magkikita pa tayo

4 0 0
                                    

Deanne's POV

"Pasensya kana talaga deanne at di ako nakapunta dito sa panahong sobrang lungkot mo. condolence, pero promise! Di kana malulungkot, di ka namin papabayaan ng tito mo. dalaga kana rin pala, nag mana ka nga talaga sa mama mo! Matalino't maganda pa. Matagal tagal narin simula ng huli kitang makita." Mahinahong tugon sakin ni tita marian, bestfriend sya ng mama ko simula nong highschool pa sila. Bata pa ako nun ng makilala ko sya yon yong mga panahong iniwan kami ng papa ko. Sobrang bait nya talaga kahit hindi ko pa talaga sya lubos na kilala palagi din kasi syang nakukwento ng mama ko. "Okay lang po yon tita, salamat po talaga at pumunta pa kayo dito para sunduin ako." Sagot ko naman dito na may dalang ngiti. Kakarating nya lang kaninang umaga galing manila, sila na daw kasi ang mag papaaral sakin. nabalitaan nya kasing top student ako, kaya sayang narin daw kung hindi ako makakapag college. Kaya sobrang thankful ko at may mababait pa talagang handang tumulong, kaya gagawin ko ang best ko gagawin ko lahat para hindi sila mag sisi na pinag aral nila ako. "Wala yun deanne, simula ngayon ituring muna akong mama okay! Hindi ka malulungkot dun, nandun naman ang anak kung si Dave, magiging close kayo nun for sure." Sagot naman ni tita sabay haplos sa balikat ko. So may anak pala sila, di ata nakwento ng mama ko yun. Well, sana nga lang magiging close ko yun. "Salamat po talaga." Sagot ko naman ulit dito. "Hehe Oh sya, matulog na tayo at bukas na ang balik natin." tugon naman ni tita, so bukas na ang simula ng pag babago. Kailangan kung maging matatag. Mamimiss ko ang lahat dito, ang lugar ang mga tao dito ang bestfriend ko at lalo na ang mama ko. Pero makakabalik din ako dito, pangako ko yan.

jake's POV

(Maybe last ko ng POV to hahaha wag naman sana author.)
Paalis na sina deanne ngayon, at ito talaga ang ayaw ko sa lahat! Ang drama kasi nito ee for sure iiyak nanaman yang babae nayan! Ayoko ko pa naman syang nakikitang umiiyak. "Best!" Tawag nito sakin, nakakabakla no haha pero okay narin yon. "Mamimiss kita, maraming maraming salamat talaga sayo, sa inyo" Dugtong nito sabay biglang yakap sakin. Sabi ko na nga ba't iiyak ee. "Mamimiss din kita, pero wag ka ng umiyak! Parang pupunta ka naman sa ibang planet, manila lang yan! Magkikita pa naman tayo diba?" Sagot ko naman dito sa mahinahong boses. Ayoko kung umiyak, kahit gusto ko. Nakakabadtrip naman to! "Oo naman, mag kikita pa tayo! Basta hah! Mag iingat kayo palagi, alagaan mong sarili mo!" Sagot naman nito sabay punas ng luha nya. "Oo naman, ikaw din mag iingat ka dun! Tawag ka kung may mang aapi sayo dun at ipapakulam natin." Pag bibiro ko dito, para naman maibsan ang sakit ng nararamdaman namin. "Opo! Babalik ako dito promise ko yan!" sagot naman nito na may ngiting dala. "Sige na, ayoko ko ng mag drama! Ubos ng luha ko ee!" Dugtong nito. "Sige, ingat kayo tita marian!" Sagot ko naman sabay kaway kay tita marian. So ayun na, umalis na talaga sya! Wala na ang bestfriend ko, wala ang crush ko, wala na ang taong. Mahal ko! Promise ko din sayo deanne, mag kikita pa tayo. At sa mga panahong yon, may lakas na ako ng loob na ipagtapat sayo ang nararamdaman ko.

I'm Dating The Perfect GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon