Where do broken hearts go?

13 1 0
                                    

It's been a year.

Just a damn new year but the feelings will always be the same.


Sino ba naman ako para hindi niya iwan diba? Pero tngina lang, sana sinabi niya ng mas maaga. Sana naman sinabi niya yung totoo para hindi ganito kasakit.



Nakngpusa! He was the only man I loved and I will always love! He was my first love. And now, hindi ko alam kung kaya ko pang bumalik sa dati.


Sinubukan ko namang magbago. Sinubukan ko namang ayusin ulit ang sarili. Sinubukan kong maging isang taong alam kong hindi ako dahil nagbabakasakaling balikan niya ako.


Nag-aral. Naglinis ng bahay. Kumain ng masustansya. Nagsimba. Lahat. Lahat ng mabubuting bagay ginawa ko. Ginawa ko lahat para balikan niya lang ako. Nagpaganda pa nga ako para kapag balikan na niya ako, magiging proud siya sa akin. Nag-alay na din ako ng prutas sa bundok. Kung ano-anong bagay na ang sinubukan ko. Kahit ang tanga ko ng tignan, umaasa pa rin ako.



I was holding back my tears while looking at his picture. He has the most beautiful smile in the world. The smile that could lift up your day. I missed those smiles. Yung ngiting binibigay niya sa akin araw-araw.



I'm lost. Hindi ko na alam san ako pupunta o kung san pa ba ako pupulutin. Hindi ko na mahanap yung sarili ko. Yung masayahing Veronica, hindi ko na alam kung saan nagpunta.


He was my everything before. He's still my everything. Pero hindi na siya babalik. Kahit anong luhod ko. Kahit anong sigaw ko. Kahit anong pagmamakaawa ko, hinding-hindi niya na ako babalikan. Kahit anong dasal ko. Wala. Walang silbi. Walang nangyari.


Let go. Yan ang sabi nila. Madali lang naman yan sabihin e! Pero anak ng tupang let go na yan! Ang hirap-hirap gawin.


Sa araw-araw na lumipas, ang sakit-sakit. Hindi ko nga alam kung maaayos pa ako. Isang taon na pala ang nakalilipas, ano? Isang taon na rin simula ng malaman ko ang totoo.

Dang it, he could always say the truth para mas naihanda ko man yung sarili kong masaktan. Para naman hindi ako nabigla!








Isang patak.



Dalawang patak.


Tatlong patak.




....at nasundan na ng malakas na pagbuhos ng ulan.






Ang galing lang, sinasabayan ng ulan ang pagbagsak ng mga luha ko.






"WHOOOO HEAVEN! MARUNONG KA RIN PALANG MAAWA 'NO? HAHAHAHAHA SINABAYAN MO PA AKO! ANO KA NGAYON? NAKIKIIYAK DIN? ANG PLASTIC MO PALA E! GAGO! PAGKATAPOS NG LAHAT NG NANGYARI, PAGKATAPOS NG ISANG TAON NA HALOS IKAMATAY KO KUNYARI MAAWA KA SA AKIN? LECHE! ABA KUNG GANUN BA'T MO PA PINARANAS SA AKIN? Tngina naman e. ANG SAKIT SAKIT SAKIT SAKIT NA. At habang tumatagal, mas sumasakit lang. Time heals ba talaga?"  Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit e. Grabe. Sobrang sakit.




Manloloko. Magsama kayo ni Mar Roxas! Mga manloloko! Mga sinungaling! Leche! Mga bwisit! Galit na galit ako sa tatay ko pero mas galit ako sa sarili ko dahil hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na patay na ang papa ko.


Hindi niya man lang sinabi na may sakit siya. Lagi niyang sinasabi sa aking okay lang siya and then one day, nakita ko nalang siyang natumba sa sahig habang naghuhugas ng pinggan.



Ang sakit-sakit. If he could just told me about his illness, hindi ko na sana siyang pinilit bilhan ako ng bagong cellphone para hindi na siya nagpakahirap maghanap ng pera.


Tinititigan ko pa rin ang mukha niyang basang-basang na ngayon dahil sa lakas ng ulan.


Totoo nga pala talaga yung first love never dies.


Where do broken hearts go?

They will come back to the certain thing that made them broken. Not to be healed, but to feel the pain again. To be broken for the last time and finally, free themselves.



Closure na siguro 'to. Maybe I really have to let go. I have to fix my heart now.



I smiled. "I love you, Pa. Happy Death Anniversary. "


*The End*



/////---

Wala lang. Na-lss lang alaga ako sa kantang where do broken hearts go so I made this. Closure ko na rin 'to sa song para makapagmove-on na rin ako. Naks! Nakakaumay kaya. Hahahahaha.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon