PROLOGUE

11 0 0
                                    

"Akala mo minahal kita? Akala mo magugustuhan kita? Hah! Asa ka pa! Akala mo lang yan. Kung akala mo magugustuhan ko ang isang tulad mo, nagkakamali ka. Hindi kailanman."
Nakatawa pa siya habang sinasabi ang mga salitang iyan.

"Eh anong ibig sabihin nung mga messages mo sakin? Yung mga oras na pinaparamdam mong may gusto ka rin sakin?"
Halos maiyak na 'ko habang kinakausap siya. Siya naman, nakangisi pa rin. Gago talaga. Ang sarap iuntog.

"Ahh. Iyon ba? Sineryoso mo yun? Hahaha. Nakakatawa ka talaga! Alam mo, bored kasi ako noong mga oras na yon. Kaya napagtripan kita."

Hindi ko na mapigilan. Naiinis na ako ng sobra. Sobrang sakit sa akin ng mga salitang binibitawan niya. Nagsisimula na ring pumatak ang mga luha galing sa mata ko. All this time pinagtritripan niya lang pala ako?

Nang magsisimula na sana siyang magsalita ulit, tinadyakan ko siya. Hindi ko na kakayaning marinig pa ang mga sasabihin niya. Sobra na akong nasasaktan.
Napaluhod siya sa ginawa kong pagtadyak sa kanya. Palibhasa napakapayat niya. Hah! Buti nga sa kanya. Palibhasa ang payat-payat niya!

Tiningnan niya ako. Bakas ang galit sa mukha niya. Pero wala nang mas hihigit pa sa galit na nararamdaman ko. Isa siyang napakalaking PA-FALL at PAASA.

Bago pa siya makatayo ay sinipa ko siya dahilan para mapaupo siya sa sahig.

"Aray! Ano ba?! Sobra ka na!"

"Ayyy. Sorry. Nabobored kasi ako kaya pinagtritripan kita."
Sabay sipa ko pa sa kanya ng isang beses. Buti nga sayo. Nararapat lang yan sa tulad mong walang kwenta.

Ganito pala talaga. Hindi lahat ng inaasahan mong mangyayari, nangyayari. Tama nga siya. Akala ko lang. Akala ko magkakaroon ako ng pag-asa sa kanya. Dahil yun ang pinaramdam niya. Pero hindi pala. Pinaglaruan niya lang ako.

Akala Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon