CHAPTER 33 A MONTH LIVING IN HELL

1.3K 34 0
                                    


Yasss, edited na po ang Chapter 1 to Chapter 32. Feel free to comment. Thank you.


Dedicated po kay @karylann_15. Loka. "comment on this part" :D tapos "haha"? Sa totoo lang natawa rin ako sa comment mo - tho di ko sure kung seryoso. Anyways, thank you.


JOVELLE'S POV


Nagising ako dahil sa nakakarinding boses ng isang babae ngunit hindi ko pa dinidilat ang mga mata ko. Nakahiga ako sa isang napakalambot na kama.


"Tss. Sa lahat ba naman kasi ng babae, yang malandi pa na yan ang napili mo. What's wrong with you couz?" sabi ng isang babae. Teka, sino kayang tinutukoy nito?


Where the heck am I anyway?


"C'mmon, ikaw ba ikakasal sa kanya?" Ikakasal?


Sino ba sila?


"Shut up you two." May isang sumingit na kaboses ni. . .


"Bakit ba kasi kailangan pa natin yang dalhin dito? Hinimatay lang naman ah?"


"Bakit ba reklamo ka ng reklamo? Hey Trav, paalisin mo nga yang maingay mong kapatid."


Wait. Anong nangyari bago ako----



Nanikip na naman ang dibdib ko. Napalunok ako at mas lalong nanghina. Was it a dream?



Dad. . . Azykelle. . .


Naikuyom ko ang palad ko.


"Hey, I think she's awake. Sabi ko na nga ba eh! Nag-iinarte lang---mmmm---"


I wish it was.



Dinilat ko ang mata ko at nakita si Mejia, Troy, at isang babae, na akala mo kakainin ka na sa sama ng tingin.


Lumapit sa'kin si Mejia at hinaplos ang pisngi ko. "How are you, sweetie?"


Nangilabot ako kaya agad kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa'kin.


Tumawa si Troy at sya naman ang lumapit sa'kin.


"So how are you?"


Hindi ako sumagot at tinignan lang sila ng masama. Nakita ko namang umirap yung babae sa isang sulok, halatang ayaw lumapit... good baka kung ano ring magawa ko sa kanya.


Ano bang ginagawa ko dito?


"Confused?" halata ba? Bwisit. -__-

My Sister Is Seducing ME?! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon