WOE: 006

1.3K 92 64
                                    

Chapter 006: Three Face Golem

November 10, 20--
Furth Venge Mall
8:14 A.M.

Nasa tapat na ng Mall si Shan na medyo hinihingal pa dahil sa pagmamadali. Isang oras na mahigit ang nakalipas nang nagsimula ang event sa loob ng Mall.

"Kainis! Late na ako! Shit!" dali-daling pumasok ng entrance ng Mall ang binata. Napahinto lang siya ng icheck ng guard ang dala niyang bag.

"Bilis!" sabi niya sa kanyang isipan.

Matapos icheck ay patakbong tinungo ni Shan ang Event Center kung saan ginaganap ang nasabing event patungkol sa WOE. Wala pa sa entrance ang binata ay napaka dami ng tao ang nakakasalubong niya lalo na ng marating ng binata ang Event Center.

"Wow!" ang unang lumabas sa bibig ni Shan.

Madaming tao, ibat ibang booths, may mga nagcocosplays, food stalls at game stalls na nagbebenta ng mga shirts, ballers, keychains at iba pa. Pero ang pinaka nakakuha ng atensyon niya ang stage sa pinaka dulo kung saan may nakatayong lalaki habang hawak ang micropono at nagsasalita.

"Ehem ehem, ayon dito sa schedule ay susunod na ang 'Lucky Draw' kung saan bubunot ang ating mga sponsors ng mananalo ng 'In Game Item' na may lakas na umaabot sa kategorya na Epic bukod duon ay may kasama pang accesories na rings ang ibibigay sa maswerteng mabubunot." dinig ni Shan ang sinabi ng lalaki sa gitna, sigurado siyang ito ang host ng event at sinabi nito ang tungkol sa Epic Items na maaring makuha. Ngayon ay nagsisisi siya dahil hindi siya agad naglog-out kagabi matapos talunin ang Three Face Golem.

•••

Flashback

Smiling Tree
Dungeon: Smiling Cave
Dungeon Difficulty: Normal
Type: Dungeon Helper

>>> Do you wish to enter this Dungeon?

[O] Accept
[X] Decline

Pinindot ng binata ang [O] upang iaccept ang pagpasok sa Smiling Dungeon. Sa ikalawang pagkakataon ay muling pinasok ng binata ang Smiling Cave.

Mabilis lang niyang tinalo ang mga mobs sa daan dahil level gap na sa kanya ang mga ito. Hanggang sa marating niya ang dulo ng Smiling Cave at muling nagpakita sa kanya ang Golem.

Three Face Golem
Level: 20
Category: Dungeon Boss
Type: Golem
HP: 500/500
MP: 250/250
Skills:
Rock Throw
Hard Body (Passive)
Flame Burst (Angry Face)
Baby Cry (Sad Face)
Rollout (Happy Face)
Magnitude

Ang Three Face Golem ay malaking bato na may tatlong maskara na may ibat ibang emosyon. Masaya, malungkot at galit. May taas itong 6ft na may kulay puti at batik batik na balat.

"Ngayon ikaw na ang papatayin ko!" bulong niya ng lumitaw ang Golem mula sa lupa.

"'A challenger huh? You wanna fight me? C'mon weakling!"'

Binati agad siya ng Boss kasabay ng pagbato nito ng Rock Throw.

"Alam kong gagawin mo yan! At hindi na uubra sakin yan." nakangiting saad ni Deadshot matapos ilagan ang tipak ng bato na ipinukol sa kanya ng Golem.

"'A tough one huh?"'

Muling sabi ng Golem at pumorma na ito ng pabilog para gamitin ang skill nitong Rollout.

Madali lang niyang iniwasan ang Rollout nito at tumama sa pader ng kweba ang Golem. Bumalik na sa dating anyo ang Boss at bukas ang dipensa nito. Pinag-aralan na ng binata ang galaw at inestima niya na din ang cooldown ng skill nito. Kasalukuyan na siyang pabagsak sa muka ng Golem, cooldown pa ang Rock Throw nito kaya hindi na niya pinalampas ang pagkakataon. Hiniwa niya ng buong pwersa ang mukha ng Golem.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

World of Extalia [Philippine Server]Where stories live. Discover now