nyang ilong. Ang labi nyang mapula. I couldn't help myself na hindi maiyak. Miss na miss ko na sya.
"Kahit gago ka, mahal parin kita. Bakit mo ba ko pinapahirapan ng ganito? Miss na miss na kita Captain. Miss ko na ang mga yakap mo. Miss ko na ang boses mo. Miss ko na ang kakulitan mo. Miss ko na ang mga halik mo. Miss ko na ang pagmamahal mo. Gustong gusto kitang kalimutan. Galit ako sayo pero bakit mahal parin kita?" iyak na ko ng iyak dito. Para kong tanga but I really couldn't help it. Niyakap ko sya habang umiiyak at sinabing
"This is the last time na iiyakan kita ng ganito. Salamat sa pagmamahal mo sakin sa loob ng limang taon. I really need to move on." and then I left.
I hate him but I still love him.
Samantha, wake up! Sinaktan ka ng lalaking yan. Niloko ka nya at iniwan. Tama na! Maawa ka naman sa sarili mo. You deserve someone and that's not him. Tanggapin mo nalang na wala ng kayo. You need to move on. Para sa sarili mo. Do it for yourself Samantha! Minahal mo sya ng limang taon and that's enough. It's time to erase him in your life.
BINABASA MO ANG
Stay
RomanceNo matter how hard, please STAY. No matter how painful it was, please STAY. No matter how complicated and tragic it was, please STAY You are always on my mind and Forever in my heart. All I wanted right now for you is to STAY. can you do that for me?