kakayanin

1 0 0
                                    

Deanne's POV

"Anneeee!" Sigaw ng mabait kung friend sabay katok sa kwarto. Agad ko naman itong binuksan pag katapos mag punas ng luha. "Oh! Anneee, naiyak ka nanaman?" Bungad agad nito ng makapasok at halatang nag aalala ang boses. "Akala ko kung ano ng ginagawa mo, bakit mo kasi nilock ang pinto? I'm here to comfort you Anne! hindi kapa nag iisa." Dugtong naman nito sabay yakap sakin. And here i am again, can't help my self kung di ang umiyak ng umiyak😢 "iiyak mo lang yan Anne! Kakayanin mo to, para sa sarili mo. Sa pangarap nyo ng mama mo, wag kang mawalan ng pag-asa." Mahinahong tugon nito habang nakayakap parin sakin na umiiyak. Siguro nag tataka kayo kung bakit ang drama ko, namin ng kaibigan ko. masakit man sa part ko pero ikekwento ko narin sa inyo. Kami nalang ng mama ko ang mag kasama sa buhay, grade one palang ako ng iwan kami ng papa ko sa di ko malamang dahilan, tinatanong ko naman kay mama pero iniiwasan nyang sagutin. Kaya simula nun inisip ko nalang na patay na ang papa ko. Actually matapang akong tao, palaban ako, lalo na pag dating sa mga lalake yun kasi palaging tugon ng mama ko, wag na wag daw akong mag papaapi at mag papaloko sa mga lalake nayan! Pero dahil sa trahedyang nangyari, ito ako ngayon. Walang lakas ng loob, walang tapang sa sarili. Ni hindi ko na kilala sarili ko, sobrang hina na ng kalooban ko. My mom died one month ago and here i am, still trying to understand what's really happened, para kasing di totoo parang masamang panaghinip lang kung baga. Pero bawat pag gising ko wala na talaga. Wala na talaga ang kaisa isang taong nag papalakas sakin. Buti nalang at meron akong super bait na kaibigan, dito narin ako nag stay sa kanila simula nang mailibing ang mama ko, at sobrang blessed ko sa kanila at palagi nila akong pinapalakas. at sa mga sandaling ito, isa nalang rin ang pinagkukunan ko ng lakas. Ang mga pangarap at pangako ko sa mama ko na mag tatapos ako sa pag aaral at mag kakaroon ng magandang trabaho, mahirap at di ko alam kung pano sisimulan pero kakayanin ko to. sabi nga ng kaibigan ko, para sa sarili ko at sa mga pangarap namin ng mama ko. Ang haba na pala ng nakwento ko pero di pa ako nag papakilala. Ako nga po pala si deanne mendoza, anne for short. Makikilala nyo rin ako physically and emmotionally.

Jake's POV

(Thanks author, kakasimula palang ng story nag ka POV agad ako hehe "back to story")
Naaawa talaga ako sa bestfriend kung to! Pati ako di makapaniwala sa nangyari Kay tita, pero wala ee ganun talaga ang buhay, May mawawala may dadating. Speaking of dadating. "Oh sya tahan na anne, kayang kaya mo yan! Kaw pa! Yayaman kapa diba?" Pang aasar ko dito ng mabawasan naman ang bigat ng loob nya. "Mag ayos kana ng gamit mo, simula bukas, Magiging manila girl kana!" Dugtong ko dito sabay punas ng luha nya. "Huh? Anong manila girl?" Sagot naman nito habang nag pupunas ng luha, buti nalang natahimik na. "You for got? bukas ng dating ng bestfriend ng mama mo! Remember yong tumawag kahapon?" Sagot ko naman dito. May bestfriend kasi mama nyang nasa manila sobrang close daw nun ng mama nya parang mag kapatid na nga raw yun sila ni tita ee last week lang din nabalitaan nun ang nangyari. Naiyak pa nga yon sa phone so close nga talaga sila ni tita, namimiss ko narin si tita😞 so ayon, inalok si deanne na dun nalang muna mag stay sa kanila sa manila para makapag aral narin sya, pag aaralin daw kasi sya dun. Mabuti narin yon, pero kung ako ang tatanungin ayaw kung umalis si anne dito. But for her dreams okay narin yon! mag kikita rin kami ulit, nang sa ganun din ay mabawasan ang sakit ng nararamdaman nya, dami kasi nilang alaala ng mama nya dito. kaya nga pinopush sya namin nina mama at papa na igrab nalang ang opportunity, para sa sarili nya at sa mga pangarap nila ng mama nya. "Oo nga pala, nakalimutan ko na! Salamat talaga sa inyo bestfriend huh! Sobrang laki talaga ng utang na loob ko sa inyo." Bungad naman ni anne sakin sabay hawak sa kamay ko. "Ano kaba anne, wala yun! Bestfriend tayo ee basta huh! Wag mo akong kalimutan pag andun kana sa manila?" Sagot ko naman dito sabay kunot sa pisngi. "Mamimiss ko tong bestfriend kung to!" Dugtong ko ulit sabay gulo sa buhok nya. (Igagrab ko narin ang opportunity na to baka wala na akong POV nito hehe thanks author) actually matagal ko ng crush si deanne, sino ba naman hindi mag kakacrush sa babaeng to! Simple pero maganda, sobrang ganda! Matalino na mabait pa. Pero natatakot akong umamin baka kasi umiwas sakin ee swerte ko na nga at kinaibigan ako nito, ang arte kaya nito sa mga lalake. At mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob na umamin sa ngayon, dahil alam kung bestfriend ang kailangan nya sa panahong ito at handang handa ako para dun. Darating din ang tamang panahon samin. "Syempre naman hinding hindi kita makakalimutan! Bestfriend kita ee" sagot nya naman sabay ngiti. Sa wakas, ang sarap sa feeling! Nakita ko narin syang ngumiti ulit! 😍 "talaga lang huh! Dapat ganyan kana palagi hah! Smile ka lang, kayang kaya mo yan, kung buhay pang mama mo gusto nya rin nakangiti ka palagi." Sagot ko naman sa pinakamamahal kung "bestfriend". "Sige! mag ayos kana ng gamit, baba kana mamaya at kakain na tayo." Dugtong ko naman dito. I know, mahihirapan din ako nito sa pag alis nya, lalo na't isang bwan nasya dito. Pero para sa kanya kakayin ko. Para sa kanya.

I'm Dating The Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon